#12: Who's the killer?

7 3 0
                                    

Who's the killer?

Patuloy ako sa pagtakbo sa loob ng mansyon. Kailangan kong magtago. Kailangan kong makaalis dito kung hindi mamamatay ako. Papatayin ako ni Kleigh. Papatayin niya ko nang wala awa.

Umagos ang luha ko mula sa mata. Hindi matigil ang iyak ko. Pigil ko ang aking paghikbi. Pinipigil ko pati ang panghihina ko para lang makatakas dito.

Pero bakit gano'n? Kahit anong takbo ko, parang hindi ako nakakaalis sa lugar na ito? Parang walang pinto. Parang ang dilim. Parang walang patutunguhan ang pagtakbo ko.

Tumigil ako at yumuko. Inilagay ang dalawa kong kamay sa tuhod at sa ganoong posisyon ako naghabol ng hininga. Ano bang nangyayari? Bakit walang pinatutunguhan ang pagtakbo ko? Gusto ko nang makaalis!

"Hi Jenny" ang boses na iyon ang nangibabaw sa lugar. Napaayos ako ng tayo at takot na tumingin kay Kleigh. Hawak niya ang kutsilyong may dugo.

"K-Kleigh" Takot kong tawag sa kaniya.

"Hi. Kumusta ang pakiramdam mo?" Nakangisi niyang tanong habang pinaglalaruan ang kutsilyo sa kamay niya.

"K-Kleigh, t-tigilan mo na 'to, p-please" pakiusap ko pero ang nakakaloko niyang ngisi ay nakakapanindig balahibo.

"Hmm? Bakit naman ako titigil kung tapos na?" Tanong niya habang humahakbang papunta sa gawi ko. Patuloy ako sa pag-atras para makalayo.

"A-Anong ibig mong s-sabihin?" Kabado kong tanong saktong sa kaaatras ko ay may naapakan akong matigas. Kinabahan ako dahil baka na-corner na niya ko.

"Dahil tapos ka na" sabi niya saka humalakhak na parang baliw sabay sulyap sa aking likuran. "Patay ka na Jenny" sabi niya habang nakatingin sa likuran ko kaya't kahit takot ay tumingin rin ako sa likod ko. Doon ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Naliligo sa pulang dugo. Nakadapa at putlang-putla. "I am the killer Jenny" napatingin ako kay Kleigh na may namumuong luha sa mata.

Patay na ko? And she's the killer?

One Shot Stories Where stories live. Discover now