Kabanata 17

4 0 0
                                    

Rain
...

"Here."  Knight baritone voice swaddled my ears.

Mabilis akong bumaling sa kanya. Maingat niyang inilapag ang pagkain sa aking harapan at tumabi sa akin.

My three super supportive friends gasped in an exaggerated way. Harap- harapan pang nagkukurutan sa ilalim ng lamesa.

Lunch break kasi, kaya andito kami sa kubo ng hacienda kumain.

Mabilis akong tumikhim at inilabas ang aking baon. "Uh- salamat nito Knight, pero kasi ano.. may baon kasi ako."
Nginitian ko siya at inusog pabalik sa kanyang harapan ang inalok niyang pagkain.

Hindi ako namalik- mata dahil kitang- kita ko kung paano bumagsak ang balikat nung tatlo. Ibinalik ko ang tingin kay Knight. Umigting ang kanyang panga at yumuko. Hindi ko na nasundan kung anong ekspresyon ang nasa kanyang mukha dahil nagsimula na akong kumain.

Napanatag ako dahil kahit papaano'y naging magaan naman ang atmospera ng hapag. Napuno ng tawanan, kwentohan at asaran. Nakikisali rin naman si Knight kahit ramdam kong panay tingin niya sa akin. Natahimik lang iyon nang inabutan ako ni Knight ng tubig. Gusto ko mang tanggihan, pero sa paraan ng titig niya sa akin ay kusang gumalaw ang aking kamay at tinanggap.
Parang tuloy may imaginary sounds akong narinig ng pagkapanatag sa tatlo.

"You're so heartless bess. "Si Fred habang itinapat sa dibdib ang kulay pink na bra.

"Agree ako diyan! Kawawa masyado ang papa Knight ko. Parang dinudurog ang aking puso tuwing tinatanggihan mo siya Ellis. Kung pwedeng akin nalang sana, kaso alam mo na. Hindi natin mapilit  ang puso.  Atsaka anong drama ba kasi iyang inaakto mo. Ha Ellis?" Dugtong ni Mindella.

"Ang alin?" Tipid kong sambit sa kanila.

Syempre alam ko. Alam kong ang tinutukoy nila ay ang iyong mahigit dalawang linggo na pag iwas ko kay Knight. Iyong lahat ng alok, atensyon at tulong na ipinapakita niya sa akin ay tinatanggihan ko lahat. Maging ang pagsundo niya sa akin sa bahay at pag- aalok ng hatid at pauwi galing hacienda ay hindi ko pinauunlakan. Mga pagkain na tinatanggihan ko lahat. Tulong at alalay na ipinapakita niya sa akin sa hacienda na binabalewala ko din. Maging ang simpleng pag usap niya sa akin na ngiti lang ang tangi kong sagot.

Call me whatever you want to call me. Childish and unreasonable. Pero ito lang ang tangi kung paraan para hindi masaktan. Dahil alam ko sa sarili ko na malapit na akong matunaw at sumuko.

"Hala ka? Ang alin talaga ang sagot mo sa tanong ko? Ang ganda sana nitong babaeng ito pero may pagkabulag minsan." Dismayadong sabi ni Mindella.

Nagkatinginan silang tatlo at ngumiti. Alam ko, nauunawaan nila ako.
"Pero syempre alam naming may mabigat kang rason Ellis. At kung ano man yan nererespeto ka namin." Si Acresia.

"Kung anong rason man iyan Ellis, sisiguraduhin mo lang na makabuluhan ano? Kung hindi ay ipapaasawa kita kay Berto!" Dagdag ni Freda na ikinahagikhik naming lahat.

"One more thing Ellis. You can always talk to us. Kung ano man iyang bumabagabag sa iyo. Nandito lang naman kami. Uh pwedeng sa akin mo nalang esekreto kung ano, huwag na nitong kay Freda, masyadong matabil ang dila." Sabat ni Mindella na ikinaalma ni Freda. Mas lalong dumagundong ang aming tawanan.

"Salamat." Tanging sambit ko sa kanila at ngumiti.

Naging masaya ang pamamasyal namin. Matapos naming nalibot lahat ng ukay-ukayan ay pumunta kami sa park. Binusog namin ang sarili sa mga nagsasarapang tinda. kwek kwek, isaw, proben, fishballs, kikyam at iba pa. Lahat wala kaming pinalampas. Kaya ito tuloy, wala kaming imikan dahil sa sobrang kabusugan. Maging ang pagdaan ng mga lalaking may kagwapuhan sa aming tapat na palaging pinupuna ng tatlo noon ay hindi na nabigyang pansin. Lahat kami ay matamlay na nagmamasid sa masiglang paligid. Kung may unan at kumot lang dito ay ang sarap ng matulog.

Thorn Series 1:  Pricked [ONGOING]Where stories live. Discover now