Kabanata 11

14 6 0
                                    

Bullet
...

Secret, a book by Rhonda Byrne said that the three fundamentals to the law of attraction are ask, believe ,receive. Sabi pa nga doon na our thoughts have a power to get things we want.

Kalokohan. Iyan naman ginawa ko sa loob ng dalawang linggo mula noong last interaksyon namin ni Knight pero ayan. Andyan na naman siya sa labas ng aming bahay naghihintay.

Maybe the law of attraction is a lie. Or baka applicable lang siya sa kagustuhan ng utak at hindi sa kagustuhan ng puso. Naku, aminin mong nasa iyo ang problema Ellis.

Sinusundo niya ako papuntang hacienda. Noong mga nakaraang araw ay tumatanggi ako, kasi bakit naman diba? Iniisip ko ay baka sa aking utang kaya sinabi ko sa kanya na babayaran ko siya pero binabalewala niya iyon.

Akala ko nga eh ayaw niya dito kasi iyon ang sabi sabi, pero dalawang linggo na siya dito sa Port Vaamonde, nasa hacienda siya palagi at nagma- manage, minsan ay tumutulong sa pag aani ng palay at ilan pang gawain sa plantasyon. And yes, hindi tumatalab ang aking pag-iiwas dahil si Knight ay parang BDO, he find ways.

"Good morning Ellis." Knight said in a baritone voice.

He's wearing a white V- neck shirt with dark jeans, paired with a dark brown caterpillar boots. His medium length clean cut hair is now a little bit messy... but dear God! Pulchritudinous!

Nakakahiya naman ang pajama at jacket natin Ellis, at ang buhok nating wala pang ligo.

"Good morning din Knight." Ngumiti ako sa kanya. "...Si lola ba hanap mo? Nandoon na sa hacienda Knight. Kasabay niya sila manong Ben." Inunahan ko na.

"I know. Uh, I'm here to fetch you." Tipid siyang ngumiti at tinatantya ang aking ekspresyon.

"Naku, hindi ako makapuntang hacienda ngayon Knight. Marami akong tatapusing trabaho dito sa bahay. Buong araw akong busy ngayon." Totoo naman. Lumiban muna ako ngayon dahil gabundok na ang labahan namin ni lola. Mag rerepot din ako ng mga pups ng cactus, atsaka sabado ngayon kaya maghahatid ako ng kamote sa mansyon.

"So I guess... I'll just stay here then." He said cooly.

Nanlaki ang aking mata at mariing umiling. "Naku, huwag! I mean bakit..Ah ano, ibig kong sabihin busy ako buong araw. Hindi ako pwedeng abalahin. At saka ano, maiinip ka lang dito."

He chuckled huskily. Looking so amused.
"I don't think so. Just do your errands Ellis, I won't disturb you."

"Sinasabi ko sa iyo Knight, maiinip ka lang. Wala kaming TV, wala kaming electric fan, wala kaming malambot na upuan, wala kaming-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil tinalikuran na niya ako at nakapamulsang pumasok sa aming balkonahe. Aba!

"Knight! Bahala ka riyan... Pati kape wala kami!" Sabi ko at pumunta sa likuran ng bahay. Rinig ko ang mahina niyang tawa.

Bahala siya. So simulan na natin ang bakbakan ngayong araw Ellis. Uunahin ko ang labahan, pagkatapos ay ang pag rerepot ng mga cactus at tamang tama ay mamayang hapon ako mangunguha ng kamote. Alas syete pa naman.

Hindi pa ako naliligo kaya maliligo muna ako. Bata pa lang ako palagi ng pinapaalala ni lola sa akin na bago simulan ang trabaho sa buong araw ay maliligo muna, kaya nakasanayan ko ng gawin. Kahit bago maglalaba ay maliligo muna ako, kahit pareho lang namang mababasa.

Nasa likod ng aming bahay ang poso. Meron din namang tubig sa gripo pero kalimitang ginagamit namin kapag naglalaba ay ang poso. Nakababad na sa powder na sabon ang aking mga labahin kaya magkukusot nalang ako mamaya.

Mabilis akong naligo at pagkatapos ay nagsuot ng biege cotton shorts at baby blue loose t-shirt. Gusto ko ang mga ganitong damit kapag magtrabaho ng mga gawaing bahay, iyong sobrang komportable at wala kang mararamdamang masikip na kumakapit sa katawan. Kung wala lang sana ang lalaking iyon dito ay hindi na ako mag abalang magsuot pa ng bra.

Thorn Series 1:  Pricked [ONGOING]Where stories live. Discover now