CHAPTER 16

1.7K 41 5
                                    

ZYLPHA POV

NAG-TEXT sa akin si sir Harrison matapos akong lumabas ng classroom dahil uwian na. Hindi ko siya pinansin kanina dahil lahat ng mga mata ng classmate ko ay grabe makatitig sa akin.

Hindi rin ako nagpahuli ng tayo dahil may mga matang nakabantay sa akin, talagang mapapansin mo na binabantayan ka pati na si sir Harrison na walang ka alam-alam, binabantayan na rin.

MyHusband
"Wait for me in the car."

Napangiti ako sa contact name na nilagay ko. 'MyHusband' instead of 'Sir Harrison'. Wala namang mali dun, hindi naman yan krimin, contact name lang naman yan.

At least, sa contact name husband ko siya. Kahit wala kaming relasyon sa totoong buhay.

Hindi ko siya ni replayan at pinasok ang cellphone sa loob ng bag, nakita ko si Xyz na kasama nito si Laura na naglalakad palabas ng eskwelahan. Isa sa mga gusto ni Xyz tungkol kay Laura ay ang pagiging mabait, maunawain at mapag paumanhin nito. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit naging matalik na kaibigan niya ito.

At sa mga kweninto niya sa akin tungkol sa kanya, talagang nakakagulat. Hindi mo inaasahan na ganun pala ang mga pamilya niya, maliban lang sa mama niya na isa sa mga 'list of dangerous member of International Illegal Enforcement Agency (IIEA)' noon, kaya siya naging agent din ngayon.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan ni sir Harrison, salamat na lang ay walang nakapansin sa akin kaya walang issue ang magaganap.

Kinuha ko ulit ang cellphone sa bag para tingnan ang messenger kung may chat na naman sa grupo namin na MA RI TES. Pag-open ko palang ay sunod-sunod na ang tunog nito, galing sa group chat at kay Xanthippe na ilang beses na ako tinawagan.

Bumungad kaagad sa akin ang mga pag-alala message ni Xanthippe, nalaman pala niya ang tungkol sa nangyari sa akin, kaya ilang beses din niya akong vinideo call. Siguro sinumbong ni Xyz kay Xanthippe ang nangyari sa akin dahil siguro sa sobrang pag-alala niya sa akin.

Chinat ko na lang siya na okay na ako, huwag na siya mag-alala, is just a short bleeding. Saka inopen ko din ang group chat at doon ko nalaman na doon pala sinabi ni Xyz kay Xanthippe.

Ilang minuto pa akong naghihintay kay sir Harrison hanggang sa nabagot ako. Wala akong ginawa kundi ang galawin na lang kung ano man ang nasa loob ng sasakyan niya, pero wala naman akong nakita kaya tinigil ko na. Napaka-linis sa loob ng sasakyan, huh, talagang walang nakalagay, naka-ipit kung ano-ano.

Hindi nagtagal ay nagsilabasan na ang mga teacher, mula sa hindi kalayuan ng sasakyan natanaw ko na si sir Harrison kasama nito si teacher Rechell na mukhang sumabay kay sir Harrison sa paglabas ng school.

May ngiti sa mga labi ni sir habang nag-uusap silang dalawa, masaya silang nagsama at nag katuwaan. Samantala ako dito ay na kukuryus kong anong pinag-uusapan nila kung bakit ganun na lang ang mga tawa nila.

Sana umuwi nalang ako, sana hindi ko na lang siya hinintay dito sa loob ng sasakyan niya, siguro nakahiga na ako sa kama ngayon. Kaysa naghihintay dito habang siya ay malawak ang ngiti kay teacher Rechell.

Inirapan ko sila at hindi ko na sila tiningnan, nainis ako sa kanila saka sakit nila sa mata, baka magka sore-eyes pa ako dahil sa kanila.

Halatang-halata na may gusto si teacher Rechell kay sir Harrison. Sa mga titig pa lang niya, sa mga haplos palang niya at sa ngiti palang niya talagang may gusto siya.

Sino naman ang hindi makagusto kay sir na sobrang gwapo niya, sobrang hot niya at sobrang sarap niya.

Bakit Zylpha? Natikman mo na ba si sir Harrison? Kung makapag sabi ka na sobrang sarap niya, parang may nangyari na sa inyong dalawa kahit wala naman.

THE RUTHLESS WOMAN (Student Series #1)Where stories live. Discover now