"No need. Ihahatid naman kamo ako ni Nath."

"I thought you're friends?"

"Oo nga."

"Bakit ayaw mong magpahatid?"

"Ayoko lang."

We're friends, but it's still awkward na ihatid ako ng ex ko -- ex nga ba? Ang awkward na ihatid kaming dalawa ni Brylle ng tatay niya, diba?

Dahil nga ayaw naman magsabi ni Brianna ng nangyari sakanila ni JM, ay wala na kaming ibang ginawa dito kundi manood lang at pag-usapan ang ibang bagay habang kinakain yung meryenda na ginawa ni Tita Coleen.

My phone rang and it's Mom. Sinagot ko 'yon at malakas na pag-iyak ni Brylle agad ang narinig ko.

["Tinotoyo na 'to, anak. Hindi ka pa ba pauwi?"]

I bit my lower lip. "Pauwi na, Mom. Punta na ako diyan. Can you give him the phone?"

["Mama! Brylle, it's your Mama. Come here, come here!"]

Lumakas ang boses ni Brylle sa pagtawag sakin kaya alam kong nasakaniya na yung phone ni Mom.

"Brylle, don't cry na, anak. Big boy na yan eh nag-cry pa siya. Wait for Mama, okay? Wait lang, pauwi na si Mama."

Lalo lang lumakas ang pag-iyak niya kaya pinatay ko na yung tawag.

"Uuwi ka na?"

"Yeah. Tinotoyo na ang pamangkin mo at hinahanap na ako." sagot ko at tumawa. "Puntahan ko muna saglit si Tita." sabi ko sakanila at umakyat sa itaas.

Nang makarating ako sa kwarto nila Tita ay kumatok ako, binuksan niya naman 'yon agad.

"Tita, uwi na po kami. Hinahanap na po kasi ako ni Brylle."

Ngumiti naman siya. "Parang ang Daddy niya lang dati kapag nasa trabaho ako at naiiwan siya sa Mommy mo. Iyak din siya nang iyak hanggang sa nasanay nalang siya."

Parehas sila ng Daddy niya. Si Cole ay pinanganak at lumaki rin na wala si Tito Raizen sa tabi niya. Hindi ko naisip na hahayaan niyang maranasan din 'yon ng anak niya. He knew that he got me pregnant but he still left me.

"Give this to Brylle." inabot niya sakin ang dalawang paper bag na may mga damit at yung isa ay mga pagkain. "Mga damit ni Cole yan nung bata pa siya at mukha namang kasya siya kay Brylle. And these foods. Nag-grocery kasi kami ng Tito Raizen mo kahapon at naisipan kong ibili rin siya."

Ngumiti ako sakaniya. "Thank you, Tita. Panuhol ko 'to sakaniya mamaya pag sinundo ko siya kila Mom para mawala na ang toyo niya." sabi ko at tumawa.

Sinamahan niya ako pababa sa living room at lihim kong sinamaan ng tingin si Brianna dahil nandito si Cole. Ngumiti lang naman sakin si Brianna kaya peke ko siyang nginitian at inirapan.

"Let's go, Nath?" aya ko kay Nath pero ngumiti siya sakin.

"Uh, kasi.. magkikita kasi kami ni Vince so hindi kita maihahatid. Pero nandito naman si Kuya Cole para ihatid kayo ni Brylle sa unit mo." nakangiting sabi niya.

Narinig kong tumawa si Tita at kumindat pa kay Nathalia.

Pinagkakaisahan na pala kami dito.

Umiling-iling ako at yumakap na kay Tita saka nagpaalam.

"Drive safely, Cole." sabi ni Tita.

"Drive safely, Kuya." sabi rin ni Brianna at ngumiti sa Kuya niya.

"Don't give me that smile, Brianna Zeneen. May ipapaliwanag ka pa sakin." Cole said in a cold voice.

Tinikom naman ni Brianna ang bibig niya at nag-iwas ng tingin sa kapatid niya.

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now