HEARTBEAT

12 1 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN



[“Goodbye, see you soon.”]

“See you,” paalam ko at pinatay na niya ang video call, “Zack, back to normal please.” Utos ko at agad naman bumalik sa dati ang upuan ko at ang stirring wheel, kalahating oras ang lumipas at usapan lang namin ni Dan ang nangyari. Wala naman masyadong topic na pinag-usapan namin, kumustahan lang naman ang nangyari sa video call na yun, kaya ako nagmadali dahil ngayon lang siya may free time, may duty na naman yun at hindi ko na naman ma-contact sa susunod kaya kinuha ko na nag pagkakataon.

“Rose, I detect loud noise coming from outside, would you like me to activate sound absorber?”

“No thanks Zack, I’ll step outside.” Tinanggal ko ang wig, ipinasok sa drawer at binuksan na ang pinto, sinara ko na at nakita ang pagkawala ng black shade ng mga bintana. Nakinig ako sa paligid kung mayroon ngang malakas na tunog, napahimas na lang ako sa batok dahil sa tahimik na paligid, wala namang malakas na ingay.

Isang katamtamang tapik ang ginawa ko sa bubong ng kotse at nag lock ito, umalis na ako ng masigurado ko na wala na ang tunog ng engine. Inaayos ko ang buhok ko gamit ang kamay ko habang naglalakad papasok, nakapasok na ako sa gate at ganun rin ang pagtungo ng speaker.

[SCHOOL UNIFORMS WILL BE NOW DISTRIBUTED. PLEASE PROCEED TO THE GYM TO CLAIM YOURS.]

Hmm, tamang-tama natapos ang usapan namin ni Dan, naglakad na ako patungo sa gym at nakita ang nagkukumpulang mga tao. Naguunahan kung sino ang mauna, nakatayo lang ako dito malapit sa crowd at hindi pa nakikisiksik. Wala ba silang guard na mag-aasikaso sa mga ganito?

Nagkkasakitan na sila sa totoo lang, may nasapak sa mukha, may nasubsob sa likod ng kaharap at may naapakan na nag kanyang paa. Napasuklay na lang ako ulit sa buhok ko dahil sa inis, oo naiinis ako sa nagkikita ko. I sighed heavily and stepped forward, kung wala, edi ako na ang gagawa.

“I don’t want to do this, but I need to.”

Hinila ko ang lalaki na nasa sahig at pinatayo sa tabi ko, takot naman itong tumingin sa akin habang inaayos ang kanyang salamin, “Stay here,” sabi ko na siyang tinanguan niya, pumasok na ako sa nagkukumpulan at pinapatayo ang mga nakaupo na sa sahig. Most of the one I helped are girls, sampu na ang natulungan ko at nadadagdagan na naman, tumigil na ako sa kalalakad at huminga ng malalim.

What am I doing? Pansin ko lang, lahat babae ang nadadapa, at kapag may pinapatayo ako may matutumba na naman, isang babae na naman. Ewan ko ba kung tama ang hinala ko, sinasadya nila para matulungan ko lang. Oh tingnan mo nga ang isang to, walang tumulak pero ito nadapa, sa mismong tapat ng sapatos ko.

“STOP MOVING OR YOU’LL DIE THIS INSTANT!” sigaw ko sa hanggat kaya ng boses ko, napangisi naman ako ng tumigil sila. Takot lang pala ang solusyon para tumigil sila, pinatayo ko ang babae at seryoso silang tiningnan.

“Now, please line-up,” sumunod naman sila kaya napatango ako, “follow me.” Naglakad na ako habang sila ay nakasunod sa akin, nakarating na ako sa dulo ng stage at nadatnaan ang mga uniform na nakasabit sa clothes hanger. May lumapit namang babae sa harapan ko, I think she’s around 20 years and above, nakangiti siyang sumilip sa likod ko at ibinalik sa akin ang tingin.

“Salamat sa ginawa mo, hindi nila kasi marinig ang boses ko kaya hindi naayos agad.” Tumango lang ako sa sinabi niya, umalis na ako sa harapan niya at lumapit sa boys section. Hindi naman sa bastos pero parang wala na siyang sasabihin sa expression niya, ayaw ko lang tumayo doon na tinititigan niya ang mukha ko, it’s uncomfortable.

“Boys that way, girls this way please,” mahinhin at halos hindi marinig niyang saad, sinilip ko naman sila. Binigyan ko ng nakakamatay na tingin ang grupo ng kalalakihan na nagtangkang sumingit, bumalik naman sila sa pwesto nila na parang maamong pusa, bumalik na ako sa paghahanap ng akin at nag pirma na ng matanggap ko na ang akin.

The SecretΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα