CHAPTER 8

1.8K 45 2
                                    

ZYLPHA POV

WALA AKONG maintindihan sa sinabi ni Xyz. Anong naging amo? Anong naging schoolmate namin? Siguro naintindihan ko pa na may mission siya at naka undercover siya. Pero yung sinabi niya na amo at schoolmate? Na, wala akong maintindihan.

"Enlighten me, Xyz."

She gulped, "Okay, " hinawakan niya ako sa braso at tila gusto niya akong ipaharap doon sa gawi nila ni Harrison. "You see Harrison, right?" simple niyang tanong sa akin, na ika tango ko. "From sir Harrison's line, right there at the end where Zander's wife Merryn," mula kay Harrison ay sinuyod ko ang tingin mula sa dulo. "next to Merryn is my boss." nangatla ang noo ko ng makita ko kung sino ang tinutukoy ni Xyz.

"He is my boss and our schoolmate. I am now undercover with him. I pretended to be his maid, but I was a working student. He was the only one left in his family because both his mother and father died, because someone killed them just because of something. That's why I became their maid."

"Chief wants me to be their maid, so that I can protect him. And be able to protect that one thing, which until now is still looking to kill his parents. It was as if he had that important thing. I don't know what kind of thing that is, as long as the Chief says I will protect him in all circumstances. Because he is the key."

Hindi ko alam pero nakaawang ang labi kong nakatingin sa isang lalaki na tila ka parehong edad lang namin ni Xyz. He is simple but I think he is clever. Hindi basta-basta patumbahin kung patalinuhay lang. At sa tingin ko, magaling ito sa business, magaling ito mag patakbo ng business.

"Undercover Agent, ganun?" mahina kong salita. Habang nakatingin doon sa amo ni Xyz na sumabay sa mga VIP.

Disente ang lalaking ito, tahimik at mukhang bihira lang yata makipag-usap. Ayon sa appearance at impact ng pagkatao nito.

She nodded. "Mmm... Yeah, naka undercover ako ngayon sa kanya."

"Classmate mo ba?" Tanong ko pa.

"Hindi, schoolmate." sagot niya.

Naisip ko para kaming tanga ni Xyz nakatayo dito habang nakatingin sa kanila. Para kaming batang naiinggit doon sa mga mayayaman.

"Alam ba niya?"

"Of course, hindi. Undercover nga e."

"Mahirap ba?"

Sa tingin ko nakuha niya ang tinutukoy ko.

"Hindi mahirap ang mission. Pero mahirap maging kasambahay. Pero okay lang, worth it naman, kasi gwapo naman ang amo ko."

I make a sound from my throat, sabay irap ng mata. "Hayst!" bitter na bitter ka talaga Zylpha.

Bumungisngis siya. Mukhang nawala ang gulat at kabang nararamdaman niya. "Hayaan mo na, minsan nga lang e."

Napa-tsked ako saka sumeryoso para matapos na ang mission na ito. "So, anong gagawin natin? Mukhang matagal pa siya diyan." sabi ko.

"Okay," sumeryuso rin siya. "maghahanda muna ako habang nandiyaan pa siya. Tawagan mo lang ako pag-umalis na siya." sabi niya sabay alis sa tabi ko.

I nodded in agreement. Siya ang magsisilbing sniper, samantala ako ay sundan si Simon kung saan ito pupunta. Umalis muna ako dito at nagtungo sa restroom para ihanda ang baril. Kinuha ko ang isang baril mula sa hita ko saka nilagyan ng silencer, sunod ang isa pang baril na nilagyan ko rin. Para mamaya kung sakaling ma bulyaso si Xyz at hindi niya matamaan si Simon, ako ang magiging plan B.

Pag balik ko dito kung saan ako nakatayo kanina, nakita ko na wala na si Simon sa kanyang kinauupuan kasama na doon si Harrison.

Saan nagpunta ang dalawa?

THE RUTHLESS WOMAN (Student Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon