CHAPTER 13

1.5K 40 0
                                    

ZYLPHA POV

TAHIMIK lang ang byahe namin ni sir Harrison, wala sa aming dalawa ang magsalita matapos niyang i kwento ang tungkol sa buhay ni Shion. At ako naman ay, habang bumabyahe ang iniisip ko ay ang nangyari kanina. Ang ginawa ni sir Harrison kanina, ang sinabi na girlfriend niya ako.

Kay bilis lang sabihin para sa kanya ang mga salitang iyon na walang pahintulot sa akin. Bakit kaya niya ginawa yun? Para ipakita kay Shino? At ano naman ang dahilan niya kung bakit niya ginawa 'yon?

"Are you tired?" basag ni sir sa katahimikan ko.

Siguro napansin niyang sobrang tahimik ko kaya nagtanong siya ng ganyan. Lumingon ako sa kanya dahil nakahilig ang ulo ko sa hamba ng pinto ng sasakyan, "Yeah?"

"Sa sagot mo parang hindi ka sigurado." panay tingin siya sa akin.

Sir, kung alam mo lang kanina pa ako napapagod, gusto ko ng matulog ulit.

"Huwag kang mag-alala malapit na tayo," aniya.

Yeah, alam ko malapit na tayo.

"Gusto mo bang sa bahay ko na matulog? Since, wala kang kasama ngayon sa bahay mo, pwede ka sa bahay ko." pag presenta ni sir.

He's so kind to me.

Ganyan kaba talaga sir? Or sa akin ka lang ganyan?

Alin sa dalawa?

Masyado mo nang pinapalabas ang feelings mo sa akin.

Char, huwag kang assuming, Zylpha. Ikaw lang ang masasaktan.

Naalala ko kaagad si Xanthippe na ngayon ay nandoon sa bahay ko, kanina pa sila doon. Ano na kaya ang ginawa nila? Umuwi kaya sila o nagpatuloy sila sa panood ng movie?

Hindi ko alam, hindi ko pa tiningnan ang mensahe ni Xanthippe sa akin. Ano kaya ang minsahe niya?

"I'll try, sir. Xanthippe called me and she was now in my house with her friend."

"Oh," His lips turn into 'o', "What is she doing now?"

I shrugged, "I don't know? Siguro, nag movie marathon sila ngayon?"

"Hmm..." he hummed, "So, hindi ka ngayon makapunta sa bahay ko?" parang nagdadalawang isip niyang tanong.

I slowly nodded, "Parang ganun na nga, sir. Kailangan ko munang asikasuhin ang bisita ko," na walang pahintulot pumasok sa bahay ko.

Talagang akyat bahay 'tong si Xanthippe. Siguro kung magnanakaw siya, marami na siguro ang ninakaw niya, dahil hindi mo alam na pumasok na pala sa bahay mo dahil hindi mo maririnig ang mga hakba niya pati kilos niya.

Siguro ng umakyat ng palihim si Xanthippe ay umakyat rin si Xyz, dahil nakakandado ang Gate, hindi niya mabubuksan ng gate si Xyz. Damay-damay na. Alam ko na kung anong hitsura ni Xyz habang umakyat sa pader para lang makapasok sa loob, siguro grabe ang pag reklamo niya at the same time ay na konsensya, dahil krimen ang ginawa nila.

Ngayon, naka experience na siya kung paano umakyat sa hindi niya bahay.

Hindi nagtagal ay dahan-dahan ng hininto ni sir ang sasakyan niya dahil nandito na kami. He manoeuvred the car in front of his house. "Pwede sa amin ka na mag dinner?" pakiusap ni sir.

Naawa ako sa mukha niya dahil nagmamakaawa ang mga mata niya.

"Siguro, uuwi rin ang kaibigan mo mamaya kaya ikaw na ulit ang mag-isa." parang pinadama niya sa akin na nandyan siya, hindi ako nag-iisa at parang hindi niya hahayaan na malungkot ako.

THE RUTHLESS WOMAN (Student Series #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now