#8: Naghihintay Ako

10 2 0
                                    

Naghihintay Ako
@A.Blabby

"

You look so beautiful in White~~~"

Napangiti ako habang nakatingin sa dalawa. Dama ko ang saya nila at wala akong magawa kung hindi ang magpaubaya.

"Hdjdmmdid" napatingin ako sa gilid nang may pabulong-bulong na tinig. Nakita ko ang isang bata na nasa harapan lang ang tingin. Dahil bukod sa gwapo ay mabait ako, iniluhod ko ang isang tuhod ko saka kinausap ang bata.

"Hey, hello. Nawawala ka ba?" Tanong ko sa bata na nakapink at nakatingin kayla Karla at Sean habang nakanguso.

"No, I'm not lost" mataray nyang sabi habang nakahalukipkip at matalim ang tingin sa unahan. Aba, ang taray naman.

"Eh ba't mag-isa ka lang?" Takang tanong ko. Itinuro nya sila Sean na masayang sumasayaw. "Anong meron kela Sean?" Tanong ko. Mataray syang tumingin sakin.

"Nope. I didn't mean my Kuya, I mean the cake. Napakatagal nila sumayaw kaya 'di ako makakuha ng cake. Naghihintay ako kanina pa" naiirita nyang sabi sabay talikod. Aba walk-out queen? Kung ako naghihintay kay Karla, sya naman naghihintay sa cake. Aba, I like her attitude. Baka sya talaga ang nakalaan para sakin. Maghintay ka lang.

Age doesn't matter

One Shot Stories Where stories live. Discover now