#23: Sadako

11 3 0
                                    

"Mommy, nakakatakot talaga si Sadako. Ayoko sa kanya" naiiyak na sabi ni Samantha sakin. Kasalukuyan kasi kaming nanunuod ng paborito kong Sadako.

"Anak, huwag ka matakot kay Sadako. Gusto mo ba malaman ang tunay na istorya ni Sadako?" Tanong ko sa kanya. Tumango sya kahit pa natatakot. Pinause ko saglit ang TV at humarap sa anak ko.

"Hindi Sadako ang pangalan nya. Sya si Tryx Kashi Harthaway. Maganda sya at matalino. Mahinhin na babae na kinagigiliwan ng mga lalaki sa bayan pero ayaw niya sa mga lalaki. Gusto niyang makapagtapos muna ng pag-aaral. Maraming pangarap si Tryx pero nawala yun dahil sa kababuyang ginawa sa kanya" saglit akong tumigil. Naalala ko na naman ang lahat.

"Sa likod ng bahay nila ay ginahasa siya. Nilapastanganan ang pagkakabae niya ng mismong kamag-anak nya. Tiyuhin at Kapatid nya ang bumabaoy sa kanya. Nagpupumiglas si Tryx no'n pero pinatay sya. Sinaksak sya matapos babuyin. Itinapon sya sa balon para pagtakpan ang ginawa ng magtiyuhin. Hindi natahimik si Tryx, gusto nya ng katarungan kaya hanggang ngayon ay di pa rin sya natatahimik. Tuwing alas dose hanggang alas tres ng umaga sya lumalabas sa balon para pagbayarin ang tiyuhin at kapatid nya. Nabansagan lang syang Sadako dahil sa mga bata na kung ano ano ang binigay na pangalan sa kanya" malungkot kong kwento saking anak.

"Mama, bakit ka po naiiyak habang kinekwento si Sadako?" Inosenteng tanong ni Samantha.

"K-Kasi anak, kapatid mo si Tryx. At ayan na sya. Alas dose na eh" sabi ko sabay tingin sa pinto. Doon ay nakita ko ang aking anak na gumagapang patalikod at papunta sa amin. Nakatingin sya samin habang gumagapang at nakangisi.

"WAAAHHHH" matinis na tili ni Samantha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot Stories Where stories live. Discover now