Kabanata 10

15 7 0
                                    

Danger
...

Hindi ko siya pinansin at tuluyan ng sumampa sa motorsiklo ni Berto.

"Berto, tara na." Sabay yugyug ko sa laylayan ng kanyang t-shirt.

Napatingin doon si knight. Umigting ang panga. Nang tumingin siya kay Berto ay naramdaman kong umalog ang motor.

"A-ah naku Ellis may importanteng lakad pa pala ako." Nanginginig na boses ni Berto. Alanganing ngumiti.

Sinamaan ko ng tingin si Knight. Hindi siya natinag. Parang tinakot niya yung tao eh! Wala namang ginawa sa kanya!

Kahit anong pilit ko kay Berto ay ayaw niya talaga kaya wala akong nagawa kundi ay bumaba nalang.

"S-sir... U-u-h.. alis na po ako." Pagkasabi noon ay bigla niyang pinaharurot ang motor. Muntik pang tumambling iyon.
Kaduwagan Berto... Kaduwagan.

Humarap ako sa kanya. Kunot ang noo at sinamaan ko siya ng tingin.

"What?" Kaswal niyang tanong at manghang nakatingin sa akin. Pansin ko kung paanong palipat- lipat ng tingin ang kanyang mata sa kabuuan ng aking mukha..

"Sama' mo... Tinakot mo iyong tao." Paratang ko sa kanya na totoo naman na.

"Tss. Did I ?" Pilyo niyang tanong at kagat kagat ang pang ibabang labi na animo'y pinipigilan ang ngiti.

Ba't parang inaasar niya ako ngayon, eh kanina ang sama ng tingin niya ah. Ngumuso ako.

"F-fuck! " Mahina iyon pero narinig ko.

"Minumura mo ba ako?" Mas lalong nanulis ang aking nguso habang tumitingin sa kanya. Aba! Tinakot niya si Berto at ngayon kung maka mura!

"W-hat?...No ! J-just... Damn! Stop doing that!" He spat.

"Ang alin..?" Naguguluhan kong tanong.

"Tss. Let's go. " He said at tumalikod na.

Luh? Naguguluhan ako pero sumunod ako sa kanya. Nang nasa tapat na ako ay binuksan niya ang pinto ng kanyang kotse. Tumingin ako saglit sa kanya at alanganing pumasok.

He let me settle down first before bringing himself to the driver's seat.

Bumungad sa akin ang malinis na loob ng kanyang sasakyan. Amoy ko rin ang kanyang mamahaling pabango. The air was laced with smells that spoke of virility.

Napaisip ako kung anong sasakyan papunta kina maam Cassandra. Lalaking ito naman kasi. Lalakarin ko nalang siguro.

"What are you thinking? " He asked.

Nilingon ko siya. Para siyang hari na nakupo sa trono. His vieny hands lazily holding the steering wheel, sakop iyon sa kanyang mahahabang daliri. Ang kaliwa niyang kamay ay nakadantay sa bintana habang nakahawak sa sentido.

Sobrang pagpupuna na naman Ellis!

"Uh, sa may bukana lang ako ng hacienda."

"Why? Aren't you going somewhere?" He asked attentively.

Baka narinig niya siguro ang usapan namin ni Berto kanina.

"Kaya nga sa may bukana lang. Kasi pa kanan iyong mansyon ninyo samantalang pa kaliwa naman iyong kina maam Cassandra." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Ang totoo niyan ay gusto ko na ring makalabas. Hindi man halata pero hindi normal ang kalabog ng aking puso, kinakabahan ako. Sabi ni lola ang kaba ay senyalis ng panganib, ibig sabihin ba nito ay...

"You know I can bring you there Ellis." Tunog sigurado niyang sabi.

Natigilan ako. Ba't ang sarap sa tainga nung pagkabigkas niya sa aking pangalan. Parang awiting hindi kailanman kumukupas.

Thorn Series 1:  Pricked [ONGOING]Where stories live. Discover now