THE STORY

10 2 0
                                    

CHAPTER SEVEN

[She’s right here, unconscious.]

“Why? Where are you right now? She’s okay right?”

[Yeah she’s fine, I’m here at Lim’s Condominium, fourth floor right infront of unit number 24.]

What is she doing there? Pinatay ko na agad ang tawag at ibinalik ang tracking device sa drawer, pagkarating ko sa condo ay pumarada na ako sa parking lot.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa fourth floor, nadatnan ko si Kelly na nakasandal sa pintuan ko, you’ve read it right, she’s here in front of my condo unit. Agad ko siyang nilapitan at sinuri kung ano ang nangyari sa kanya, she’s in her workout clothes, agad kong binuksan ang pintuan at hinila siya papasok pero hindi ko pa tuluyang nahihila papasok ng may bumuhat sa kanya.

“Where can I put her?” Bubuksan ko na sana ang bibig ko para mag salita pero tinikom ko na lang ang bibig ko, hindi ko mabubuhat si Kelly ngayon, he can be a helping hand for now. Agad ko siya sinamahan sa kuwarto ko, binuksan ko ang kumot at doon pinalapag si Kelly.

Kinumutan ko siya at hinarap ang lalaki, his just standing there roaming his eyes around my room, he is foreign looking man. Ginising ko ang sarili ko bago pa ako mag daydream, time is running and night is getting deeper, first day of school pa bukas. 

“Thanks for helping, you can go now.” Lumingon naman siya sa akin kaya binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti, nag lakad ako papalapit sa pinto at sininyasan siyang lumabas, isinara ko ang kwarto pagkalabas niya, tumalikod ako pero napahinto ako ng makita ko ang mukha niyang dalawang pulgada lang ang layo.

“You’re welcome, Miss?” Napapikit ako ng tumama ang kanyang mabangong hininga sa mukha ko, umatras ako ng isang hakbang lang at nagmulat ulit, he’s too close, what is wrong with this man?

Doesn’t he know the word personal space? I’m not really comfortable being alone with a stranger, lalo na sa mga lalaki. Ngumiti naman ako nang pilit, oo napipilitan akong ngumiti ngayon dahil hindi ako komportable sa kanya, like hello? His a man whom I don’t know.

“I’m Dazinco Roosevelt the only heir of the Bellor family, now please leave, I’m going to check on my friend’s condition,” saad ko at nilagpasan siya, I know I’m being rude right know, pero ganito ako makitungo sa isang lalaki na hindi ko kilala at kami lang dalawa.

Well ngayon lang pala ako ganito, I think dadalawin ako bukas, I'm just saying, baka totoo. Binuksan ko ang pinto at hinintay siyang lumabas, tiningnan ko siya at nagtatakang tiningnan, napatango naman ako ng lakad na ito palabas.

“Aren’t you going to ask my name?” tanong niya at humarap sa akin, pinutol ko na kung ano pa ang sasabihin niya ulit, as much I want to talk to him nicely but the night is going deep, I’m tired from the party, buong araw ako nakatayo.

Oo parang one hour lang ang pagkakaupo ko pero paputolputol naman, paano kasi inaya ako ng mga bisita na magsayaw. Ten minutes lang ata ang pinakamahaba na umupo ako, yun yung katabi ko ang dalawang B Falcon.

“No thanks, I’m busy, so goodnight.” Isinara ko na ang pinto nung magsasalita na naman siya, napasandal ako sa pinto at huminga nang malalim, pinunasan ko naman ang pawis na kakatulo lang sa leeg ko, malamig pa ito.

Tumayo na ako nang maayos at bumalik sa kwarto, tinanggal ko na ang wig at inilagay sa pinanggalingan niyang packaging. Nagluto na ako ng kakainin namin ni Kelly at ginising siya para kumain, tahimik ang paligid habang kumakain kami hanggang sa matapos na ang dinner time ay hindi pa rin nagsasalita si Kelly.

“Kelly, is everything okay?” marahan kong tanong habang sinusuri ang kanyang mukha, mukha siyang nakapasan ng napakalaking problema sa mukha niyang walang tulog, halatang-halata naman eh.

The SecretWhere stories live. Discover now