Sa sinabi kong 'yon, daig pang pinagsakluban ng langit at lupa ang mga kasamahan ko. Mas lalo gumuhit ang pag-aalala sa aming mukha.

Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Nagbabakasakaling may mahanap akong clue na may koneksyon kung nasaan ang aking kakambal!

"Puntahan ninyo ang mahal na emperador. Iulat ninyo sa kaniya na nawawala sa mga oras na ito ang isa pang prinsesa ng Cyan. Magmadali." matigas kong utos sa dalawa.

"Masusunod po!" mabilis siyang umalis sa aking tabi. Nagmamadali silang bumalik sa loob ng Manor.

Ipinagpatuloy ko ang paghahanap ko sa aking kapatid. Nagtiim-bagang ako saka pumikit ng mariin. Ginapangan ako ng kaba at takot. Mayroon ding parte sa akin na sinisisi ko ang sarili ko. Kung hindi ko pinatulan ang dalawang 'yon, tiyak ay hindi hahantong sa ganito.

"Ngayong nabuo na ang pamilya natin, hinding hindi ako makakapayag na tuluyan kang mawala, Rina." matigas kong bulong, patuloy pa rin ako naglalakad-takbo, wala na akog pakialam kung saan man ako dalhin. Basta ang mas importante sa akin sa ngayon ay ang kaligtasan niya!

Humakbang ako ng isa pero agad din ako natigilan nang may pumukaw ng aking atensyon. Mula sa aking kinalalagyan ngayon, natatanaw ko ang isang binatilyo na masayang nakikipag-usap sa mga kasing-edad niyang mga bisita---si Birley Stodge, ang lalaki at bunsong anak ng Bisconde at Biscondessa Stodge! Marahan kong ipinkit ang aking mga mata. Kahit na out of the blue itong paglapit ko sa kaniya, magbabakasakali ako. Lakas-loob akong lumapit sa kanila na mukhang natunugan din nila ako. Pero ako pa yata ang nagulat sa kanilang ginawa.

"Kamahalan! Prinsesa Rini!" malakas na bulalas ni Birley sa akin. Mabilis siyang lumapit sa akin, nakasunod naman sa kaniya ang mga kasamahan niya. Mas ikinagulat ko na nagbigay-pugay siya sa harap ko. "Ikinagagalak po namin kayo makita..."

Lihim ako napangiti sa ginawa niya. Noong iniligtas ko siya sa kamay ng mga dumukot sa kaniya, hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya. "Ikinagagalak ko ding makita ka, Birley..."

Umaliwalas ang kaniyang mukha sa aking sagot. "Kamahalan! N-ngayon lang po ako magkakaroon ng pagkakataon na magpasalamat sa inyo! Nasabi po sa akin nina ama, ina at ate Maria na iniligtas ninyo po ako mula sa mga dumukot sa akin! Sayang lang po dahil wala na po kayo nang ako'y nagising!" hindi ko matanto kung kinakabahan ba siya o naeexcite siya habang sinasabi niya 'yan. "Maraming salamat po sa pagligtas ninyo sa akin, Prinsesa Rini! Kaya po... Kinukulit ko po ang aking ama na gusto ko pong mag-ensayo upang maging magaling na kabalyero!"

"Oh... G-ganoon ba...?" hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na mahinang tinapik ang kaniyang ulo. "Alam kong magagawa mo ring maging magaling na kabalyero, Birley." natigilan ako nang may napagtanto ako. "Siya nga pala, nakita mo ba si Rina?"

Kahit siya ay natigilan. "Rina...? Ah! Si Prinsesa Rina po ba?"

Tumango ako. "Oo, kung nakita ninyo siya, maaari ninyo bang sabihin sa akin kung nasaan siya ngayon?" pero imposibleng makita nila ang kakambal ko kahit ang clairvoyance skills ko ay hindi rin siya mahagilap. Hayy, Rini... Ano ba kasi itong naiisip mo? Medyo natanga ka na yata ngayon?

"Ah! Nakita ko po si Prinsesa Rina papunta po sa direksyon na 'yon." biglang sabi ng isa sa mga kasamahan ni Birley. Agad din niya itinuro ang isang direksyon kung saan daw niya nakita ang aking kapatid.

Nawindang ako sa narinig kong sagot. Sinundan ko ng tingin ang direksyon na itinuro. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga kausap ko. "S-salamat..." wika ko, agad ko tinatahak ang daan na 'yon pero huminto ako saka lumingon sa kanila. "Kapag may pagkakataon, mag-uusap ulit ako, ha?" nagawa ko pang kumindat saka ipinagpatuloy ko ang aking paghahanap sa aking kakambal.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now