Kabanata 12

11 6 0
                                    

Majestic
...

"Aw!" Mahinang daing ni Knight.

"Ayan! Sabing huwag hawakan. Tsk." Puna ko sa kanya.

May iiliang pups kasi ako ng mga cactus na itinanim ko lang sa isang palanggana noong nakaraang buwan. Ngayon na may kalakihan na sila at nagsisiksikan na rin, kaya kailangan ko na talaga silang e-repot.

Itong aking bisita ay wala yatang balak umuwi. Panay sunod sa akin at nakikialam sa aking ginagawa. At dahil hindi mapirmi ang kamay, ayon natusok sa fishhook cactus. Sinundot ba naman.

"Amazing, but they're like a monsters. How did you plant them?" Knight commented. Squeezing his finger kung saan natusok.

"Hep! Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang mga cactus ko Knight. Hindi sila monsters ok? Their thorns made them unique and beautiful. Besides, they're my firstlove." Pasaring ko sa kanya habang naglalagay ng lupa sa pots.

He looked down. Trying to stop a grin on his lips. Nagpatuloy ako sa aking litanya. Aba, dapat lang na malaman niyang may mga sentimental value itong aking mga cactus, dahil bukod sa inlove na inlove ako nito ay pinaghihirapan ko rin. Ang iba nito ay regalo sa aking mga clasamates at nina Mindella. Tumayo ako at lumapit sa istante.

"Itong si bunny ears bigay ito ni maam Cassandra. Iyan, kita mo yan? Si fairycastle, iyan ang pinaka una kong cactus, parang hintuturo lang yan ka laki nung binili ko. Ang iba diyan ay bigay sa mga kapit- bahay at regalo ng aking mga classmates at nina Mindella. At ito oh, si old woman cactus bigay ito ni Berto, ang cute ano?" Nakangiti kong kwento sa kanya.

"What?... Who?" He spat, at mabilis nag angat ng tingin. Kunot ang noo habang tinitigan iyong aking old woman cactus na parang bubutasin na iyon.

"Tsss. Pangit.." He whispered coldly. Aba!

"Anong sabi mo? Huh?" Kinunutan ko siya ng noo.

Hindi siya sumagot at diretso pa rin ang tingin doon, kaya inilipat ko iyon sa may pinakadulo para hindi niya makita. Baka hampasin niya pa bigla, nag- iisa pa naman ito. Umupo akong muli at nagpatuloy sa ginawa. Nasa kalahati pa lang ang na-repot ko kaya binilisan ko ang kilos. Makailang ulit na sinubukan ni Knight na hawakan ang mga semilya ng cactus para itanim pero natutusok lang siya, kaya sa huli ay tumulong nalang sa paglalagay ng lupa sa mga pots. Hindi na ako umangal. Wala naman akong magawa, kanina ko pa nga tinataboy para umuwi, pero ayan pa rin. Bahala siya, basta wala akong pangsahod sa kanya.

"Can I use your kitchen?" Tanong niya habang nakadungaw sa mamahalin niyang itim na relo.

"Huh? Bakit? Iinom kang tubig?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"No. I mean, can I cook? Alas dose na. Or maybe I'll call Manong Ben to bring some food." Sabi niya at tumatango- tango.

"Hala, uwi ka na kaya sa inyo. May makakain naman na ako." Pagtataboy ko ulit sa kanya.

Hindi siya sumagot at biglang tumayo. Kinuha niya ang kanyang selpon at may tinatype doon, pagkatapos ay itinapat sa tainga.
"Hello Manong Ben. Uh, yes po. Pwede pakidala po ng pagkain dito sa-"

Inisang hakbang ko siya at hinarap. Mabilis akong umiiling-iling, sabay kumpas sa kamay na sinasabing 'huwag na'. Naku, mang abala pa ng tao.

"...Uh, saglit lang po manong Ben, I'll call you later." Ibinalik niya sa bulsa ang selpon at humarap sa akin na nakataas ang dalawang kilay.

"Naku Knight, mang abala ka pa ni manong Ben. Huwag ka ng magpahatid ng pagkain at may pagkain naman kami riyan. Pero lulutuin ko pa. At saka ano, isda at gulay lang naman. Kakain ka ba ng ganun? Kung hindi ay makakaalis ka na, basta ba't huwag mo ng papuntahin dito si manong Ben. May trabaho iyong tao."

Yes, may ref kami ni lola. Unang nabili namin mula nang nagtrabaho kami sa hacienda. May stock kaming isda doon at karne. Walang problema sa gulay dahil marami naman kaming tanim ni lola.

Manghang nakatingin si Knight sa akin, tila isa akong nakakaaliw na palabas. Nang hindi napigilan ay unti- unting sumilay ang pagilid na ngiti. Nangingislap ang luntiang mga mata at namamasa ang mapulang labi dahil dinidilaan niya iyon.

"Stay here. I'll cook our lunch." Tipid niyang sabi at mabilis na tinungo ang kusina.

Hindi ko maproseso ang kanyang sinabi kaya nanatili pa rin akong nakatayo habang tanaw ang papalayo niyang bulto. Ano daw? Nang makabawi ay umiiling iling ako at nagpatuloy sa ginawa. Binilisan ko ang aking kilos para bago mag lunch ay tapos na ako. Nakakapagod iyong matapos mong kumain ay babalik ka na naman sa iisang trabaho, nakakawala ng gana.

Nasa pang walong pots pa lang ako nang lumabas si Knight. Humarap sa akin at kumakamot sa batok.

"U-uh, I don't know how to use your stove." Tila nahihiya niyang sabi.

Tumayo ako at humagikhik. Para siyang bata na nahihiyang umamin sa nanay na mayroon siyang crush. Tinungo ko ang kusina at nakasunod lang siya sa akin.

"Hala ka Knight! Kabibili ko lang nitong posposro kahapon, ba't dalawang stick nalang ang naiwan." Pamamaktol ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at yumuko. Hayss. Isang sindi ko lang naman ay nakagawa na agad ako ng apoy sa kalan. Mayabang ko siyang tiningnan at papitik na isinauli ang posporo. Syempre Ellis mayaman iyan. Anong inaasahan mo.

Saktong twelve forty-five ay natapos ko na ang pag repot at na arrange ko na rin sila sa bago kong istante na gawa sa kawayan. Sariling gawa ko. Wala akong talent sa pagsayaw at maging sa pagkanta, pero nung nagpaulan ang Panginoon ng talent para sa gawaing- kamay na pangkahoy ay nasalo ko yata. Tinitigan kong muli ang mga cactus, hindi talaga nakakasawa. Ang ganda sa paningin. Nakakagaan ng pakiramdam.

Pumasok na ako sa loob at mabilis na nagpunas at nagpalit ng damit. Matapos ay tinungo ko ang kusina at nakahanda na doon si Knight, I mean ang pagkain. Panginoong Mahabagin!

Aphalleon Knight is shirtless! Ayaw ko mang aminin, but Jesus! He looks perfectly good that way. His tapered waist and hips, a V-shaped physique and rippled abs were on display, along with the brawny chest and broad shoulders. Damn! I am struck dumb by the sight of an Adonis.

Ellis! itago mo ang mga makakating tinik sa katawan.

Kunwari ay hindi ako nanginginig na lumapit sa lamesa. Nilingon niya ako at ngumiti. Mabilis niyang kinuha ang kanyang t-shirt na nakasampay sa sandalan ng upuan at isinuot iyon bago niya ako pinaghila ng upuan. At bigla akong nanamlay. Biro lang.

Namangha ako sa nakahain sa lamesa. Pinakbet lang naman iyon at pritong isda, pero bakit ang sarap tingnan. Iyong isda ay may design na kamatis at pipino na sobrang ganda ng pagkahiwa. Ang pinakbet ay may toppings na sibuyas at atsal na pahaba ang pagka slice na parang sinulid na ang nipis. Naghugis star ang aking mga mata at nanubig ang bibig.

"Wow!" Tanging nasabi ko.

Excited kong dinampot ang sandok, pero bago pa lumapat ang kamay ko doon ay naunahan na ako ni Knight. Nagsandok siya ng kanin at inilagay sa aking plato, pinagkuha niya rin ako ng pinakbet at pritong isda.

Stunned, I was speechless. Nakasunod lang ang aking tingin sa kanya. Kung paanong humahapit ang kanyang t-shirt mula sa kanyang balikat while his biceps flexed sa kaonting galaw, kung paanong kagat- kagat niya ang ibabang labi habang seryosong nakatingin sa pagkain, kung paanong bumabagsak ang iilang namamasang hibla ng buhok sa kanyang noo dahil sa pawis, kung paanong...

"Eat." He said. Sounds like a soft command.

Startled, I froze and stared at him. He smiled. God! I swear, my heart skipped a beat!

Tumikhim ako at ngumiti na parang walang bagyo na nangyari sa loob.
"Thank you Knight. Ikaw rin,kain ka na."

He nodded, looking gratified. Naging masaya at magaan naman ang tensyon sa pagitan namin ni Knight habang kumakain .Pinupuna ko kung paano kasarap ang kanyang luto. We talked ramdom topics and laughed with our silly jokes. Mga simpleng tanong, katulad ng birthday, birthplace, mga favorites at ano- ano pa. Nakakasabay ako sa kanyang mga topic at ganuon din siya sa akin. Hindi ko alam, pero ang daldal ko sa kanya, bagay na kay lola ko lang nagagawa.

His chuckle and smile was like a radiant ray of sunlight emblazing the darkest corners of the kitchen. I never thought I'd see a gleam like this. When I did, my heart stood still. He was majestic.

-NOMSS14

Thorn Series 1:  Pricked [ONGOING]Where stories live. Discover now