CHAPTER 3

2.5K 64 0
                                    

ZYLPHA POV

NAGISING ang diwa ko dahil sa nakarinig ako na may lumagitik mula sa unang palapag. Hindi ko pa binuksan ang mga mata ko, kundi pinakinggan ko muna ang paligid ko at pina pakiramdaman ang buong bahay kung may kakaiba ba akong nararamdaman.

I felt someone entered my house without my consent. Maingat ang bawat hakba nito, parang wala kang maririnig na tunog paglumakad ito. At sa tingin ko ay, kabisado na nito ang buong bahay dahil nagtungo ito sa kusina. I think, may nilapag ito sa Island counter at hindi ko alam kung ano 'yon. Pagkatapos ay, umakyat ito sa hagdanan. Talagang hindi mo maririnig ang bawat hakba nito. I smell the intruder, malapit na ito sa kwarto ko. And I felt the intruders presence now.

Mabilis pa sa alas-kwarto na bumangon ako, kinuha ang baril sa ilalim ng unan, saka pumihit pababa ng kama at tinuhod ko ang isang tuhod sa sahig at tinutok ko ang kaliwang kamay sa taong pumasok ngayon sa kwarto ko.

"Oh! Bitch!" Sigaw ni Xanthippe ng makita niyang nakatutok ang baril ko sa kanya. "May balak ka bang barilin ako?!"

Awtomatik kong binaba ang baril na makitang si Xanthippe lang pala ang pumasok.

"Nakalimutan mo bang pupunta ako sa bahay mo?"

Malakas akong napabuntong-hininga saka tumayo sa pagka-luhod. "Sorry, nakalimutan ko. Hindi pumasok sa isipan ko."

Tuluyan na siyang pumasok sa kwarto ko. "Nakalimutan mo? Ikaw pa nga ang nag-aya, grabe ka."

"Kasi pumasok ka sa bahay na walang pahintulot. Alam mo naman kung gaano ako ka sensitive sa mga ganyang bagay."

"Kasi alam kung natutulog ka, hindi na kita aabalahin pa. Total, expert na akong pumasok sa bahay mo."

"Buti nalang hindi ko nakalabit ang gatilyo. Ede sana, nabaril na kita."

She shrugged nonchalantly, "Okay lang, hindi naman nangyari." sinuyod niya ang mga mata sa kabuuan ng katawan ko. "Bakit ang hilig mong mag ganyan? Magbihis ka nga, hindi ka sexy tignan."

Napatingin ako sa katawan ko. "Sexy kaya ako. Tignan mo." sabay liyad ng katawan ko para ipaharap sa kanya ang mayayaman kong dibdib. "At saka, ako lang naman mag-isa sa bahay. Wala naman dito sina mama at papa, at lalong wala kaming kasambahay. Kaya okay lang na ganito ako sa loob ng bahay. Bahay ko to e. Minsan nga, wala pa akong bra niyan."

Ningiwi niya ang bibig niya dahil sa sinabi ko. "Proud ka pa talagang ipaharap yan?" tingin niya sa mayayaman kong dibdib. "Mas malaki pa rin ang sa akin, kaysa sayo."

Ningiwi ko rin ang bibig ko. "Tsk! Kasi minamasahe mo." umalis ako sa harapan niya para kumuha ng robe dito sa kabinet.

Samantala siya ay umupo sa kama. "Ede, i massage mo rin ang sayo, para lumaki."

Sinuot ko na ang robe, "No thanks, nalang. Kontento na ako sa dibdib ko, at least may mahahawakan."

Tumawa si Xanthippe. "At least, na lang . Okay na 'yun kaysa wala diba?"

"Saktrue ka diyan." lumapit ako sa kanya. "Hindi ka na ba magbihis?"

Tumingin siya sa sarili niya, naka uniform pa ito. "Hindi na, marami pa naman akong uniform sa bahay."

"Okay," tumalikod na ako sa kanya. "kamusta naman ang pag-aaral mo sa AU? Wala bang nang bully?" tanong ko habang lumabas ng kwarto. Sumunod siya sa akin.

ALERIAN UNIVERSITY (AU)

"Wala naman. Okay lang."

"Talaga?" panigurado ko habang naglalakad kami patungo sa hagdanan.

THE RUTHLESS WOMAN (Student Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon