JH UNIVERSITY

6 2 0
                                    

CHAPTER ELEVEN


“Hindi ka kumain.” Bumaba ako at hinawakan ang kanyang kamay, tininggala ko siya. “Kain tayo ng brunch, tutal hindi ka pa nakapag-almusal at gutom pa talaga ako,” saad ko at hinila na siya papalayo sa crowd, hinila ko siya sa other side ng gate.

Dito kami sa guard house dadaan, mayroon namang pinto doon na papalabas. Malapit na kami sa pinto ng guard house ng may sumigaw, sigaw na sinasabing nakita kami, hindi na ako lumingon at hinila na siya papasok.

“Bakit kayo nandito?” gulat na tanong ng isang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad na forty at pataas, ngumiti naman ako at magsasalita na sana ng magsalita si Anzi.

“Sir Josh, maari niyo po ba kaming paraanin diyan? Ayaw ko po kasi kaming dumaan doon, makikita nila ang sinta ko doon, ang daming pogi baka maagawan ako.” Kunot noo ko siyang tiningnan at tinapik ang kanyang dibdib para kunin ang atensyon niya, “What are you doing?” pabulong kong saad, pumikit lang siya at sinabing makisabay lang, hinarap ko naman si sir Josh at ngumiti. I glanced at her, still amazed with the deep tagalog.

“Oh, sige iho, protektahan mo yan, kay gandang binibini,” saad niya at binuksan ang pinto, lumabas na kami at nagpasalamat, tinakbo na namin ang pagpunta namin sa kotse para hindi pa maabutan ng mga tao. Hinihinggal kong isinara ang pinto, napalingon ako sa driver’s seat ng hindi pa sumasakay si Anzi.

Nakatayo siya habang nakadikit ang kanyang kamay sa bintana ng kotse, agad akong bumaba ng makita ko ang kamay niyang nakahawak sa kanyang leeg, hinablot ko na rin ang tubig sa bag ko.

“Bakit ka ba hindi nag-almusal, alam mo naman na hindi ka sanay na walang laman ang tiyan mo kapag unang limang oras ng araw,” sermon ko habang lumalakad papalapit sa pwesto niya, she has this illness or something na hindi ko matukoy, siya lang ang kilala ko na mayroong ganitong, agad ko siyang inaalayan at binuksan ang pinto, pagkaupo niya ay inabot ko sa kanya ang tubig.

Nilagok niya lahat ng tubig at huminga ng malalim pagkatapos, hinaplos ko ang likod niya para kumalma na ang puso niya. Fast rate ng heartbeat ay nagt-trigger sa karamdaman niyang ito, kapag hindi siya nakakain sa limang oras ng first hours niya pagkagising, magulo noh? Sasusunod ko na lang ma-e-explain, kailangan kumain ng babaitang to.

“Ano, kaya mo ba mag-drive ngayon?” nag-aalala kong tanong, mahina naman siyang tumango at umarap na sa manibela, ako na naglagay ng seatbelt ng hindi niya ito mahila.

“Huwag mong pilitin kung hindi mo pa kaya, tatawag na lang ako ng grab,” sabi ko at tumayo na, isinara ko na ang pinto at pumunta sa kabila, sumakay na at kinuha ang selpon, napatingin ako sa kanya ng harangan niya ang screen ng phone ko gamit ang kanyang kamay.

“No need, kaya ko na. I’m okay now.” Magsasalita na sana ako ng paandarin na niya ang engine at umalis na kami ng parking lot…


Someone’s POV

“Excuse me,” saad ko at naglakad na ulit, nandidito ako ngayon sa hallway habang daladala ang sandamak na libro, kung hindi lang ako mabait baka itinapon ko na lang ito sa basurahan, ang bigat kaya ng mga ito.

Lumiko na ako sa kanan pero napaupo na lang ako dahil sa impact na tumama sa akin, ang ending nasa sahig ako at ang libro ay nagsikalat sa sahig, dahandahan akong umupo at tiningnan ang mga libro, mahirap na kung masira ang mga ito, mas mahal pa nga ang mga ito kaysa sa buhay ko, baka expelled na ako kinabukasan.

“Are you okay?” napatinggala ako sa nagsalita, isang lalaki, lalaking napakalayo sa katotohanan ang mukha. Para siyang character sa isang nobela na lumabas sa katotohanan, alluring vibe. Magical siyang tingnan, yung mata niya, ang ganda, blue with a mixture of faint amber, nakakapanibago.

The SecretWhere stories live. Discover now