#13: Pls do not open the door

7 2 0
                                    

Pls do not open the door

"Hay, ang sipag naman ni Nix" sambit ko habang nakatingin sa pintuan ng aking anak na may nakalagay pa'ng sticky note na, 'Pls do not open the door. Do not disturb'

"Sus, 'kamo ma, baka busy lang yun sa paglalaro ng ROS" pagsingit naman ng kapatid niyang si Akira na nagcu-cutix sa sofa.

"Hindi ah. Kilala ko ang batang 'yon" sabi ko sabay harap ulit sa TV nang may ngiti sa labi. Alam kong nagbago na ang anak kong si Nix. Responsable na siya sa mga obligasyon niya sa buhay tulad ng pag-aaral.

"Hay, bahala ka Ma" sabi ni Akira sabay tayo at punta sa kwarto nya. Naiwan ako sa sala na nanonood lang ng TV. Napangiti ako nang maalala si Nix. Masipag na siya ngayon at Senior High School na siya.

---

"Akira, tawagin mo na nga si Nix. Alas-otso na. Di pa rin lumalabas ng kwarto n'ya" utos ko kay Akira na nakaupo ulit sa sofa. Kung sino pa ang babae siya pa'ng tamad. Tsk.

"Ano ba 'yan?" iritadong sabi nya pero sinunod naman ang sinabi ko. Tutal, ako naman ang gumawa ng gawaing-bahay kaya siya na sa pag-imbita ng dapat kumain ng nakahain.

"NIX, LUMABAS KA NA DAW D'YAN SABI NI MAMA. KAKAIN NA" sigaw nya habang malakas ang katok sa pinto ng kwarto ng kapatid niya.

"MA AYAW EH!" Iritang sabi nya nang walang marinig na sagot mula sa loob ng kwarto ni Nix. Hindi niya hinintay ang sunod kong utos, sa halip ay umupo na siya sa pwesto niya'ng upuan dito sa kusina. Tumuhog ng hotdog sabay kagat.

Bumuntong-hininga nalang ako saka ko tinanggal ang suot kong apron. Naglakad ako papunta sa pinto ni Nix at saka kumatok.

"Nak, nak. Labas na diyan. Kumain na muna tayo" mahinahon kong sabi habang kumakatok pero wala man lang sumasagot. Kumatok ulit ako habang tinatawag siya pero walang response. Bigla ay nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Napalunok ako at nilakasan ang pagkatok sa pinto.

"Anak! Nix, Nix! Labas na diyan anak" pasigaw kong sabi dahil sa pag-aalala pero walang sumasagot. "Akira, 'yong master key nga kunin mo" utos ko habang kumakatok pa rin sa pinto. Naroon ang pag-aalala sa boses ko kaya agad sumunod si Akira sa utos ko.

"Ma" maya-maya'y sabi n'ya sabay abot ng master key sa'kin. Hindi ako nag-aksaya ng panahon. Agad kong binuksan ang pinto at labis na gumuho ang mundo ko sa aking dinatnan. Hindi ko maipaliwanag ang kabog ng aking dibdib. Tumulo agad ang luha ko sabay takip sa aking bibig.

Si Nix ay nakabitin sa kisame at wala nang buhay. Wala nang kulay ang katawan niya at nang hagkan ko ang paa niya ay napakalamig niyon. Parang yelo na lalo'ng nagpaguho ng aking mundo

"Anak? Nix? NIX!!" sigaw ko sabay kuha ng wooden chair ng study table niya. Pinilit ko siyang alisin nang may luha sa mata at durog na puso.

"Tatawag ako ng tulong Ma" aligaga at nanginginig na sabi ni Akira sabay takbo papunta sa labas. Tuluyan ko namang natanggal sa pagkakabitin ang malamig na bangkay ng aking anak.

"ANAK?! GUMISING KA NIX PLEASE" umiiyak kong sabi habang tinatapik ang pisngi nya. Umaasang magigising siya at yayakapin ako. Sasabihin na biro lang ito pero hindi. Hindi nangyari ang inaasahan ko dahil wala na talaga siya. Wala na siyang hininga. Wala na siyang buhay. Ang anak kong dinala ko sa'king sinapupunan ng siyam na buwan ay isa nang bangkay. Naunang mamaalam kaysa sa'kin.

Niyakap ko ang malamig niyang katawan. Punong-puno ng luha ang aking mukha pero hindi nakalagpas sa aking paningin ang nakabukas niyang laptop. Nakalagay ito sa microsoft word at may nakasulat. Malaki ang font at Cooper Black ang font type.

'Ma, pasensiya na po. Hindi ko na kaya. Ginawa ko ang lahat para maging positive ang utak ko pero nag-end lang ang lahat sa depression. Nahirapan ako sa Online Class Ma, idagdag mo pa ang pag-iwan sa'kin ni Ria. Di ko iyon natanggap at nauwi ang lahat sa depresyon. Pasensiya na po kung naging pasaway ako at di na matutupad ang pangako ko'ng magiging engineer ako. I love you Ma. Alagaan niyo si Akira. Mahal ko kayong dalawa'

Basa ko sa nakasulat na lalong nagpaiyak sa'kin. Sana sinabi mo Anak. Nandito ako para sa'yo. Akala ko gumagawa ka ng modules mo pero ito ka na pala. Malamig na bangkay sa loob ng kwarto mo.

One Shot Stories Where stories live. Discover now