CHAPTER 12 - HANDS OFF

1.4K 55 3
                                    

YLLENA

For once in my life, I felt so light and free. All those little things that life has given me, I'm starting to appreciate.

Tulad ng sa ngayon, hindi mapigilan ng puso ko ang lumundag sa sobrang tuwa habang pinagmamasdan ang maliliit na ilaw ng siyudad habang nasa himpapawid kami.

Unang pagkakataon kong makasakay ng eroplano at kahit na hindi iyon kalakihan, sapat lang sa aming dalawa ni Rei, iba pa rin iyong pakiramdam na nangyari ang isa sa mga pangarap mo.

City after city, in the two remaining hours, lahat iyon ay ipinakita sa akin ni Rei. Whoever this rich man be, masaya akong siya ang naging client ko.

Iba pala ang takbo ng pakiramdam sa tuwing iniisip kong nasa himpapawid nga ako. Kahit gabi, kitang-kita ko parin ang masiglang ilaw ng mga siyudad sa buong Metro. Parang mga bituin sa langit na nangingintab sa kadiliman ng gabi.

Kahit sa paglapag ng small plane ni Rei sa runway, at sa pag-alalay niya sa akin upang makababa, para paring nakikipagkarera ang puso ko.

"How's your first flight? Did you enjoy it?" tanong niya matapos naming magbihis. Suot ko ang hoodie niyang ipinatong ko sa aking damit.

I felt warm. From the inside. Hindi ko alam pero sobrang saya ko na para bang nawala ang lahat ng masasamang pangyayari ngayong araw.

Na para bang kami lang... Ano bang iniisip mo, Yllena?

Ngumiti ako sa kanya at inabot ang bag na naglalaman ng suits.

"Oo. Nag-enjoy ako. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko pero salamat, Rei."

Ilang segundo ang tinagal ng tingin niya bago umangat ang sulok ng kanyang labi. Tumango ito at tumingin muli sa maliit na eroplano.

"Wait here. I'm going to give you something," aniya at umakyat ulit sa hagdan.

Saglit kong pinagmasdan ang lalaki.

Rei's a good-looking man. Para ngang hindi sapat ang salitang iyon para i-describe ang lalaki. From his round ass and muscled thighs that seemed to be hugged by his pants, up to his broad shoulders. Paniguradong matinik ito sa babae.

Bukod sa maayos na pangangatawan, hindi magpapatalo ang kanyang itsura. A mixture of foreign features paired with a deep, dark, expressive eyes. Umiigting ang mga panga sa tuwing nagpipigil. Tumutuwid ang makapal nitong kilay sa tuwing may iniisip. At higit sa lahat, ang labi nitong naninipis sa tuwing ngumingiti.

Hindi ko napansing naglakbay na pala ang isipan ko sa kung saan at huli na nang mapansin kong nasa harapan ko na siya.

"Here... I want you to remember this night." He smiled. A genuine smile.

Inilahad ko ang palad ko at may inilagay siya roon. Pinagmasdan ko ang maliit na bagay, o mas tamang sabihing singsing. Iniangat ko iyon sa gitna namin at tiningnan siya.

"Singsing?" tanong ko. It's a thin, plain silver band with engraved letterings inside.

"Fly... above the... negativity..." basa ko sa maliliit na letra.

"It's a remembrance of my first flight." He smiled again as he watched me being amazed at the ring.

"And my first fear also."

Napatingin ako sa kanya. Nagkamot siya ng batok at parang nahihiyang umiwas ng tingin. Iniling ko ang ulo ko. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng lugar.

"Bakit mo binibigay 'to sakin? Remembrance mo ito."

"Nah... I've overcome the fear already. Am I being weird? Nagpiloto pero natakot sa pagpapalipad ng eroplano?"

The Billionaire's Wild Night | RBS 4 (ON HOLD)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora