Kabanata 2

26 10 0
                                    

Happiness
...

I don't have a particular favorite color. I love all of them. Be it red, white, blue, orange... They're all marvelous, unique and meaningful.

Not until those moment...

When I first saw a pair of deep languid green eyes.

It's like a spell. It returns everytime to haunt my memory. Seems like those eyes has its own secret way of making my heart to remember.

Pagkatapos nagmeryienda ay nagpaalam si Donya Berenice sa amin dahil may flight pa raw siya papuntang Singapore.

Syempre nandito pa rin kami sa mansyon. Nakipag chika pa sa mayordoma na si manang Delli. May katandaan na si manang, medyo strikta siyang tingnan. Ang kanyang mukha at aura ay parang si Ms. Minchin sa Princess Sarra, pero sobrang bait ni manang. Maliliit pa daw iyong mga anak nina Don at Donya ay nasa puder na raw siya ng mga Escarrer naninilbihan.

"Huling taon na po namin sa college ngayong darating na pasukan manang. Mapagpahinga ko na rin sa wakas itong aking mga kamay sa kakahawak ng kampit. " Nakangiting sabi ni Mindella.

Halos limang oras na kami dito. Saan na ang sinabi nilang gala time? Boy haunting? Ano yon, nakalimutan na? Basta dito sa mansyon talaga ang ruta namin walang reklamo itong tatlo. Eh, ikaw Ellis may reklamo ka ba?

Tahimik na uminom si manang ng kape. "Iyong bunso nina madam na si Argus, gagraduate na rin sa susunod na taon. Ayon at matatapos na rin sa wakas." Ngumiwi si manang "...sa pagkakakilala ko ng batang iyon, eh masyadong bulakbol at mapaglaro sa mga babae. "

Halos mabali ang sofa ng umurong si Mindella. Naku ayan na. Nagtatransform na.

Kanina lang e halos ayaw ibukaka yung mga hita habang umupo, pati ang pagtawa may patakip takip pa.

"Kailan po kaya iyon bibisita dito manang?" Ayon! Favorite line niya tuwing mapunta kami dito.

"Baka nextyear pa o baka dito sa mansyon sila magpapaskong pamilya, kaso ayaw pumunta dito ni Knight."

Nalaman naming iyong si Knight pala ang panganay na anak nina Donya. Pinagkatiwala sa kanya ni Don Oleverio ang kanilang mga negosyo. Doon na natapos ang aming usapan dahil may aasikasuhin pa raw si manang.

Matamlay si Freda dahil sa nalamang ikakasal na raw iyong si Knight next year. Hindi pa raw niya nakita eh ikakasal na. Natawa kami sa kanya.

Alas dos na ng hapon nang lumabas kami sa mansyon. Nadaanan pa namin ang malapad na swimming pool. Nang- aakit iyon sa sobrang linis at ganda.

Sa huli ay dito kami napadpad sa ukay ukayan ni aling Minerva. Nagsasale sila ngayon kaya sa one hundred pesos ko ay nakabili ako ng maong mini skirt, jumpsuit skirt jeans, white and biege tees and in all fairness parang hindi pa nagamit.

"Hi! Ellis!" Sigaw ni Berto sa kabilang daan. "...Pauwi ka na? Tara, hatid na kita." Nakangiti niyang sabi at papalapit sa amin.

Maangas siyang nakaangkas sa kanyang motor. Iyong uri ng motor na may kalumaan na. Litaw na kasi iyong mga ugat .. este iyong mga wires. Tunog pumpboat na rin iyon. Mahaba ang upuan dahil may extension na kahoy, tantya ko ay sakto ang limang tao roon.

Umirap si Freda. "Naku..naku, itong si Berto lumalandi na naman kay Ellis! Kung makaaya ay parang hindi kami nakikita! tsee!"

Berto park his motorcycle at lumapit sa amin. Ngumisi siya, kitang kita yung kanyang hilang na ngipin. Umakbay siya kay Freda at patalsik namang hinawi nung huli.

"Selos ka na nyan Fred. " sabay silip sa mukha ni Freda. "...sorry ha, si Ellis talagang gusto nito oh." Sabay turo sa kanyang dibdib. Corny nitong si Berto.

Thorn Series 1:  Pricked [ONGOING]Where stories live. Discover now