Kabanata 18

5 0 0
                                    

Grant

...

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin paglabas ng mansyon. Makulimlim nga ang langit at kahit anong sandali ay uulan.

Papaanong alam ng kalawakan ang estado ng aking kalooban. Ibig kung sabihin, papaanong sumasalamin siya sa silakbo ng aking nararamdaman sa mga sandaling ito. Malamig, makulimlim, mabigat at parang gusto ko ring umiyak.

"I'm sorry I'd been gone for two weeks. The company had an emegency matters that day and needed my presence urgently. I was about to come back here the next day, but I really need to visit all of our company branches and held an official meeting."

Mabilis akong napaangat ng tingin. Naputol sa malalim na pag-iisip. Nga pala, muntik ko nang makalimutang kasama ko pala si Knight.

Maingat niya akong tiningnan. Mabilis naman akong tumango at tipid na ngumiti.
Umiwas sa sinag ng kanyang mga mata. Ang ganda nun pero natatakot ako sa sarili ko.

Nasabi ko na bang ang kanyang mga mata ay maihalintudlad sa sansinukob? Iyong kaya mong ilarawan sa salitang maganda at misteryoso subalit hindi pa rin sapat. May puwang doon na alam mong higit pa. Malalim at walang katapusan . You’re not sure what’s there but you can’t help but be fascinated, amazed and eventually fall and get lost.

Bagay na pilit kong pinipigilan.

Ganun lang umiikot ang araw, puntang hacienda para magtrabaho, uuwi ng bahay at minsan magdedeliver ng mga orders.

Nakaaligid palagi si Knight. Sa tanghalian, meryenda, pagsundo at paghatid. Maging sa paghahatid ko ng mga order. Pero tinanggihan ko iyon lahat at hindi rin naman siya namimilit. Nakasunod at nagmamasid lang siya palagi...Seems like he give me space.

Saklap. Wala pang kayo pero meron ng space. Chur!

"Hoy ! Ellis sama ka ha." Si Freda at nakita niya siguro na tatanggi ako kaya dinugtangan niya agad ang kanyang sinabi. " Hep! hep..! Wag mong sabihing hindi. Babae ka ! Tatlong yayaan kanang hindi sumama ha. Sige ka magtatampo na talaga kami sayo."

" Oo nga! huwag mong sabihing busy ka na naman. " May tampong dagdag ni Mindella.

"Tsaka Ellis restday naman kaya sumama ka na. " Pamimilit pa ni Acresia

... kung sana 'busy ' lang ang dahilan.

"Okay. " Maiksi kong sagot at nagtilian ang
tatlo.

Naguilty tuloy ako. Ganun ba talaga katagal akong hindi nakibonding sa kanila?

Namilog ang aking mga mata ng malamang sa Rio de Herrero kami pumunta. Oh God! Nasa wishlists ko iyon.

Ako yong taong hindi masyadong sociable pero mahilig sa adventure. Iyong kayang magmukmok sa sulok pero kapag pasyalan ang pag-uusapan ay biglang mabubuhayan   ng loob.

That place is one of the most beautiful and popular beach resort worldwide. Nga lang only the rich among the richest ang maka afford.

Excited na excited tuloy ako.This is a dream come true to me at biruin mo yon three days daw kami doon kaya susulitin ko talaga.

Bukas ang alis namin kaya I packed my things. The three assures me na sila bahala sa swim wears ko,duda ako doon kaya nagdala na ako ng mga shorts. Van daw ang sasakyan namin at daanan lang daw nila ako bukas.

" La, huwag ka munang tatanggap ng orders ha habang wala po ako, atsaka wag ka pong magbabad masyado sa sakahan natin, pahinga naman la. " Ngumiti ako sa kanya. Nakadapa ako sa higaan niya ngayon.

" Naku parang pinatanda mo naman ako masyado Ellis, malakas pa ang lola at alam mo namang manghihina ako pag walang gawin."

Ngumuso ako. Kaya ngumiti siya at hinaplos ang aking buhok. " O siya sige para mapanatag ka at ma enjoy mo iyong lakad niyo bukas...hala sige sa may gulayan lang ako."

Mas magaan doon ang trabaho kaya napangiti ako.

Hindi kagaya ng mga nakaraang gabi... nakatulog ako ng mapayapa. Walang bumabagabag...walang dumadalaw...

Maaga pa lang prepared na ako. Hindi naman masyadong excited pero yun na nga. I wore my cutoff shorts paired with white lazy style oversize sweater and a flat slip on sandal. Bigay ito ni maam Cassandra galing kay Reese, anak niyang babae na nagtatrabaho sa L.A. Nakatago lang ito sa kaban at ngayon ay nagamit ko na.

"La, pakitawag po sa akin pag dumating na ang van, iihi lang po ako. "

Ito ang pinaka ayaw ko talaga. Iyong bihis na bihis kana't lahat lahat tapos biglang maiihi o 'di kaya'y tatawagin ka ng kalikasan. Lalo na kapag nakaporma ka na or plantsado na ang outfit...naku magugusot !

"Ellis , nandito na ang sasakyan, bilisan mo riyan."

Naghugas ako ng kamay at mabilis kong inayos ang panty baka tumabingi at daling lumabas.

"Good morning too la and thank you po pero tapos na po akong kumain." Si knight.

Nasa bukana pa lang ako ng cr pero rinig ko na iyon. Hala bakit nandito siya?

Mabilis akong nagtungo sa kanila. He's wearing a white long sleeve shirt paired with navy blue shorts and a white top sider shoes at may hawak siyang black sunglasses. la gracia de dios!

Ngayon ko lang siya nakita na ganito ang suot. Nakabukas pa nga ang dalawang butones ng shirt niya at yung kanyang shorts  na kitang kita ang mahaba at mabalahibo niyang binti.

Napaka light at casual ng kanyang outfit, but he looks so rough and dark.

Nasa gitna palang ako nang lumingon si Knight sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Lintik na puso ,tumalon.

Hindi nakaligtas sa akin ang bahagyang pag awang ng kanyang mga labi at ang paghagod niya ng tingin sa akin. Mula sa mukha, sa katawan at sa paa. Pabalik ulit sa mukha..katawan hanggang binti. Nagtagal ang tingin niya doon kaya pinagtabi ko. Nakakailang!

Kumukurap kurap siya at yumuko. Namumula ang kanyang mukha, tainga patungo sa leeg.

Nang muli siyang nag-angat ng tingin sa akin...hindi ako sigurado pero nakita kong may dumaang ekpresyon sa kanyang green na mata. Adoration?

"Good morning Ellis." He said. Slightly smiling.

"Good morning. Uhm, may kailangan ka? Sabihin mo na dahil aalis pa ako." Wow. Nagawa kong tunog malamig.

" U-uh..that, I' ll be the one to fetch you. "

Naalarma ako. "Huh? Bakit? Saan sila Freda?" Sunod sunod kung tanong.

"They're on the way to Rio de Herrero. Nauna na sila at doon nalang daw kayo magkikita. " He casualy said.

"Hala naman! Bakit ganoon..." Nakayuko kung sabi.

Nang muli kong inangat ang tingin. Nakita ko ang lungkot at takot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit pero parang kinurot ang aking puso. Nasasaktan ako.

"If you want to- "

Hindi ko siya pinatapos. "Pero ok lang ! Tara?" Masayang sabi ko sa kanya.

Natigilan siya at manghang napatitig sa akin. Nakita ko kung paanong napalitan ng tuwa ang malungkot niyang mga mata kanina.

Bahala na. Hindi naman masama hindi ba? Ang pagbigyan ang puso at hayaang sumaya.

NOMSS14

Thorn Series 1:  Pricked [ONGOING]Where stories live. Discover now