THE FELON

6 2 0
                                    

CHAPTER NINE

“Don’t worry, I can manage, sige, bye.” Napaupo ako sa sahig ng umaalis si Kelly para isara ang pinto, itinungkod ko ang dalawang braso ko sa sahig para hindi ako mag handusay sa tiles. Malalaki at mabilis ang ginagawa kong paghinga, napalunok ako habang nakatingin sa kamay kong nanginginig.

“Anzi, what happened to you?”

“Water, give me some water.” Utos ko ng hawakan niya ang ulo ko at hinaplos, agad naman siyang tumayo at kumuha ng tubig, ininum ko ito agad ng makalapit siya sa akin. Sumandal na lang ako sa kanya at nag-breathing exercise, napatignin ako sa orasan, seven-thirty na. Eight ang start ng opening program, tumayo ako habang inaalalayan ni Kelly.

“Okay ka lang talaga?” tumango lang ako at hindi na nagsalita pa, kailangan na naming umaalis, ayaw ko pa namang mahuli sa pagpasok ng university, it’s my first time being a senior student there. Kinuha ko ang cellphone sa table at tumayo ng mabuti, nag-text at send. Lumingon ako kay Kelly na ngayon ay nag-aalala pa rin na nakatingin sa akin, ngumiti lang ako sa kanya at uminom ng tubig.

“Don’t worry too much, maayos talaga ang pakiramdam ko, water is all I needed.” I assured her, tumango-tango naman siya at nagbuga ng hangin, showing a relieved sigh.

“Anyway, tara na, malapit na mag simula ang flag ceremony.” Naglakad ako pabalik sa kwarto para kunin ang backpack ko, all black ang kulay nito para naman hindi na ako papalitpalit ng bag pag magpalit ako ng disguise, dalawa ang binili ko pero magkaiba ng design.

As Zian, may tataka ang front pocket ng bag, white printed gun, tapos bilang Anzi naman ay rose printed ito, black color ang tela and print naman ay red. Lumabas na ako ng makuha ko na ito, hindi ito mabigat sa ngayon dahil wala pa naman ang papers na kakailanganin.

“Uhmm, Anzi,” napatingin ako kay Kelly ng magsalita siya, lumapit naman ako at nagtataka siyang tiningnan. “Pwede naman sa university na walang dalang gamit sa first day?” nagaalanganin niyang tanong, napaisip naman ako, based on what I know, pwede naman ata kung may rason kang masasabi na acceptable bilang rason na hindi ka nagdala ng bag. Tiningnan ko naman siya at tumango, napangiti naman ako ng nawala ang kaba sa kanyang mata.

“Let’s go.” Tumango naman siya at binuksan ang pinto, sumunod na rin ako at isinara na ito. Sumakay na kami ng elevator at pinindot button na papunta sa ground floor. Ilang minutong katahimikan ay nakarating na rin kami sa lobby, pagkabukas pa lang ng elevator door ay bumungad sa amin ang ingay at mga ilaw na siyang ikina-iwas ko, tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko at pilit inaaninang kung ano ang nangyayari.

“Raynez Cruz, from the day you vanished…”

“Miss Cruz, what can you say about being missing for one year?”

“The world is craving for an explanation, can you avail a time for an interview?”

Napakunot ang noo ko sa pinagsasabi ng mga reporter na ito, I figured it out, from the bright flashes and noisy chatters of these people and also their outfit.

What are they doing here? Interview? Raynez? Don’t they know that barging in here like this makes them look like an uneducated person, they’re trespassing? At bulag ba sila? Hindi si Raynez ang kasama ko at lalo ng hindi naman ako dahil nakatago ako sa anyong lalaking, hindi ba nila alam ang mukha ng kanilang idol?

Hinablot ko ang braso ni Kelly at hinila palabas ng elevator, I don’t have time entertaining these people, they’re a bunch of barking dogs. Habang lumalakad at sumisiksik para makadaan ay bigla kong nabitawan ang braso ni Kelly na siyang dahilan ng kanyang pagkadapa, natahimik rin sa wakas ang paligid at natigil na rin ang flash ng mga camera. Tsk, hindi man lang makatulong sa kapwa.

The SecretWhere stories live. Discover now