#21: Tatsulok

7 2 0
                                    

"Oh, ba't nahuli itong sila nanay? Mukhang pagpapakalat ng maling impormasyon ah" natatawang tanong ko kay Sgt. Lapuz na syang humuli sa limang babae.

"Ah Sir, nahuli kasing may kinuha sa grocery tapos hindi binayaran" sagot ni Sgt. Lapuz at saka umupo sa kaniyang silya.

"Oh mga misis, alam nyo naman pong bawal eh bakit nyo pa ginawa?" Tanong ko sa kanila habang hawak ang papel at ballpen para mailista ang mga sasabihin nila.

"Sir ayaw naman naming gawin eh pero kailangan" sagot ni nanay na pinakapayat sa kanila.

"Gutom na po kasi mga anak namin kaya napilitan kaming gawin yon" sabat naman ng isang nanay na naka-long sleeve na brown.

"Aba'y pwede naman kayong magtrabaho ah" pangaral ko sa kanila.

"Pwede naman ho talagang magtrabaho kung hindi lang batayan ang edukasyong tinapos mo. Ano naman ho ang mapapasukan ng katulad kong grade 2 lang ang tinapos?" Sabi ni nanay na nakakulay itim.

"Wala ho ba kayong mga asawa para suportahan kayo?" Tanong ko pa.

"Meron pero hindi kami sinusuportahan. Pagtapos kaming anakan, iniwan na kami sa ere" sagot ni nanay na nakakulay violet.

"Sabi kasi nila pantay-pantay lang ang tao pero ito kami, kung sino pang naghihirap lalo pang nalulubog at ang mayayaman lalo pang yumayaman. Sa tatsulok kami yung nananatiling nasa baba at kahit kailan hindi makaangat kasi hindi naman kami pinagtutuunan ng pansin eh" sabi ni nanay na nakastripes na black and white. Nawalan ako ng sasabihin dahil totoo nga. Sila ang nasa baba ng tatsulok na hindi pinagtutuunan ng pansin.

"Ngayon Sir, masisisi nyo ba kami kung bakit namin nagawa yon?" Tanong ni nanay na nakakulay brown.

One Shot Stories Where stories live. Discover now