Kabanata 1

35 10 1
                                    

Port Vaamonde
...

"Naku! Ellis, matagal pa ba iyan? 'langya, late na masyado o. " Maktol ni Freda. Kaibigan ko dito sa Port Vaamonde. Sumilip siya sa kanyang kulay pink na relo at maarteng hinawi ang buhok.

Actually tatlo silang nag aabang sa akin ngayon. Si Freda na hindi obvious na mahilig sa pink may pagka bulgar gaya ni Mindella. Nga lang mas lamang lang itong si Mindella ng konte. At ang huli ay si Acresia na easy go lucky lang .

Masaya ang buhay ko dito sa Port Vaamonde at dahil sa kanila mas naging makulay iyon. Medyo malayo ang distanya kanilang bahay mula sa amin pero dinadayo talaga nila ako. Nakilala ko sila dahil parehas kaming nagtatrababaho every bakasyon sa hacienda ng mga Escarrer.

"Sabado ngayon Ellis, dapat maaga tayong umalis para sulit ang gala time natin. Paano ako makabingwit ng gwapo ngayon! haisst." Segunda ni Mindellaswaaa.

Oo. Sa sakahan kami nagtatrabaho. Nagtatanim at nag-aani ng palay, minsan lumalako ng niyog, nangungupra at lahat ng trabaho na kinakailangan sa hacienda.

Nga lang hindi mapigil ang kasosyalan ng mga babaeng ito. Hindi hadlang ang putik, damo, kampit at igting ng sikat ng araw sa sakahan sa kanilang sense of fashion. Biruin mo yun naka crop top at naka highwaisted jeans tuwing nagtatanim kami ng palay. Minsan naka strapless paired with shorts short. May style of the week din sila be it vintage, denim, k-pop or anything. Kung nagtatanong kayo saan galing ang kanilang attires? Sa sikat lang naman na ukay-ukayan ni aling Minerva. Mga Class A ang kanyang mga tinda kaya maraming branded at magaganda.

Plus lipstick is life. Hindi mawawala iyan tuwing nagtatrabaho sila sa hacienda.

Hindi ko sila pinansin at mabilis na inilagay ang kamote sa basket na gawa sa kawayan.Tantya ko ay nasa sampung kilo ito.

Every saturday kasi nagpapadala ng kamote si Donya Berenice sa kanilang mansyon. Syempre may bayad iyon. Pandagdag gastusin namin ni lola sa pang araw araw. Thirty per kilo pero kadalasan sobra ang binibigay niyang bayad. Ayaw ko talagang tanggapin noong una pero mapilit si donya.. kaya ayon tanggapin basta grasya.

Tatlong taon na kami ni lola dito sa Port Vaamonde. Mula nang natanggap ako sa scholarship ng Hansen University, pumarito kami.

Benenta ni lola ang aming lupa at bahay doon sa dati naming lugar sa Luparan at sa awa ng Diyos nakapundar kami dito. Mahirap sa umpisa dahil naninibago sa bagong paligid at taong nakakasalamuha pero heto at naka adjust na rin.

Gaya ng dati naming lugar, sobrang ganda din ng Port Vaamonde. Para nga itong replica sa Luparan dahil sa luntiang kapaligiran at tanawin. Ang kaibahan lang siguro ay mas malaki ang lugar na ito,mas maraming tao, mas improved at mas maunlad. Maraming oportunidad at trabaho.

Hindi kalakihan ang bahay na naipundar namin ni lola, sakto lang sa aming dalawa. Gawa sa kahoy at may dalawang kwarto, kusina,maliit na sala at tanggapan. May katamtamang lapad na bakuran at puno ng mga pananim . Kamote, gulay , mais, bulaklak at syempre ang aking mga hindi karamihang barayte pa lamang na mga cactus.

Fishhook cactus, Sulco Rebutia, Chinesse Barrel, Mammillaria Pulmosa, Green gymno, Snowflakes cactus, Powder puff cactus, Old man catus , fairy castle catus, Penis Cactus, Bunny ears, feroccactus,Ghost, three varieties of Brain cactus, may Lactea din ako na parang hinliliit ng sanggol palang ang size.

Kung may medyo mahal man akong nabiling cactus, yun ay Tri color at Gymno hybrid na thirteen ribs, at dahil namulaklak na iyon ...cross polinate ko nalang at tyaga tyaga nalang sa seeds na kahit isang taon na parang muta pa rin ang laki.

Hingi hingi lang ng semilya sa kapitbahay...minsan pag affordable at makaluwag2x bibili. 'Yaan na..pag yumaman ako bibilhin ko lahat ng variety sa cactus.

Kung ang mga kaibigan ko ay halos mapunit ang labi sa saya kapag makatanggap o makabili ng lipsticks, makeups, mga trending na damit at sandals.

Ako. Cactus lang sapat na.

Nagpaalam muna kami kay lola bago tinahak ang daan papuntang sentro. Idadaan ko lang itong kamote sa mansyon ng mga Escarrer. Isa sa kilala at pinakamalaking mansyon dito sa Port Vaamonde. Pag aari nina Donya Berenice Fuchsia at Don Oleverio Panthellione Escarrer.

Malaki ang kanilang lupain. Nangunguna bilang may malawak at malaking pag aaring lupain sa Port Vaamonde .

Bukod sa sobrang yaman ng kanilang pamilya, Kilala sila dahil sa kanilang walang sawang tulong sa mga tao at karatig bayan, scholarships at donations. Balita ko nga ay hindi lang ito ang kanilang lupain, mayroon pa sa ibat'ibang panig ng Pilipinas and other countries. They are also known for their industrial real estates.

"Ellis, ako mag abot niyang kamote kay Donya mamaya ha."

"Huh?" Nalilitong tanong ko kay Mindella.

Pumagitna bigla si Freda , sabay ayos sa kanyang buhok. Aba! May pakagat pa sa labi na animo'y may ikakapula pa doon. Naku! nahiya naman ang kanyang kulay dugong lipstick.
"..hepp! at bakit ikaw? ha? na malandi ka?" Maarteng sapaw ni Freda sabay hila sa kamoteng dala ko. Muntik pa iyong malaglag.Naku talaga.

Halos limang minuto pa nilang pinag- aagawan iyon at sa huli ay nagwagi si Mindella. Halos malukot ang mukha ni Freda sa sobrang inis. Umiiling iling lang si Acresia sabay ngisi at ako naman ay naguluhang nagmamasid sa kanila.

" Kailangang makuha ko ang loob ng Donya..pabango mga bes. Kapag maging kami na ni Argus edi close na kami agad ng manugang ko!" Impit na tili ni Mindella. Sus! parang nag aagaw buhay naman kung makangisay ito.

Nabuhayan bigla si Acresia. "Oo nga! Pero diba dalawa ang anak ni Donya. Kaso isa pa lang ang naligaw rito ano? "

"Eh, kasi nga ayaw daw nung panganay sa bukid ! Pero sana maligaw iyon dito...nang makasilay man lang. Para malaman niyang nandito ako na kanyang forever." Freda said dreamily...may pa pitik2x pa sa talukap and then they jumped in unison.

Sinungaling ako pag sinabi kong hindi ako curious. Yes I am. Sa tatlong taon ko ba naman dito at iyan ang bukambibig ng tatlo, aba? Sinong hindi? Pero ang totoo iyong sa panganay lang naman ako nakuryoso.

Magkatabi lang ang lupain ng mga Escarrer sa lupang tinirhan namin ni lola. Nasa pinakadulo kami. Hindi naman kalayuan ang kanilang mansyon, pero dahil sa mga matatayog na punong kahoy, hindi iyon masilip. Mga nasa dalawampung minuto kung lalakarin.

Tahimik naming binaybay ang daan papasok sa mansion. Sobrang lawak. Mula sa matatayog na gate na gawa sa kulay itim na bakal na may mausisang desenyo. Mga dwarf variegated pine trees, mga mamahaling halaman, may mga poste pa doon na napapalibutan ng Monstera at Pothos. Take note lahat iyon ay Variegata . Mayroong Jasmien, Honeysuckle, morning glory at marami pang iba.

Hindi rin makaligtas sa paningin ang tila kalahati ng ektarya na fountain lang ang sumasakop. Matayog, kulay puti ang pintura at may mabusising disenyo, napapalibutan ng mga ulo ng kabayo na bumubuga ng tubig. Sa paligid niyon ay malalago at higanting mga iba't ibang variety ng Succulents.

Ito ang pinaka paborito kong tanawin sa mansyon na ito. Sa pabalik balik ko dito para mag deliver ng kamote at gulay, dito ako mas namamangha talaga. Hindi nakakasawang tingnan at dahil na rin siguro sa mga naggagandahang succulents. Kung ako ay mahilig sa cactus, si Donya Berenice naman ay sa succulents.

Weak.

I mean, I find the succulents weak.

They easily get rot when the everything is too much.

Like human.

The good thing is that even if their leaves detached from their body, they thrived to survive and grow.

Like human too.

"Manang Dell, pakiabot po kay Ellis ang bayad." Malumanay na boses ni Donya Berenice sa kanilang mayordoma. "...Pasok muna kayo mga hija,tamang tama may naka ready nang meryienda." Matamis siyang ngumiti sa amin. Natigilan ako.

Beyond beautiful.

That's how I describe Donya Berenice Fuchsia Escarrer. Tantya ko ay nasa forties na siya pero litaw na litaw pa rin ang kagandahan walang kupas.  Mula sa kanyang katawan na parang wala pang anak, straight and ebony hair, ang hugis pusong mukha ,manipis na labi at matangos na ilong. My favorite part of her face is her eyes. A pair of deep lambent green eyes.

Reminds me of someone, anonymous.

-NOMSS14

Thorn Series 1:  Pricked [ONGOING]Where stories live. Discover now