#7: Mavi and Kyle

13 2 0
                                    

Mavi and Kyle
@A.Blabby

"Ah! Shit, Babe ang sakit" rinig kong sabi mula sa kwarto ng aking anak na si Mavi. Kasama niya doon ang kanyang boyfriend. Gagawa daw kasi sila ng thesis.

"Ah! Babe dahan dahan lang ahh!" Muling kong rinig sa kwarto. Napasibangot ako dahil parang hindi na thesis ang ginagawa ng dalawa.

'Ano kayang ginagawa ng dalawa?' Tanong ko sa aking isip.

"Ahh! Yan yan! Shit! Sarap" tinig ni Mavi. Aba, tama ang aking iniisip! Nagmimilagro ang dalawa! Tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto ni Mavi saka ko idinikit ang tainga ko sa pinto para marinig ng malinaw.

"Eto? Ahh! Wait Babe" sabi rin ng boyfriend n'yang si Kyle. Napalunok ako sa naiisip na ginagawa ng dalawa kaya agad kong binuksan ang kwarto at tumambad sakin ang dalawa na gulat na gulat.

"Mom, ba't di ka kumakatok?" Inis na tanong ni Mavi habang nakasibangot matapos niyang makarecover sa pagkagulat.

"Ano bang ginagawa nyo't naghahalinghingan kayo'ng dalawa?" Tanong ko habang nakapamaywang at pinagmamasdan sila. Lalo na si Kyle na nagulat at namumula ang mukha. Mukhang alam niya ang iniisip ko kaya ganiyan ang reaksyon ng batang ito.

"Kasi Mom, 'di ba may stiffneck ako. Eto hinihilot ni Kyle. Medyo di na nga masakit eh" paliwanag ni Mavi habang hinihilot ang leeg niya. Napahinga naman ako nang malalim dahil sa naisip ko. Mali ako nang maisip kong nagmi-milagro ang dalawa sa murang edad.

"Buti naman. Akala ko kung ano nang ginagawa nyo eh" naiiling kong sabi. "Sige na, magpahilot ka na ulit" nakangising kong sabi. Hinawakan ko ulit ang doorknob saka sinara ang pinto nila. Napailing na lang ako habang nangingiti.

"Tita sino kausap mo dyan?" Tanong ni Levi habang ang ekspresyo'y nagtataka. Pamangkin ko si Levi. Anak siya ng kuya ko at dito tumira para samahan ako sa bahay na 'to. Utos na rin kasi ng tatay niya.

"Si Mavi at ang boyfriend n'yang si Kyle" nakangiti kong sabi habang inaalala ang pagkagulat na rumehistro sa mukha nila matapos kong buksan ang pinto kanina.

"Tita, 3 years ago nang patay sila Kuya at Ate dahil sa bungguan ng bus sa EDSA diba?" Sabi nya na ikinagulat ko. Doon ko lang napagtanto na wala na ang aking anak dahil sa nangyaring iyon at hindi ko iyon matanggap. Magce-celebrate sana sila ng 2nd year anniversary bilang mag-nobyo nang bumangga ang sinasakyan nilang bus. At hanggang ngayon, hindi ako makaalis sa nakaraan.

One Shot Stories Where stories live. Discover now