Kabanata 20

7 1 0
                                    

Calm down
...

"Try me. Try me then baby."

Napaurong ako bigla. Pumapanting ang aking tenga sa kanyang sinabi. It triggers me. Para akong hinahamon sa mga katagang iyon. Na kahit anumang sandali ay sasabog na ako sa mga emosyon at katanungang matagal ko ng kinikimkim.

Bakit siya ganito? Anong klaseng laro ba itong ginagawa niya. Diba ikakasal na siya. Isa nga ito sa dahilan kung bakit iniiwasan ko siya eh. Hindi pwedeng basta basta lang niyang guluhin ang nanahimik kong isipan at nararamdaman. Kasi konting galaw nalang alam ko.... mahuhulog na talaga ako.

Hindi pa nga ba Ellis?

...o di kaya'y...

Hindi pa. Ibig kong sabihin wala!
Ah basta! Kahit ano pa yan.

Ayos lang naman sa akin ang mahulog ng walang sasalo. Makakaya ko naman sigurong gamutin ang sariling sugat at magpatuloy kahit napipilayan pa.  Ang sa akin lang naman ay masasaktan ko siya sa oras na saluhin niya ako.

I have thorns...you can't love me.

" Akin na yan Knight! " Nahablot kasi niya ulit iyon mula sa akin.

Itinaas niya iyon sa ere at pumasok sa loob, kaya patalon talon akong sumunod sa kanya. Kahit anong gawin ko ay walang panlaban ang aking height. Naiinis na ako. Konteng konte nalang ay sasabog na talaga.

"Knight ! Sabing akin na yan ! " Mabait ako pero may itinatagong halimaw sa loob. Natutulog lang iyon pero huwag mong gisingin.

"Bakit ka ba nangingialam ha?! Ano ba kita ha?!Hindi kita kaano-ano. Kung gusto mong may pagbawalan, huwag ako Knight! Ikakasal ka ng tao. Respeto naman doon sa mapapangasawa mo!" There! Nasabi ko na sa wakas. Alam kong pulang pula na ako ngayon. Napasobra ang sinabi ko pero mabuti na iyon at malinaw sa kanya.

He was taken aback by my words. Naibaba niya ang kanyang kamay. Pero mas lalo akong nainis dahil kumislap ang kanyang mata sa pigil na pag ngisi. Nag jojoke ba ako sa paningin niya at kung makaasta siya ay parang tuwang tuwa. Kumakagat pa sa kanyang pang ibabang labi. Gessh! Pigilan mo ako Panginoon!

Madali kong nahablot pabalik ang bikini, at tinungo ang aking bag na nakapatong sa sofa.

" I like you. " He said.

The way he said it para akong nakuryente.

Gulat akong lumingon sa kanya. Nawala na ang pilyong ngiti niya kanina. All I can see now is seriousness.

Para akong hinihigop sa kanyang mga mata para dalhin sa kung anong mundo man iyon. Ang sarap magpatianod. Wala mang kasiguraduhan at wala akong makikitang bakas kung anong naroon pero ang sarap pumasok, sumubok, sumugal at mawala kahit hindi na ako makakabalik at matatagpuan pa.

" I like you." He said again. "Kung hindi halata para sa'yo then let me say it again," I like you Ellis Dioica. "

Bitbit ang bag, nanginginig akong tumayo. Halos lumabas ang aking puso sa sobrang kalabog.

" ...And who said I would get married? Hmm?" Unti- unti siyang lumapit sa akin kaya humakbang ako paatras , kaso wala na akong maaatrasan. Huminto siya sa harapan ko ilang dangkal lang ang layo, sakto lang na mapagmasdan ko ang kanyang luntiang mga mata. Nangungusap iyon puno ng iba't- ibang emosyon. May isang emosyon doon na kaya kong pangalanan pero.... " ...Baby how can I get married? Sinasagot mo na ba ako?"

Napasinghap ako. Paano niya nagawang sabihin iyon ng kalmado lang? Samantalang ako ay parang mamamatay na sa kaba.

"U-uuh..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Umurong ang aking dila. Lumilikot rin ang aking mata, takot na baka tumama iyon sa kanya. Yumuko ako at nanginginig ang kamay na dinampot ang bag at mabilis na umalis sa kanyang harapan.

Binuksan ko ang pinto at muli siyang nilingon. He's stiil standing there. Head slightly bowed, pikit ang mata while massaging the bridge of his nose.

Saka pa ako nakahinga ng maluwag ng makapasok ako sa room namin. Sapo- sapo ko ang aking dibdib at pikit matang sumandal sa pinto.

" Ellis! Ang tagal mo naman! Hala? Ayos ka lang? Ba't ka namumutla? " Mula sa nakakunot na noo unti unting sumilay ang pilyong ngiti. "..Aha! Wag mong sabihing may nangyayari sa inyo ni Knight. Hinalikan ka noh? Owemjiii nag sex kayo?! Malaki ba ha? Elliss...yiiii....!" Eksaheradang tili ni Mindella. Makahulugan pang binaybay ng tingin ang aking labi at sa ibaba. Naku!

" Tsk. Hindi noh. Ang dumi mong mag isip Mindella. " Mahinahon kong sagot. Hindi pwedeng mauutal o kaya'y kabado dahil kilala ko ang babaeng ito. Mas lalong mang intriga at mang asar.

Namatay ang excitement sa kanyang mga mata. Bumagsak pa ang balikat. Sa huli ay sumuko na rin. Hindi rin siya umangal nang tinupi ko yung bigay niyang bikini at itinabi sa kama. Sinuot ko ang high wisted swimming shorts paired with rib crop rash guard. Fitted pero atleast hindi gaanong kita ang balat.

" Woo.. Sexy pa rin Ellis. " Nakangiti niyang sabi at pasipol sipol pa.

Bumalik na kami sa dalampasigan at naabutan namin sila sa cottage na nagtatawanan.

" Oh! Hi there Ellis! " Nakingiting bati ni Argus at mabilis pang pinasadahan ng tingin ang aking katawan. The usual Argus.

Ngumiti din ako sa kanya. " Hi Argus. Dalawa lang kayo ni Gad? "

" Luckily yes. They have work ." May kung anong tinitigan siya sa aking mukha.
"... You have fallen eyelash Ellis, let me take it. " Iiling sana ako pero itinaas na niya ang kanyang kamay.

"Argus Javier! " Parang kulog iyon sa sobrang lakas. Sobrang diin at tila nagbabanta.

Napahinto sa ere ang kamay ni Argus at itinaas iyon sa tapat ng kanyang ulo na tila sumusuko. Lalo akong nagulahan ng umalpas ang makabasag tainga niyang halakhak. Pati si Gad na nasa cottage ay humalakhak na rin.

Lumapit si Knight at nagtagis ang bagang na nakatingin sa amin, sa akin! Ano na naman.

"Really bro? So whipped ! " Halakhak ni Argus. At mabagal na pumalakpak.

" Get your fucking ass outta here and answer your fucking phone Javier! Mom wants to talk to you." Knight commanded.

" Ok..ok bro. Chill. Bye Ellis. " kumindat sa akin, natatawa at matuling tumakbo.

" That bastard!" Bulong ni Knight pero narinig ko pa rin.

"Ang gaspang talaga ng ugali." Bulong ko pero sinigurado kong marinig niya iyon.

"Whoever Ellis. Whoever blocks my way and meddle with my property." He said in a stern voice, full of conviction.

Hindi ako manhid para hindi alam kung anong ibig niyang sabihin, pero kailangan kong ilihis ang usaping iyon. Hindi pa kayang eproseso ng aking utak. Nakakatakot harapin. Hindi ko alam kung paano hahawakan ang mga katagang iyon.

"Ang sabihin mo mahilig ka lang talagang manakot. Kita mo noon si Berto, pati si Dark at ngayon si Argus. At saka yang bibig mo, pugad siguro iyan ng mura. Ang hilig mong magmura." Sabi ko habang inaayos ang hibla ng buhok na dinadala ng hangin sa aking pisngi . At andyan na naman iyang tingin niyang parang natutuwa. Ha! Matuwa ka dyan!

Nagtungo ako kina Freda at napasimangot siya dahil hindi ko raw suot yung bikini. Pero natutuwa pa ring nakatingin sa suot ko ngayon. Bagay daw sa akin. Syempre preloved swimwear kaya ito ni Reese. Mukhang hindi pa nga nagamit.

Masaya kaming nagkukwentohan. Pati si Knight na tahimik lang sa aking tabi ay nakitawa na rin. Kaswal lang at parang walang nangyayaring eksena sa room niya kanina, bagay na ikinatuwa ko. Ayaw kong makahalata itong tatlo at aasar- asarin ako buong bakasyon dito sa Rio de Herrero.

"Gutom ka na? " Masuyong tanong ni Knight sa akin.

Natigil ang tatlo. Si Argus at Gad ay may pilyong ngiti. This brute really!  kakasabi ko lang na ayaw kong asarin eh!

Calm down heart. Calm down.

_NOMSS14

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Feb 28, 2022 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Thorn Series 1:  Pricked [ONGOING]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora