Chapter Twelve

Magsimula sa umpisa
                                    

Napatango nalang ako sa kanya bago umalis. I checked my phone on my down the stairs.

Ashen Jayus Aphelion: I'm not stalking your account by the way. Nakita ko lang sa GC. Hindi naman kasi tayo friends

Lumapad pa lalo ang ngiti ko at bahagyang napatawa.

Aria Solace: Hindi ko alam na nagso-social media ka rin pala. Gusto mo magfriend request ako sayo?

He instantly replied.

Ashen Jayus Aphelion: Ako na

I started locking the windows and doors of the house before getting my shoes and shoulder bag. Mabuti nalang at nasa states ngayon sina mama at papa para sa kanilang business partnership roon. They say they will be back after a week or two so it's going to be a while for me to be in charge of everything in the house. Hindi naman na bago sakin. Kapag wala sila, I usually snatch this time to work on the resto late, or spend time with Rhysand, or go to cinemas.

Hindi naman sa sinasaway ko sila--It's just that I often miss doing these things. I miss being outside.

I could never do this if they are here. Hindi ako pwedeng magpagabi unless may permiso nila. If I got home late, I would most likely spend the night in the garage. Kapag lalabas naman kami, parating sa mga private buildings lang, and never on crowded places. Kaya parati kong kinukuha ko ang pagkakataong ito kung meron.

"Mag-ingat ka, hija... Text mo ako mamaya kapag pauwi ka na, ha?" Bilin ni Manang Liz, my younger sister's nurse. Siya 'yung in-charge sa pagbabantay kay Dian ngayon.

"Salamat po, Manang. Text mo ako kapag may kailangan ka or may ipapabili. Also, make sure that Dian will take her medicine every 4 hours..." Tumango-tango na siya bago ko pa man matapos ang sasabihin. She handed me my bag and umbrella.

"Naku, saulado ko na 'yan no!" Usal niya at napangiti. "Sige na, sulitan mo na ito. Sabihin mo nalang sa best friend mo na ihatid ka dito bago pa man sumikat ang araw... Baka kasi tumawag na ang mama mo sa mga ganung oras at hanapin ka." Aniya.

I bit my lip. "H-Hindi po ako pupunta kina Rhysand ngayon..."

Nagtaas siya ng kilay. "Ha? Kung ganun sinong kasama mong lumabas?"

Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat at napahawak ng mahigpit sa sling. "Kaibigan ko po. Sasamahan ko po siyang... Uhm, tumugtog."

Nanlaki naman ang mga mata niya at biglaang napatili. Tinampal niya ako sa balikat.

"Ineng! Tumutugtog? Lalaki ba 'yan? Naku! Ba't hindi ko pa 'yan nakikita, ha?" She folded her arms and looked at me suspiciously. Lumapad pa ang ngisi niya. "Sabihin mo nga, sino ang mas magandang lalaki sa kanila ni Rhysand?"

"Manang..." Naiilang kong tawag. "Manonood lang naman ako."

"Oh? Basta siguraduhin mong hindi date 'yan, ah? Alam mo namang bawal ka pang magpaligaw..." Bilin niya. "...kahit na nasa tamang edad."

I smiled before giving her kiss on the cheek. "Alis na po ako, Manang. Call me if anything happens." I told her then head the gate.

Kumaway ako sa kanya sa huling pagkakataon bago tuluyang lumabas.

I'm glad that Manang Liz allows me to do this. Hindi rin niya sinasabi sa mga magulang ko ang ginagawa kong ito dahil naiintindihan naman daw niya. As long as I'm careful and I'm not doing anything wrong, it's fine with her. Pero kailangan ko pa rin siyang i-update sa tuwing lumalabas ako from time to time.

I opened my phone on my to the highway. Agad kong nakita ang friend request sa akin ni Ashen doon at ang mga bagong messages mula sa kanya.

Ashen Jayus Aphelion: Just sent my friend request, paki-accept po

Platonic Hearts (Compass Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon