Prologue

60 13 0
                                    

Thorns
...

Mammillaria Dioica.

Yes, a fishhook cactus.

Whose spines that look like fish hooks help her survive.

Whose honed prickly marks are not only for attraction but also to protect her.

Whose thorns helps shed its skin and insulate her for rain and shine season.

Me.

I always viewed myself as a fishhook cactus. I mean, I considered myself as one.

If it's not obvious,yes! I love cacti. All species. From common to uncommon to rare. Hobby is not a word...obsession yes.

I am Ellis Dioica Velasco Damaris. Funny how my mother named me Ellis Dioica. Does she have an idea that I'll go crazy with cactuses when I grow up? or maybe she knows na kakambal ng pangalan ko ay sumpa.

Magdusa.

Umiyak.

Single forever. Huwag naman sana.

"Yawa kang bata ka! Ang tagal mo doon sa sapa! Wala akong makain!" Sigaw ni tatay ang bumungad sa akin. Lasing na naman siya. lahat ng araw naman na.

Lakad- takbo ang ginawa ko para makarating agad sa likuran ng bahay para maisampay ang aking nilabhan. Dalawang palanggana iyon. Tatlong araw na kasi akong hindi nakapaglaba dahil tinilungan ko si lola sa sakahan. Marami kaming tanim doon. Mga gulay, palay, kamote at mais.

Malayo kami sa bayan. May mga pito lang kaming kapit bahay at sobrang layo pa ng agwat.

They call our place Luparan. Kung makakita ka man ng gubat na hindi pa nagalaw, parang ganyan ang lugar namin. Sagana sa prutas, na hindi kusang tinanim kundi tumubo lang dahil sa dumi ng mga ibon at hayop. Sobrang mapayapa ang paligid, presko ang hangin at tanging lagaslas lang ng tubig mula sa sapa, huni ng ibon at paglalaro ng hangin sa dahon ng mga halaman at puno ang maririnig. Animo'y paraiso.

Kung gaano ka perpekto ang lugar na aking kinagisnan, kabaliktaran din ang buhay na sumalubong sa akin tuwing umuuwi si tatay.

Impyerno.

Humigit kumulang dalawang oras ang aking lalakarin papuntang bayan sa San Baraga, para makapag aral at tuwing naglalako kami ni lola doon ng mga gulay para pangtustos sa araw- araw naming pangangailangan. Kung matagal ang ani , tiis tiis muna sa kamote. Masaya at kontento naman ako sa buhay na ganito. Hangga't nandyan si lola, kakayanin ko lahat.

" Heto na po tay magluluto na po. Marami- rami po kasi ang labahan tay."

Naninigas ako sa aking kinatatayuan ng akmang suntokin ako ni tatay. Ganito siya palagi. Sanay na ako. Kahit anong sasabihin ko ay masama para sa kanya.

"Aba't may dahil dahilan ka na ngayong bwesit ka ! Sinong nagsabing may karapatan kang magsalita? ha? Kung sana ikaw nalang ang namatay..."

Words.

All I thought I am that Dioica cactus. Sorrounded with spines to protect me. That whoever try to touch me will surely trapped deadly beneath my thorns. But why??

Those words.

Worst than thorns.

Stabbed deeply to my soul.

Sobrang sakit. Akala ko sanay na ako.

Pitong taon na ang nakalipas mula ng namatay si nanay. Nasunog ang bahay namin noon at niligtas niya ako. Bagay na ikinamuhi ni tatay sa akin. Nailigtas ako ni nanay pero kapalit noon ay ang kanyang buhay. Hindi niya nakayanan.

Thorn Series 1:  Pricked [ONGOING]Where stories live. Discover now