CHAPTER 17

1.6K 43 1
                                    

ZYLPHA POV

MATAPOS kaming mag dinner ni sir Harrison na magkasama ay umuwi narin siya sa sariling bahay niya dahil may gagawin pa siya ngayong gabi, samantala ako ay kakahiga ko palang sa kama. Iniisip ko ang nangyari kanina, habang kumakain kami, nagsalita siya tungkol kay Xyz.

Nagtanong siya kung bagong kaibigan ko ba daw si Xyz, kasi nakita raw niya si Xyz sa Masquerade Ball party doon sa mag-asawang Coronado. Nagulat nga ako sa biglaang sinabi niya, dahil paano niya nakita si Xyz kung magkasama kami buong gabi?

Siguro, noong magbihis si Xyz dahil hindi natuloy ang mission namin at nagkataon na nakita siya ni sir Harrison? I'm not really sure because he didn't say where he saw Xyz, as long as he saw Xyz.

Babangon na sana ako sa kama para tutungo ng banyo ng may tumunog sa cellphone ko, isang mensaheng tunog. Kunot-noo kung kinuha ang cellphone na nasa tabi ko lang at tiningnan kung sino ang nag text. Ang nasa isip ko ay si sir Harrison, baka nag text siya sa akin ng good night o ano pa man,  pero mali ako.

It was from my Chief.

Ang sakit talaga mag-akala.

From Chief:
Varrick Osaka, one of the most criminal people.

Oh a mission.

Tapos may bagong mensahe naman siyang pinadala, ngayon ay isang address kung saan ang target.

I sighed deeply, another mission, another to kill a person.

Matagal-tagal na ring akong hindi na bigyan ng mission simula noong hindi natuloy ang mission namin ni Xyz na patayin si Simon Weasley doon sa Masquerade Ball party at ngayon ay may bagong mission siyang binigay sa akin.

Walang alinlangan na bumangon ako saka tinungo ang banyo para maligo, dapat fresh pag may mission. Matapos akong maligo ay agad kong tinungo ang secret dressing room at inutusan si Jcc na buksan ang assassin outfit, kinuha ko ang isang set na assassin outfit at ang masquerade mask na lagi kung sinusuot pag may mission ako.

Sinuot ko na ang black venetian eye mask masquerade matapos kung suotin ang leather assassin jacket. Nakahanda narin ang lagi kong ginagamit na Dragunov SVD sniper gun, nakalagay ito ngayon sa suitcase. Nag suot din ako ng leather gloves para sa isa kong kamay. Okay na sana ito kung hindi ko lang hinampas sa mesa.

Shutangina rin kasi si Rane e, ba't kasi ginalit niya ako kanina e kasalan naman nila kung bakit sila naging ganun, at ako pa talaga ang hihingi ng tawad sa kanila?

Tsk. Sperm nila.

Matapos akong mag handa ay lumapit ako dito sa wall glass at bahagyang hinawi ang kurtina para sumilip at tingnan kung bukas pa ba ang kurtina ng kwarto ni sir Harrison. Bukas pero wala siya sa loob ng kwarto, marahil ay nasa labas siya ng kwarto o nag banyo. Sinara ko na ang kurtina saka pinatay ang ilaw, para paghinalaan niyang natutulog na ako, bago pa ako lumabas ng kwarto. 

Nasa garahe na ako ngayon at sumakay sa Kawasaki Ninja 250 motorbike. Ini-strat ko na ang engine ng motor saka binarurot na lumabas ng garahe. Malakas ang pagpapatakbo ng motor ko, dahil medyo malayo ang address na binigay ni Chief—kung saan ko papatayin ang target. Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa kinaroroonan ko, agad kung sinuot ang maliit na earpiece ng makahinto ako. "I'm here now the place where you sent me." anunsyo ko, saka bumaba sa motorbike at kinuha ang suitcase na nasa likuran ko.

"I see,"

Natigilan ako ng marinig ko ang familiar na boses mula sa earpiece. Hindi ito boses ng  chief ko, kundi boses ng anak ng chief ko

Si Xaxhine.

Anong ginagawa niya diyan? Saan ang chief?

"Are you shocked?" Tanong niya, siguro ng mapansin niyang natigilan ako dahil sa ibang boses.

THE RUTHLESS WOMAN (Student Series #1)Where stories live. Discover now