Kabanata 16

14 6 4
                                    

Escape
...

'Hey, are you asleep?'

'Good night.'

'I miss you baby.'

Kunot noo kong pinagmasdan ang mga mensahe, pabalik balik. May kung anong pintig ng aking puso na hindi ko mawari, pero namatay din naman iyon agad, kasi naalala ko noon na dalawang beses akong pinagtripan ng tatlo. Atsaka, uso ang wrongsent ngayon Ellis.

Ayaw ko mang aminin pero may isang tao kasing gustong ibandera ng aking utak. Imposible.

Mabilis kong pinatay ang selpon at ibinalik sa aming side table na gawa sa kawayan. Inayos ko muli ang unan bago nagtalukbong ng kumot at pumikit. Kaso nga lang ay nasa kalagitnaan pa lang ng idlip ay naiihi ako. Isa ito sa pinakaayaw kong sandali. Iyong naiidlip ka na pero disturbohin ng ihi. Hayss. Sa mabibigat na mga paa ay tinungo ko ang cr.

Malamig ang hangin kaya niyapos ko ang sarili. Tanaw ko ang malamlam na liwanag na tumatagos sa maliit na siwang ng bintana kaya alam kong maliwanag ang buwan ngayong gabi. Nang matapos sa aking sadya ay dumaan muna ako sa kusina para uminom ng tubig.

Gusto ko ng bumalik agad sa higaan pero dinala ako sa aking mga paa sa bintana para silipin ang buwan. Sabik ay sumilip ako sa siwang ng bintana para matanaw iyon. Napangiti ako sa sobrang ganda nun, animo'y hinihila ako papalapit sa kanya. Misteryoso't nangangakit.

Buwan, bakit hindi kita maabot? Nilikha ka lang ba para magniningning sa dilim? Dinisenyo ka lang ba para tingalain at hangarin mula sa malayo? Kaya mo bang magpatihulog papunta sa akin kahit mawalan ka ng ningning?

Binusog ko ang aking mga mata at nang makuntento ay ibinaba ko ang tingin. Sa isang iglap saglit akong natigilan at kumurap kurap. Sa labas ng aming bakod ay natanaw ko ang bulto ng isang lalaki na nakasandal sa gilid ng itim na kotse. Nakayuko at tila may mariing sinisilip selpon. Kinabahan ako, dahil sa tanglaw ng buwan ay kilala ko kung sino.

Namamalik- mata ka lang siguro Ellis o di kaya'y nananaginip. Kinusot ko ng dalawang beses ang mga mata at sumilip muli. Pero naroon pa rin siya, at ngayon ay nakatanaw na siya sa bahay habang nasa bulsa ang mga kamay.
Lumundag ang aking puso. Sa paraan kasi ng pagtingin niya rito ay parang tumatagos iyon sa loob at nakikita ako. Ulit, imposible.

Umiiling ako at umatras..Pinatahan ang puso at pinatay ang kung anong tumibok doon. Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan bago tuluyang tumalikod at tinungo ang kwarto. At sa kapangyarihan ng isip... mabilis akong nakatulog.

Umaga ng nagising ako sa matining na huni ng mga ibon. Dinig na dinig ko iyon dahil parang nasa bubungan lang sila ng bahay. Inunat ko ang katawan at gumulong- gulong sa higaan. Hayss, ang sarap pa sanang matulog. Iyong nakahalata ka lang sa higaan buong araw at babangon kung kailan mo gusto. Dream on Ellis, dream on. Kaya bago pa ako tuluyang maakit sa malambot na kumot ay mabilis akong umahon sa higaan.

Kasinghinhin ng uod ang aking galaw, ngunit nang mabalingan ang orasan sa dingding ay agad akong nagtransform na parang si Batman. Hala ka! Alas otso na. Paanong hindi nag- alarm ang aking selpon...Oh! Panginoon. Napahilamos nalang ako.

Bitbit ang pamalit na damit ay mabilis kong tinungo ang banyo. Wisik-wisik na ligo lang sapat na. Matapos magbihis ay ipinusod ko ang aking buhok kahit basa pa iyon at ipiniprara ko ang mga dalahin papuntang hacienda. Matapos ay mabilis kong tinungo ang kusina para kumain.

Tama nga ako, nauna na si lola. Kadalasan kasi ay hindi ako ginigising ni lola, ang rason niya palagi ay baka napapagod ako at gusto ko pang matulog. Ayaw niya raw disturbohin ang mahimbing kong pagtulog. Ang sarap nga sana, pero ang tulad kong ginto ang bawat oras ay hindi maaari.

Thorn Series 1:  Pricked [ONGOING]Where stories live. Discover now