CHAPTER 11

2.1K 43 0
                                    

ZYLPHA POV 

TAHIMIK lang akong naka-upo dito sa front seat habang si sir Harrison ang nagmamaneho, hanggang ngayon ay wala pa ring sinabi si sir Harrison sa akin kung saan kami pupunta, basta kaninang madaling araw tinawagan niya ako para sabihin na maaga daw kami pupunta kaya ako naman ay tumalima na bumangon para maligo at magbihis. 

Simple lang ang suot ko, isang black cargo pants at grey t-shirt, samantala si sir Harrison ay naka tuxedo suit. Bihis na bihis, parang may meeting na sasalihan. 

Nagulat nga ako ng pumasok ako sa sasakyan niya ng makita siyang naka-tuxedo. Napa isip tuloy ako kung saan ba kami pupunta kung bakit bihis na bihis siya. 

"Bakit ang putla ng balat mo?" 

Napalingon ako kay sir Harrison ng bigla itong nag tanong. "Huh?" 

Patingin-tingin siya sa daan at sa akin. "You look so pale. Kung hindi ka naka lipstick ng slight, siguro maputla rin ang labi mo." 

Napansin niya ang pagiging maputla ko? "Talaga po ba, sir?" napatingin din ako sa sarili. Oo nga medyo nag-iba ang balat ko, tiningnan ko rin ang mukha ko sa salamin mas maputla ang mukha ko kaysa sa balat ko. "Hindi naman, huh." pagsisinungaling ko. 

"At saka, hindi lang yan." patuloy niya, "It seems like you're unintentional weight loss. Kumakain ka ba? Ba't namamayat ka?" 

"Pati ba naman yan sir napansin mo sa akin? At saka, ano bang klaseng tanong niya, of course, Kumakain kaya ako." sagot ko. Pero hindi nga lang sa tamang oras pero kumain ako ng limang beses sa isang araw. 

Kumunot ang noo niya. "Bakit namamayat ka?" 

I shrugged, "A dunno, hindi ko alam parang hindi naman ako namamayat." pagtanggi ko. Hangga't kaya mo pang magsinungaling Zylpha, gawin mo. White lies lang naman yan. 

"Parang may kakaiba na sa katawan mo." mahinang salita niya na hindi tumingin sa akin. 

Ang bilis naman niyang naka pansin sa akin. Ano, lumala na ba ito? Dahil namumutla na ang balat ko at namamayat na ako. Should I go to the doctor again? But I don't, I don't want to hear the result again. 

Tumahimik na lang ako tumingin sa bintana para pagmasdan ang mga paligid na dinaanan namin. Mula sa peripheral vision ko ay panay tingin si sir sa akin. Tila nagtataka siya sa biglaang pag-iba ng katawan ko. Hindi ko nalang siya pinansin at tinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa paligid. 

Hindi nagtagal ay medyo dahan-dahan ng huminto ang sasakyan ni sir Harrison sa isang malaki at mataas na building. "We're here." 

Sa halip na lumingon ako sa kanya, dali-dali kong binuksan ang bintana at kaunting sumilip sa labas. "Wow," napahanga ako sa taglay ng ganda at laki ng building na aming hinintuan ng sasakyan ngayon. Naramdaman ko nalang ang pag bukas at sara ng pinto mula sa tabi ko pero hindi ko binigyan pansin 'yon dahil na hanga pa rin ako sa taglay ng ganda ng building. "kaninong malaking building na ito?" kuryusidad kong tanong sa aking sarili. "Napaka laki naman." 

Nagulat na lang ako ng may bigla lumitaw sa harapan ko, si sir Harrison lang pala yun. Ang bilis naman niyang makalabas ng sasakyan. "Ayaw mo bang lumabas ng sasakyan?" 

"Saan tayo?" taka kong tanong sa kanya. 

"Basta, lumabas kana." pinag binuksan niya ako ng pinto. 

"Thank you," lumabas na ako ng sasakyan at paglabas ko ay may isang lalaki na dali-daling lumabas ng building pa takbo na sumalubong sa amin. 

Tila ka same height lang ito ni sir Harrison, pareho matangkad, maputi at gwapo. "Good morning, Mr. Raven." magalang na bati ng lalaki ng tuluyan itong makalapit sa amin. Pero distansiya lang siya mula sa amin at sa kanya. 

THE RUTHLESS WOMAN (Student Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum