Kabanata 4

11 8 0
                                    

Moon
...

I was lost in reverie.

Hanggang sa may tumikhim. Saka pa ako nagising sa pagkamangha at tinubuan ng hiya.

"..You alright miss?"

Akala ko ay nagising na ako pero bakit hindi ako makasagot? Umurong ang aking dila. Ayaw bumukas ng aking bunganga.

Naiilang ako sa kanila. Lumunok ako at pilit kong iwinasiwas ang hindi kaaya-ayang kaisipan. Kasalanan talaga ito ng tatlo. Masyado ng maraming kulisap ang aking utak.

Naalala ko yong video, iyong bumabayo, iyong umbok...Aaaarrrgghh! Bakit ba kasi sila topless? Aba! Tanga lang Ellis? Syempre nag si-swimming, alangan naman nakajacket.

Walis walis isip...ayon malinis na ulit.

Hindi ako nakasagot kaya muli siyang nagsalita. "Argus. How 'bout the beautiful lady? Name? Hmm?" The green- eyed man asked cockily.

"U-uhmm s-si .."

"Tangina! " Humalakhak iyong isang lalaki at binatukan ng napakalakas ang lalaking nakatayo sa aking harapan.

"Blade! The fuck? " Akmang gaganti siya pero mabilis na nakailag ang huli .

Umiiling iling iyong si Blade "Not this fucking place bro. Walang sinasalto amputa!" Humalakhak siya at lumapit sa akin.

Nakangiting umaatras iyong nagpakilalang Argus at lumubog sa tubig, kunot ang noong tinitigan ang mga kamoteng nahulog doon. May iilan pang lumulutang kasama ang basket.

"Ayos ka lang miss?" Tanong nung Blade at lumapit na rin iyong tatlong lalaki.

Hilaw akong ngumiti. "Po? Paanong maging maayos?" Nag alala akong dumungaw sa tubig. "...Paano ko pupulutin ang sampung kilo ng kamote sa ilalim ng tubig? Sabay turo ko sa mga iyon. Naku, nasa pinakamalalim na bahagi pa naman, eight ft at isa pa hindi ako marunong lumangoy.

"Its alright Ms. Beautiful." Sigaw nung Argus na umaahon na sa tubig. Bahagya niyang ginulo ang kanyang buhok kaya napansin ko ang kanyang peircing, nakabandera din ang kanyang tattoo sa right shoulder. "I'll ask the workers." Lumapit siya at muling humarap sa akin.

Now I got a clearer view. His stance screams authority, but the playfulness on his air is very visible. Just by looking at him you can tell that he's a walking heartbreak. A total danger, but an irresistible danger.

Ipinilig ko ang aking ulo at mariing pinagmasdan ang lalaking nasa aking harapan at sinubukang pagtagpiin ang larawang naiwan tatlong taon na ang nakalipas. Siya kaya ito?

Is it possible to look younger after three years?  And the tan skin before become fairer now, right? To prove my hunch, I raptly  meet his gaze. I stared into his green orbs, trying to reach the deepest part of it, but all I can see is unfamiliarity. There.
Hindi siya ito.

"U-uh salamat po Sir."

"Tssk. Argus for you." He said and winked. Nakita kong nakangiti at umiiling iyong mga kaibigan niya.

Hilaw akong ngumiti at tumango, " A-ah, sige po, uh...Argus. Salamat po at maiiwan ko na po kayo." Ngumiti ako, hindi na hilaw. Saglit siyang natigilan. "...Uhm, Ellis po. My name is Ellis." Paulit ulit lang?

Mabilis akong tumalikod. Bahala na nga, hahanapin ko nalang si manang at ibalita ang karumal dumal na sinapit ng aking mga mahal na kamote.

"Quit that 'po' Ellis. We're not that old." Rinig kong pahabol ni Argus bago ako tuluyang nakalayo doon.

Saktong nakarating ako sa bulwagan ng mansyon at nandoon din si Donya Berenice. Base sa kanyang nag alalang tingin ay alam kong may alam na siya. Kaya kimi akong ngumiti.

Thorn Series 1:  Pricked [ONGOING]Where stories live. Discover now