PRETENDING

11 2 0
                                    

CHAPTER EIGHT

“Ano ang maitutulong ko sa’yo?” tanong ko at tiningnan ang hitsura niya, nakarobe ito ng pula na kanyang inayos ng mabuti, tiningnan ko ang mukha niya ngunit siya ay umiwas, napa-tilt na lang ako sa ulo ko ng makita ko ang pamumula ng kanyang pisnge. May lagnat ba siya?

“Miss? May kailangan ka?” ulit ko sa kanya, kasi kung wala siyang kailangan sa akin ay isasarado ko na ang pinto, gigisingin ko pa si Kelly para mag almusal.

“M-may hair dryer ka?” nahihiya nitong tanong at hindi makatingin sa mukha ko, may dumi ba sa mukha ko kaya hindi siya makatigin nang maayos sa akin?

“Oo, bakit?” tanong ko na lang kahit ang obvious ng sagot, wala lang gusto ko tingnan kung ano ba ang ikinahihiya niya sa akin? Hindi pa nga siya makatingin ng deretso sa mata o mukha ko lang man, sinuklay ko na lang ang buhok ko gamit ang kamay ko, hanggang bukas pa ata magsasalita ang babaeng to.

“I have a hair dryer, come inside, it can’t be detached from the wall so,” Sabi ko na lang at iniwan siya, bahala siya kung papasok siya o hindi, narinig ko naman ang pagsara ng pinto kaya sinilip ko siya.

“The bathroom is that way,” turo ko sa kaliwa niya, pumunta na ako sa kwarto ng makapasok siya ng banyo. Pagkapasok ko pa lang sa kwarto ay nadatnan ko si Kelly na naguunat, gising na pala ito. Umubo ako ng peke at lumapit sa kanya, she needs to change, may bisita pa naman kami.

“Good morning Kelly, handa na ang almusal natin.” Umupo ako at tiningnan siya, tumigil naman siya sa kakapunas sa kanyang mata at tiningnan ako. Ngumiti ako sa kanya, she looks like someone who came from a boxing fight, maga talaga ang mata niya.

“Good morning too Anzi,” bati niya ng pabulong at bumalik sa pagmunas ng kanyang mukha, binigyan ko na lang siya ng dalawang pat sa kanyang likod at tumayo, well we can’t sit all day. It’s the first day of school kaya kailangan namin mag handa, pumunta ako sa harapan ng mirror ko at tiningnan ang sarili ko.

“Anzi, sorry pala, yung kagabi--”

“Shhh, Kelly, don’t be sorry, be thankful na lang.” putol ko sa sasabihin niya, nakita ko naman sa reflection niya ang kanyang pagtungo, ngumiti naman ako.

“Now, tumayo ka na d‎’yan at mag handa, first day of school. You don’t want to be late on the first day of school, do you?” sinuklay ko ang buhok ko, napatigil ako sa pagsuklay ng maalala ko ang nangyari kanina lang. Napapikit na lang ako sa mata ko at humawak sa sintido ko, I freaking forgot that I wasn’t wearing any wig earlier.

Kaya pala ganun na lang mag takip ng katawan yung babae at nauutal na nagsalita, dahil akala niya lalaki talaga ako. Anggaling talaga, hindi ko pa nga nasisimulan ang mission ko may nakakita na sa akin, marahas akong humarap kay Kelly at sumandal sa vanity table.

“What’s wrong?” nagaalala niyang tanong, hindi ko muna siya sinagot at tinitigan lang, napapitik na lang ako sa ere ng may maisip akong palusot, napangiti naman ako at bumalik sa pagsusuklay ng buhok ko.

“Anzi, anong klaseng ngiti yan?” tanong ni Kelly at dumungaw sa gilid ko, “Kelly, may bisita tayo sa labas, babae,” sabi ko at tinapos ang pagsusuklay ko, “Pretend as my girlfriend.” Humarap ako sa kanya at nakita ang mukha niyang gulat at nakakanganga pa, isinara ko naman ang kanyang bibig at inakbayan.

Edi sisimulan ko na ang pagpapanggap ko, the mission starts now, dapat nga mamaya pa pagkatapak ko sa loob ng JH University pero dahil unexpected ang nangyari, magsisimula na ako.

The SecretWhere stories live. Discover now