Dinaan namin muna si Brylle kila Mom bago kami nagpunta kila Brianna.

"Hello, ladies." Salubong samin ni Tita Coleen.

"Hello, Tita." bati ko rin sakaniya at niyakap siya.

Hindi pa kami nakapag-usap ulit ni Tita simula nung anniversary nila ni Tito Raizen. Sabagay, ano ba naman ang pag-uusapan namin? Eh, wala naman nang nangyayari samin ng anak niya.

"Nasa living room lang sila Brianna and Janice, puntahan niyo na sila. Ipagdadala ko nalang kayo ng pagkain."

"Thanks, Tita.." sabi ko.

Ngumiti siya sakin at hinaplos ang pisngi ko. "Bago ka umuwi, puntahan mo muna ako sa room ko, okay?"

Ngumiti lang ako at tumango sakaniya.

Pumunta na siya sa kitchen at kami naman ni Nath ay pinuntahan na sila Brianna.

Nakita ko pa si Cole na pababa ng hagdan. Hindi niya pa kami napapansin dahil abala siya sa phone niya.

"Ang tagal niyo naman." sabi ni Janice.

"Si Desiree kasi kausap pa si Allen kanina."

Nag-angat ng tingin si Cole at tumingin samin.

"Hi, Kuya Cole." bati ni Nath sakaniya at nginitian lang naman siya ni Cole.

"Where are you going, Kuya?" Brianna asked.

"Company." maikling sagot niya.

Sa company ang punta niya pero naka shorts lang siya at white shirt? Duda ako diyan ah.

"Sinong Allen yung kasama mo, Desiree?" tanong ni Brianna.

Kumunot naman ang noo ko.

"I don--"

"Friend niya." sabat ni Nathalia at nagkibit-balikat sakin. "Katabi lang siya ng unit ni Des."

"New friend or new boyfriend?" tanong naman ni Janice saka sumulyap sa Cole na naglalakad malapit sakin.

He's staring at me..

Sinundan ko siya ng tingin nang makalagpas siya sakin at lumabas ng bahay.

"Si Allen ay feeling close lang at hindi siya katabi ng unit ko. What the hell, Nath?"

Tumawa siya at naupo sa tabi ni Janice.

"Ohh. Hindi ba? Sorry." she's not sorry.

"She did it on purpose." Brianna said.

Umiling nalang ako at naupo sa couch sa harapan nila.

"What happened to you and JM?" tanong ko kay Brianna.

"We broke up."

Nanlaki ang mga mata ko at halos magkakasabay kaming tatlo na tumingin sakaniya.

"Bakit?"

"I don't wanna talk about it. Sorry." sabi niya saka nahiga sa couch at ipinatong ang mga paa sa hita ni Janice.

Nagkatinginan naman kaming tatlo at pare-parehas na umiling para hindi siya pilitin.

Alam namin na hindi rin siya makakatiis at sasabihin niya rin samin kung bakit.

Tumunog ang phone ni Brianna at matapos niyang tingnan 'yon, tumingin naman siya sakin.

"Kuya texted me. Sabihin ko daw sakaniya kapag uuwi ka na, babalik daw siya dito para ihatid ka sa unit mo."

Nanlaki naman ang mga mata ko at sunod-sunod na umiling sakaniya.

Lost in Love - COMPLETEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz