Kabanata 9

6 6 1
                                    

Ride
...

"Ellis, tagal mo namang naghugas. Ayan oh malamig na pagkain mo." Nguso ni Mendilla sa aking plato.

Naiilang akong ngumiti at umupo. Natigil si Freda sa pagpunas ng labi ng mapansin ang aking suot na tsenilas.

"...'nino yan?" Ayan na. Alam kong magtatanong talaga ito. Si Freda pa ba.

Nagpatuloy ako sa pagkain at nakayukong sumagot. "D-dyan lang sa may likod."

Duda pa rin siyang tumingin doon. Siguro pansin niyang nauutal ako. Kaya ayan tuloy pati si Mendilla at Acresia ay nakiusyoso na rin.

"Luh? Ba't ang linis at mukhang mamahalin." Si Acresia na sumabat na rin. Haysss.

"Hala ka, grabe naman ito oh... Bakit kung mahirap ba ay hindi malinis ang tsenilas at hindi makabili ng mamahalin? Tsk. Malaki kayang sahod sa sakahan." Pangatwiran ko.

Gusto kong sabihin kung kanino ito pero baka mas lalo nila akong asarin. Kilala ko itong tatlo.

"Oh my! Syempre maka-afford naman ang mahirap Ellis, pero...iyan? Jimmy Choo pa nga ang brand oh!" Si freda na namilog pa ang mata. "...Sinong magsasakang mag aksayang bumili niyan at pagkatapos ay dadalhin lang dito sa sakahan. Wow ha. Just wow!"

Hala. Bakit big deal ito sa kanila. Kung makausisa ay para akong pinapatawan nila ng mga tanong para ikulong.

"At infairness ang haba ng size ah.." Makahulugang sambit ni Mendilla. "...for sure walang trabahante dito na ganyan ang size ng paa. "

Tumili bigla si Freda at nakipag highfive kay Mendilla. Alam ko na ang kasunod..

"Waahh... kung sinong may- ari niyan siguradong mahaba din-"

"Freda bilisan n'yo riyan! Ala una na't magsimula na ang trabaho." Sigaw ni mang fredo, tatay ni Freda.

Yes. Freda is Alfreda at ang kanyang ama ay si mang Alfredo. Girl version siya ng kanyang ama. Pero syempre ayaw niyang tinatawag syang Alfreda. Si Berto nga noon ay nasuntok sa noo dahil tinawag siyang Alfreda.

Hay salamat. Naputol na iyong topic. Saglit kong naalala ang huling sabi ni Freda at naisip iyong si Knight. Hala! Panginoon patawad po. . . Binura ko yun sa isipan. Kasalanan talaga ito ng dalawa. Gesh.

Bago umalis si Don Oliverio ay masaya niyang inanunsyo na bukas na lang daw namin ipagpatuloy ang trabaho at bayad na kami ngayong araw. Nagbunyi kaming lahat.

Ganito ang pamamahala ni Don Oliverio sa kanyang mga trabahante, maliban sa sakto ang sahod ay mayroon siyang tinatawag naming "pahalipay". Sa isang buwan may dalawa o tatlong beses na pakain, minsan may mga regalo at pa bunos at katulad ngayon na halfday lang pero bayad na ang buong araw. Kaya kahit nakaluwag luwag na ang iba, ay ayaw pa ring umalis sa hacienda.
Hindi mababayaran ang utang na loob talaga.

Mangilan ngilan nalang kaming naiwan sa kubo dahil umuwi na ang iba. Masaya kaming apat na nagkwentuhan sa lamesa at maya-maya pa ay tanaw naming papalapit si Berto at nakangiti siyang tumingin sa akin.

Ngumiti rin ako sa kanya. Nang makalapit na siya ay hinila niya ang upuan sa aking tabi, pero bago paman niya mahila iyon ay may maugat na kamay na pumigil. Lumingon ako.

Si knight!

Mabilis niyang naagaw iyon at padarag na umupo sa aking tabi. Kaswal pa niyang idinantay ang kanyang kamay sa sandalan ng aking upuan.

Kita ko ang bahagyang pagsalubong ng kanyang mga kilay pero nang nilingon ko siya ay ngumiti.

Nataranta si Berto kaya naawa ako sa kanya. Nahihiya siyang ngumiti at parang natatakot. Nagmukha tuloy siyang sisiw na sinubayan ng tubig. Ano ba kasing problema ng Knight na ito?

Thorn Series 1:  Pricked [ONGOING]Where stories live. Discover now