Kabanata 6

11 7 0
                                    

Delightful
...

"Woops! Got you sweety." Argus playfully said.

Mindella shrieked. Natawa kaming lahat.

We're now in Carnegia falls. Nagtampisaw kaming lahat sa malamig at malinaw na tubig. Masaya silang naglalaro ng habul- habulan, parang mga batang paslit na ngayon lang nakalabas sa bakod.

At ang tulad kong hindi marunong lumangoy, ito watcher lang. Parang nanay na binabantayan ang mga anak.

Sikat ang Carnegia falls kaya minsan puno ng tao lalo na kapag holidays, swerte lang kami ngayon dahil wala masyadong dumayo. Nasa pinaka sulok ng kagubatan ng Port Vaamonde ang Carnegia Falls. Sobrang lamig lalo pa't napapalibutan ng fogs na animo'y nasa langit ka na.

Ang dinaluyan ng tubig ay kulay gintong bato na parang kusang inukit at ginawa ng mga magaling na iskultor. At the height of 200 meters, walang duda kung bakit itinala itong isa sa pinakamataas na waterfall sa bansa.

Nag snacks muna kami saglit bago nagpasyang magpalit para ready to go sa next destination.

" Guys...smile! " Argus clicked his tongue out before taking a picture. "... come closer, wacky!"

Nakapout ako doon sa picture at nakaakbay sa akin si Argus. Si freda nakaduling ang mata habang nilagyan ng sungay si Levi gamit ang kanyang mga daliri. Mindella made a cat paws at malagkit na nakatingin kay Argus. Ephraim ,Gad and Acresia made their ugliest pose. While blade is lazily watching the camera, looking so cold like a vampire.

"Good! " Argus said while scanning our pictures. "...got to post these later."

"Tag that fucker bro!" Dagdag ni Gad. At automatic na nagtawanan ang lima.

Wala kaming sinayang na oras. Sunod naming pinuntahan ay ang Crami' Hillside,then the Pagata Lake at ngayon ay sa Camp Satiri. Kung tutuusin kulang ang isang araw para libutin ang lahat ng pasyalan dito.

Very known din itong Camp Satiri. Maliban sa sobrang lamig ng lugar ay "over looking view" din. Ito yata pinakamataas na bahagi ng Port Vaamonde.

May mga rides katulad ng zipline, cable car, motorbike adventure, steel dragon roller coaster at yong kanilang clouds expedition. And they're famous for their best delicacies ever. The reason why its quiet expensive.

Bago ka makarating sa mismong spot ay sasakay ka muna ng kabayo o kaya ay motorsiklo, or a thirty minutes hiking will do. Hindi kasi makapasok ang sasakyan dahil maliit ang daan at may mga ugat ng mga malalaking punong kahoy.

Nagpasya ang mga lalaki na lalakarin lang daw namin kaya go.

"Hoy! Berto! " Biglang sigaw ni Freda.

Namamasada si Berto dito minsan. Saglit siyang lumilinga- linga bago niya kami nakita. At unang dumako ang kanyang mga mata sa akin.

Bahagya siyang nagulat at biglang tumalikod, gumalaw galaw ang mga kamay dahil parang pinunasan niya iyong kanyang mukha. Pansin ko ding may kinuha siya doon sa gilid ng kanyang mga mata.

Saglit niyang pinihid ang buhok at humarap ulit sa amin. Nakangisi na.

"Naku! Mga galawang Berto." Rinig kong bulong ni Freda. Humagikhik pa ang dalawa.

Lumapit siya sa amin, hindi pa rin naputol iyong tingin niya sa akin "Hi! Ellis, kayo pala iyan, eh saan punta niyo? Hatid ko na kayo."

" Diyan lang sa Camp Satiri Berto pero lalakarin lang namin. " Sagot ko sa kanya.

Gulat siyang napatingin sa aking likuran. "Hala! ikaw pala iyan sir."

Argus smiled, "Hi! Berto."

Thorn Series 1:  Pricked [ONGOING]Where stories live. Discover now