Chapter sixteen

51 6 0
                                    

FOR BETTER IMAGINATION CHECK THE PHOTO ABOVE. THANKS!

Days quickly passed as if it was in chase. Hindi ko na nga namalayan na malapit na naman pa lang magtapos ang buwan. It's just 2 days away from it. Anong ginagawa ko tuwing weekends? Syempre rumaraket. Dahil doon ay kumita ako kahit papaano at nakabili ng lipstick.

Today, Finn and I went to church. Sinundo n'ya ako kanina sa skatepark kaya dumaan kami sa simbahan. Lumuhod ako at nagdasal kahit hindi ko naman talaga ginagawa 'yon. I closed my eyes and pretended to pray when I felt something on my ear.

"Dito kita pakakasalan, Veen." Napaubo ako bigla at napamulat. Nang lumingon ako kay Finn ay nakita kong sobrang lapit na ng mukha n'ya sa akin. Hindi sinasadyang naitulak ko s'ya at umupo ulit kahit hindi pa tapos ang Communion.

"Huwag mo akong piliting makagawa ng kasalanan," bulong ko nang umupo rin s'ya sa tabi ko. "Nasa simbahan tayo."

He chuckled.

"Sorry."

Hanggang sa matapos at makalabas kami sa simbahan. Hinawakan n'ya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga ito.

"Anong gusto mong kainin?"

"Gusto ko sa Jerry's, bakit?" Napakamot s'ya ng ulo.

"Hanggang barbecue lang afford ko eh." He even flashed an awkward smile. Parang nagpapacute pa. Inirapan ko lang s'ya. "Barbecue na lang, Aveen. Masarap naman 'yon. Favorite mo nga 'yon, di ba?"

S'ya lang naman ang may favorite no'n. Nagkataon lang na nakita n'ya ako sa gilid ng ihawan at nilibre nga, nanakawan naman. Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to.

Dahil na rin sa pagpupumilit n'ya ay pumayag na rin ako. Ano pa nga bang magagawa ko eh kahit pa iba ang gusto ko ay hindi n'ya rin naman maibibigay.

"Di ba, masarap? Manang, pahingi pa ng dalawa. Sarapan mo ha. Para 'yan sa prinsesa ko." Natawa na lang sa kanya ang nag-iihaw. Kahit pa busog na ako ay pinilit ko pa ring ubusin ang binili n'ya. Sayang naman kasi. After we ate, we stroll around the tiangge, passing through the colorful stalls of clothes and shoes. May mga nadaanan din kaming accessories at kung ano anong mga pangcouple things. I scanned the clips, ponytails, head bands na nakita ko. Hindi naman ako mahilig sa ganito pero mukhang maganda. Kumuha ako ng isang golden clip at sinubukan ko sa buhok ko.

"Fifty lang 'yan, miss," sabi n'ya sa akin. Tumingin ako salamin at nakitang bumagay naman sa mahaba kong buhok. Ibinalik ko rin 'yon at ngumiti lang sa kanya. Sa katapat na tindahan ay nakita ko si Finn na may tinitignang mga bracelet. Iyon bang nasusulatan ng pangalan.

Hindi ko na s'ya pinansin pa at lumipat sa kabilang stall nang may humarang sa akin. My questioning gaze raised at the man, probably in the same age as ours.

"Miss, tanod ako." Ipinakita n'ya ang suot n'yang vest na pangtanod na hindi naman fit sa kanya.

"Bakit?"

"Kailangan lang naming ilista ang mga pangalan ng mga pumupunta rito sa tiangge." Nanliit ang mga mata ko.

"Ah, okay."

Wala akong naintindihan. Lalagpasan ko na ulit sana s'ya nang bigla na naman n'yang harangan ang daan ko.

"May problema ba?" Tanong ko. Inilabas n'ya ang maliit n'yang notebook at ballpen.

"Pakisabi na lang ho ng pangalan at ng number."

"Ha?"

"Pangalan n'yo ho saka number." Nangingiti na s'ya habang naghihintay ng sagot ko.

"Bakit ko sasa—"

"Finn." Finn suddenly appeared on my side. "Finn Vernon ang pangalan ko."

Matapos ay inakbayan n'ya ako at hinapit palapit sa kanya.

Catmint Series 2: Engr. Finn David VernonWhere stories live. Discover now