#11: A News

9 2 0
                                    

A News

"Bakit ba ayaw mo sagutin!?" Inis kong tanong habang panay type sa cellphone ko. Kanina ko pa kino-contact si Jeremiah pero hindi naman sumasagot.

I am Vivian and I have boyfriend named Jeremiah. Ngayon ang 1st year anniversary namin. Ang usapan namin ay magkikita kami sa park pero hindi siya um-attend. Ni wala ngang text or tawag na hindi siya makakapunta.

Kanina pa ko gising at hatinggabi na pero siya pa rin ang gusto kong makausap. Kahit hindi siya pumunta ngayon, makausap ko lang siya ay okay na.

Tumingin ako sa bintana saktong tumunog ang phone ko. Senyales na may nag-chat. Agad ko iyong kinuha dahil inisip kong si Jeremiah iyon at tama ako. May video siyang sinent through messenger.

I tap the play button and watch it.

"Hey, Happy 1st Year Anniversary Love. Papunta na ko sa park ah. Dumaan kasi ako kay Lola kaya malelate ako. By the way, may regalo ako sa'yo na alam kong magugustuhan mo. Lahat naman ng ibigay ko nagugustuhan mo dahil malakas ang karisma ko hahaha----"

Biglang naputol ang video. Isang malakas na kalabog ang narinig ko. Iba't-ibang busina ng sasakyan ang sunod kong narinig.

Wala pa man ay parang may hinala na ako. I tap the back button just to see the bad news. A bad news that I will bring for the rest of my life.

[Hey Vivian, Tita Raven mo 'to. Wala na si Jeremiah. Sinend ko ang video na yan para sa'yo. Sana makapunta ka. Bukas ang burol niya]

Naibagsak ko ang phone. Tumingin ako sa labas ng bintana and I found myself, imagining all the memories we've made while tears are falling from my eyes down to my cheeks.

One Shot Stories Where stories live. Discover now