Chapter thirty nine

39 6 0
                                    

"Wala na s'ya. Hindi kinaya ng katawan."

A small smile formed across his lips as he looked ahead. The sadness on his eyes didn't escape mine.

"Kung hindi dahil kay tita, hindi ako magiging engineer. She helped me a lot and I owe it to her."

"She must be a great person," I commented.

We remained sitting on the blanket. Madilim na ang langit dahil lumitaw na ang mga buwan at bituin. Malia was playing with the cute dandelions. Pinipitas n'ya 'yon at sinusubukang hipan. Hindi naman gaanong madilim dito kasi may mga fairy lights sa paligid. Isa pa, maliwanag din ang ilaw ng bahay kaya tumatagos hanggang dito.

"She is," he agreed. "I wish you could meet her."

"Will she even like me?" I chuckled. "Hindi ako marunong mambola. Baka ayawan n'ya ako."

"Wala namang hindi kagusto-gusto sa 'yo, Aveen." Nabura ang ngiti sa labi ko nang marinig ang seryoso n'yang boses. "You can slay on your own."

Hindi na lang ako sumagot at tumingala na lang sa langit. The sky was already filled with glimmering stars above. Hanggang sa maya maya pa ay may liwanag na nagliliparan sa ere. I called Malia to come closer to me and she did. Nanlaki ang mga mata n'ya nang makita ang mga alitaptap na mas lalong nagpapaliwanag sa gabi.

"Wow..." Her eyes never ran out of expression. Kitang-kita ang pagkamangha sa mga mata n'ya na parang gandang-ganda s'ya roon. I chuckled. She tried to reach them but she couldn't because she's still small. Kaya binuhat ko na lang s'ya at bahagya pang lumakad ng ilang hakbang para naman mahawakan n'ya sila.

"You know what? You look like them," I said, kissing her cheek. "Mama once a dim and lifeless night. But you light me up when you came."

"I love you, mommy," she said which brought a smile on my lips.

"I love you more."

We're on the same position when a dazzling flash hit my back. Tumalikod ako para tignan 'yon at nakita si Finn na kumukuha ng picture. Kaagad din naman n'ya 'yong tinago at nagkunwaring walang nangyari.

Dahil lumalalim na ang gabi at mahamog na ay pumasok na kami sa loob. We need to go home so we could rest our tired bodies.

"Sandali, magbabanyo lang ako," paalam ni Finn at sandali kaming iniwan. Hindi na bumaba si Malia sa bisig ko at pumikit na. Busog naman na s'ya kaya pwede na rin s'yang matulog.

"Sino ka?!"

I was combing her hair with my fingers when I heard that voice. Nagulat ako't halos mapatalon kung hindi lang kaagad ako nakabawi. Nag-angat ako ng tingin upang tignan kung sino 'yon. Bumungad sa akin ang isang babaeng ang kilay ay mataas at kulot ang buhok. Wait... She looks familiar. Saan ko nga ba s'ya nakita?

"Paano ka nakapasok dito?! Sinong kasama mo?!"

"Sinong kausap mo, honey?" Sunod namang lumitaw ang isang lalaking sa tingin ko ay kasing tanda ng papa ni Finn. He was pocketing the box of cigarette when he entered. Sandali s'yang napatingin sa babae bago iyon nalipat sa akin. His eyes squinted. "Teka... Parang namumukhaan kita?"

"A-ah, good evening?" I awkwardly greeted before standing up.

"Sino ka at bakit ka narito sa pamamahay ng ate ko?"

"Tiyang Bernadette?" I was about to reply when Finn showed up. He was wiping his hands when he faced them. Mukhang nagulat s'ya doon. Wait... Bernadette? Where did I hear that name again?

"Finn? Nandito ka?"

"Oo. Hindi ko alam na pupunta pala kayo," sagot n'ya.

"May naiwan kaming gamit dito. Kukunin lang sana namin."

Catmint Series 2: Engr. Finn David VernonWhere stories live. Discover now