#10: Meet Up

8 2 0
                                    

Meet Up
@A.Blabby

It is Saturday. Ngayon ang usapan namin nila Taliyah, Serenity, Raven at Valentina na magkikita. Ang tagal naming hinintay ang pagkakataong ito. After 10 years, sa wakas, makikita na namin sa personal ang isa't-isa.

"Hello, nasaan ka na?" Natatawa kong tanong. Narito na kami nila Valentina at Raven sa Mega Mall. Hinihintay nalang namin sila Serenity at Taliyah.

[Gago, malapit na ko hahaha] natatawang sagot niya.

"Bilisan mo. Lalayasan ka namin tingnan mo" birong banta ko habang hinahampas si Raven na kausap naman si Serenity. Si Valentina naman ay nakikinig lang sa usapan namin pero panay ang tawa ng loka.

[Umalis ka! Hindi kita hahabulin tanga!] Sagot ni gaga. Natawa tuloy kami ni Val dahil sa sinabi niya.

"Basta bilisan mo!" Sabi ko sabay baba ng linya. Tumingin ako kay Val saka nagkwentuhan ulit kami tungkol sa RPW. S'yempre doon kami lahat nagkakilala at ngayon, magkikita na kami sa personal. Sobrang saya lang sa pakiramdam.

Tanghaling tapat ay dumating si Serenity. Pormang-porma at ang angas ng datingan dahil sa suot na shades. Muli ay nagtuloy ang kwentuhan pero kasama na si Serenity. Lalo tuloy naging bangag ang tropa. Isa nalang ang kulang at kumpleto na.

Nagtaka ako kung bakit wala pa ang pinakasabog sa amin. Ilang oras na ang nakalipas simula ng last na tawag ko kaya napagpasyahan kong tawagan siya ulit.

"Hoy, nasaan ka na?!" Iritadong tanong ko. Nakatingin din sila Val, Raven at Serenity sa'kin. Naghihintay ng update.

[Hello, good afternoon Ma'am] sagot ng isang lalaki. Aba, may kasama palang jowa si gaga. Napakadaya!

"Hello, pakausap naman kay Taliyah oh" aniya ko sa naiinis na tono. Nakakainip maghintay!

[Hello Ma'am, kaano-ano po kayo ng biktima?] Tanong ng lalaki. Nagulat ako dahil sa word na 'biktima'. Dahil naka-loudspeak ay narinig din ng mga kaibigan ko dahilan para maging iisa ang hitsura namin. Nagtataka.

"Anong biktima?"

[Biktima. Victim gano'n, ano ba naman kayo Ma'am, biktima lang di niyo pa alam---]

"Gago! Alam ko pero bakit ka nagsasabing biktima si Taliyah? Engot ka ba?" Iritadong tanong ko. Seryoso ako tapos binirahan pa ko ng kagaguhan.

[Kasama po kasi si Taliyah Fundrada sa aksidente dito sa EDSA. Dead on the spot po siya at nasa morgue na ang katawan niya] sagot ng lalaki. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Patay na si Taliyah?

One Shot Stories Where stories live. Discover now