Chapter thirty six

38 5 0
                                    

"Who's your favorite, daddy or attorney?"

Napahinto ako sa akmang pagpasok ng kwarto nang marinig ang usapan nila mula sa labas. I just went to the kitchen to make some milk tapos pagbalik ko, ganitong tanungan na ang mga naririnig ko.

"Uh... That's difficult, daddy."

"Choose one only."

"Uh... attorney...?" I chuckled with Malia's answer. Sa tono pa lang ng pagsagot n'ya ay parang nagpapacute na s'ya para hindi mapagalitan.

"What?!" Finn's voice raised. "So you're choosing him over me? Tampo na ako."

"Just kidding, daddy!" Malia laughed. "You are my favorite person same as mommy. I love you both."

"Totoo ba 'yan? Baka niloloko mo lang ang daddy, ah."

"Mamatay man ang mumu, daddy."

"Stop that and just drink your milk," saad ko pagpasok ko sa loob. Pareho silang umayos ng higa nang makita ako. I walked towards the bed to give her the milk.

Kapwa namin pinagmasdan na ubusin ni Malia ang gatas n'ya. Tinaob n'ya pa 'yon nang wala ng laman. I rewarded her with a kiss on the head before sitting on the other side of the bed.

"Matulog ka na, mahal ko," Finn said.

"Not yet, daddy. I'm still gonna read something," she replied, before turning to me. "Mommy, can you lend the bible please?"

"Okay."

Inabot ko muna sa side table ang bible bago binigay 'yon sa kanya. She smiled sweetly at me before opening the page where we left unread yesterday. Hindi naman na umangal pa si Finn at hinayaan na lang ang anak naming magbasa. He remained quiet but I could see his tearing eye. Maya't maya rin ang halik n'ya sa buhok ni Malia habang nakikinig at paminsan-minsan s'yang sinasagot kapag hindi n'ya alam kung paano 'yon basahin. When Malia yawned, that was the sign that it's time for her to sleep. Kinuha ko na mula sa kanya ang bible para makahiga na s'ya nang maayos.

"Goodnight, mommy. Goodnight, daddy." Pareho namin s'yang ginawaran ng halik sa noo bago s'ya pumikit. Hindi rin naman nagtagal ay tulog na s'ya, maging ako rin na dala siguro ng pagod.

I just woke up when I heard some whispering voices outside. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata para tignan ang mga katabi ko ngunit wala na akong nadatnan. The sheets were empty and disheveled. I lifted myself to sit up on the bed. Sinapo ko ang noo ko bago tumayo at nagligpit ng pinaghigaan namin. When I was done smoothening the creases off, I went outside only to find my daughter and her dad, cooking in the kitchen.

"Wow, what's that?"

Sabay silang lumingon nang marinig ang boses ko. Malia had a surprise look on her face when she saw me.

"Wala na, gising na s'ya," rinig kong saad n'ya habang nakanguso. I just chuckled and shook my head before going in the bathroom to wash my face.

"Kamusta ang tulog mo?" Tanong ni Finn pagkalabas ko. Nasa sala na si Malia ngayon, nanonood ng tv.

"Maayos naman," sagot ko sabay iwas ng tingin. "Ikaw? Did you sleep well? Hindi ka ba nakagat ng lamok?"

"I didn't."

A small smile formed across his lips. Kumunot naman ang noo ko. Binato ko s'ya nang nagtatanong na tingin ngunit hindi n'ya ako pinansin at tinalikuran lang.

After we ate our breakfast ay sabay-sabay na rin kaming umalis. Iiwan ko na lang muna si Malia kay Janna dahil ayaw ko muna s'yang ipadala kay Finn at baka magalit si Beatriz. Mahirap na't baka matakot ang bata sa kanya.

Catmint Series 2: Engr. Finn David VernonDove le storie prendono vita. Scoprilo ora