Kabanata 8

14 8 0
                                    

Aphalleon Knight Escarrer
...

"Miss ko na bebi Leving ko." Madramang sambit ni Freda habang nakayakap sa kampit.

Naku! saan naman kaya galing yung bebi Leving niya? Humagikhik ako.

"Hala naman, makahagikhik itong si Ellis oh. . " Sinundot sundot niya ang aking tagiliran. "Yii! May crush ka doon sa lima ano? Ayii sino? sino? " Pang-aasar niya sa akin at sumisilip pa sa aking mukha.

"Naku wala." Yun ang totoo...

Mas lalo niya akong Inasar.

"Baka si Argus! Yii..pansin ko type ka non." Pamimilit pa niya.

"Luh? Parang lahat naman type non!" Sagot ko sa kanya.

Nanigas si Mindella at madramang humawak sa dibdib. "Arayy! Mapanakit!" Sabay malakas na hinampas ang mga damo.

Nasa gitna kami ngayon ng kakawan. Isa ito sa plantation ng Cacao ng mga Escarrer. Mayroon din sa Davao Oriental at ang kanilang pinakamalaking plantasyon ay sa Compostela Valley. Hanggang baywang pa lang ang taas kaya round weeding lang ang ginawa namin.

Masyadong mainit kaya balot na balot ang aking mukha at mata lang ang makikita. Hindi ako maarte pero talagang mahapdi ang aking balat kapag masobrahan sa init.
Masyadong pino at manipis ang aking kutis kaya mabilis lang din akong masugatan.

Naputol ang tawanan namin ng nakahangos na dumating si Berto.

"Punta daw muna tayo lahat sa kubo." Humangos pa rin siya . "Nandoon si Don Oliverio at si sir Knight."

"Owemjii! As in? Si Knight?" Excited na tanong ni Freda. Ayon nakalimutan bigla bebi Leving kuno niya.

"Kasasabi lang eh. Paulit-ulit? " Attitude si Berto.

"Tse!" Singhal niya kay Berto at mabilis kaming hinila. "What are we waiting for? Let's go girls! Walang dapat sinasayang na oras kapag may grasya!"

Parang may karera ang takbo namin. Halos kaladkarin na ako ni Mindella. Sa sobrang bilis ng kanyang pagkahila ay sumabit sa nakausling bato ang aking sapatos.
Ayon! natanggal ang ilalim. Naku!

Natigil kami at nakangiwi silang tumingin sa aking sapatos. Kasi naman eh.

"Mauna na kayo. Tatanggalin ko na lang itong sapatos. Susunod ako." Ngumiti ako sa kanila.

"Hintayin na kita Ellis." Si Berto na nag-alalang nakatingin.

Alanganin akong tumango. Pero iyong tatlo hindi nagpaawat at kumaripas ng takbo.

Malayo pa lang kami ay tanaw ko na iyong kubo ng mga trabahante dito sa hacienda. Actually malaki iyon, parang gym. Sadyang kubo lang talaga ang nakasanayang tawag ng mga trabahante. Marami ng nakaumpok doon at syempre kasama na roon ang tatlo maging ang kanilang mga magulang pati na rin si lola.

Tanaw ko rin ang nakaparadang itim na kotse. Sumisigaw iyon ng karangyaan.

Nakapaa nalang ako ngayon at bitbit ang sapatos na sira. Kailangan ko ng bumili ulit kina aling Minerva.Matagal tagal na rin ito sa akin, mga two years na yata.

Nang malapit na sa kubo ay napansin kong kumakain na sila. Ah, may pakain na naman si Don Oliverio, bagay na palagi niyang ginagawa at lubos na ikinasisiya ng mga trabahante.

Napansin ko yong tatlo na humahagikhik at may kung anong tinitingnan sa gilid. Sinundan ko iyon ng tingin. Kaya pala. May isang matipunong lalaki na nakatalikod doon. He's wearing a black dress shirt tucked into stylish grey formal pants at naka black suede formal shoes. He looks so clean and manly hot?

Thorn Series 1:  Pricked [ONGOING]Where stories live. Discover now