CHAPTER 18

1.2K 26 0
                                    

ZYLPHA POV

MAKULIMLIM na ang kalangitan habang naka-upo kami ni Xyz sa bench. Hinihintay namin si Xanthippe kung kailan ito darating, kanina pa kami naghihintay ni Xyz hanggang ngayon wala pa ito. Umuwi na lang ang mga teacher, wala pa rin si Xanthippe. Hindi naman niya sinabi kung anong oras niya kami susunduin, hindi rin siya nag-reply sa bawat text ni Xyz. Basta sabi niya, maghihintay na lang kami sa labas ng eskwelahan.

Oh, saan na ba siya kung ganun? Ilang oras ba kaming maghihintay ni Xyz dito?

Nababagot na ako sa kakahintay sa kanya, gusto ko ng umuwi para magpahinga. Medyo pagod pa ako sa ginawa ko kagabi or sadyang nanghihina na ang katawan ko dahil lumala na ito.

Hayst, huwag mo na yan isipin Zylpha, mas lalo kang hihina niyan.

Malakas akong napa buntong-hininga saka umangat ng tingin sa kalangitan. Bigla nalang pumasok sa isip ko si Thalassa. Ano na kaya ang ginagawa ni Thalassa ngayon? Okay lang kaya siya doon sa headquarter? Kaninang umaga, mukhang ayaw niyang umalis sa bahay ko pero kailangan kasi walang magbabantay sa kanya at baka hinanap siya ng mga kamag-anak niya. O dikaya, 'yong katagpo nila na sasakyan kagabi, pinapahanap siya at kung nahanap nila baka lusubin nila ang bahay ko para makuha siya.

Tangina, ayoko pa naman yan. Ayokong may pumasok na intruder sa bahay ko dahil trespassing yan. Okay, lang kay Xanthippe kasi kaibigan ko naman yan, pero yung hindi ko kaibigan. Aw, gulo talaga ang kinalabasan.

At saka, hindi rin siya pwede mag-stay sa bahay dahil may tinatago akong sikreto riyan, baka matuntun niya dahil nakukuryus siya sa akin o sa bahay baka galugarin niya ang buong bahay at mahanap niya ang mga tinatago ko.

Baka doon niya ma realize kung sino ako, kung sino ang pumatay sa papa niya. Syempre, mag iisip siya kung bakit may ganito ako, ganyan o ano pa man. At dahil sa iniisip niya, makabuo siya ng idea kung bakit may ganito ako at maisip niya na baka ako ang pumatay sa papa niya.

Hindi natin alam kung anong nasa utak ng mga bata, kaya dapat maging advance tayo kung alam natin na hindi makakabuti.

Hindi ko alam, baka mas matalino si Thalassa kaysa sa akin. Dapat maging alerto na rin.

Natauhan ako sa munting pagmumuni-muni ko ng magsalita si Xyz. Nagtataka ang mukha nitong tumingin sa akin na para bang ngayon lang niya napagtanto.

"Oo nga pala, nag co-commute kaba?"

Nagtataka rin ako sa tanong niya. "Bakit? Bakit na tanong mo yan?"

"Eh, kasi hindi ko na nakita ang sasakyan mo. At kung meron ka mang dala na sasakyan, sana umalis na lang tayo at sabihin na lang natin kay Xanthippe na magtagpo nalang tayo kung saan man tayo magkatagpo. Hindi kay, maghihintay tayo dito kung kailan siya darating, medyo na inis na ako sa kanya kasi, hindi bahay ko ang uuwian ko kundi bahay ng amo ko. Baka pag-uwi ko, papagalitan ako." sa mukha ni Xyz talagang na inis siya.

Magdadala na sana ako ng sasakyan ngayon, dahil kaya ko na mag drive. E, paano ba yan kung naghihintay na sa labas si sir Harrison para sabay na kami pupunta ng eskwelahan?

Kaya, ngayon wala akong dalang sasakyan at pinapa-una niya akong umuwi dahil may gagawin pa siya. So, ngayon, gusto niyang mag commute ako pauwi sa bahay ko.

Buti hindi ko sinabi sa kanya na gagala kami ni Xyz at Xanthippe ngayon. At ano naman ang paki-alam niya, Zylpha? Kailangan pa ba mag paalam sa kanya na gagala ka? Oh tapos anong kasunod?

Hayst, itigil mo na yan Zylpha. You promise yourself that will change m. Kahit anong gawin mo, wala talaga.

"Wala akong dalang sasakyan bhai, kasi pinapasakay lang ako ni sir sa kotse niya, dahil sa nangyari sa kamay kong hindi maka-drive." sagot ko ng hindi tumingin sa kanya.

THE RUTHLESS WOMAN (Student Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon