#17: Broken Promise

7 2 0
                                    

Narito kami sa park ng aking fiancè para magpahinga. Kanonood lang namin ng sine dahil ngayon ay 4th year anniversary namin and next week ay wedding na namin and I am very very excited for that day.

"Tiffany, I need to tell you something" napatingin ako sa kaniya dahil sa seryosong tinig n'ya.

"Eh bakit ang seryoso mo? HAHAHA, easy ka lang, so anong sasabihin mo Hon?" Natatawa kong tanong

"We're in the climax of our story" sagot niya na ikinataka ko. Pinihit ko ang aking likod at tiningnan siya.

"Huh?" Taka kong tanong.

"I'm just one of character in the scene" he seriously said.

"Ano? Wala naman tayo sa teatro ah?" May halong inis na ang aking tinig.

Magulo.

Maraming pino-point out. Di nalang sabihin.

"Tiff, sorry. I know, sabay na'ting pinangarap ito pero naka-disgrasya ako" malungkot niyang sabi sa mababaang tinig. Napanganga ako dahil sa sinabi niya.

"Huh? Ano? Dinala mo ba sa ospital? Gago ka! Anong trip mo?" Kabado kong tanong!

Ang tanga naman nito para maka-disgrasya! Dinala niya kaya sa ospital? Okay na kaya? Dalawin kaya namin?

"No, that's not what I mean. N-Nakabuntis ako" napipi ako sa sinabi niya. Pilit inirehistro sa utak ko ang lumabas sa bibig n'ya. Iniisip ko kung totoo o prank lang 'to tulad ng dati. "N-Noong nasa flight ka because of your job, m-meron akong nakasama. May nangyari sa'min three months ago at sinabi niya sa'kin kagabi na 3 months na siyang buntis. H-Hindi ko sinasadya Tiff"

"Hindi sinasadya? Pa'no yun? Nadapa ka tapos napasok mo siya? Jigs, if this is one of your prank, tigilan mo, di na ko natutuwa" masungit kong sabi sabay halukipkip.

"Hindi. I'm sorry Tiffany. Sinubukan ko maging loyal p-pero may pangangailangan rin ako eh" natutop ko ang aking bibig kasabay ng pagtulo ng sunod-sunod na luha mula sa aking mata. Hindi ko kinaya ang sinabi at lumabas sa bibig niya. Parang hindi siya ang minahal kong si Jigs.

"CUT!" Napatingin kami sa direktor. Pinunasan ko ang aking luha ngunit patuloy sa pag-agos. "Ang galing n'yo!--- Oh, Tiffany saan ka pupunta?" Tanong sa'kin ni Direk sa pasigaw na paraan dahil sa pagtakbo ko palayo.

"CR LANG DIREK!" sigaw ko pabalik ngunit dumiretso ako sa isang malaking puno at umupo sa malaking ugat nito.

Bumalik sa isip ko ang masakit na alaala dahil sa katotohanang nangyari sa akin iyon. Sa tagal nang panahon, nakatatak pa rin sa isip ko iyon habang siya, masaya na dahil buo na ang pamilya niya and it's so unfair on my side.

"Ang daya-daya mo Jigs" umiiyak kong bulong habang patuloy na umiiyak. "You broke your own promise"

One Shot Stories Where stories live. Discover now