Chapter three

59 8 0
                                    

My life isn't easy to live. Palagi kong tinatanong ang sarili ko kung bakit pa ako nabuhay eh, ang hirap hirap lang din naman ng mga pinagdaraanan ko. Not even my friends know what I've been going through everyday. What mask should I wear each time I'd face people. Minsan nakakapagod din pero wala naman akong magagawa kundi ang magpatuloy. Kasi kung susuko ako, ano na lang ang mangyayari sa akin?

"Hey."

Tumaas ang tingin ko kay Keere nang umupo s'ya sa tabi ko sa may open space. I wasn't expecting that he will show up here. Anong oras pa lang kasi. Napakaaga pa para sa class. Tinanguan ko s'ya bago nagpatuloy sa pagfiflip ng magazine na tinitignan ko.

"Who's that?" Keere asked, getting his notebook from his bag. "'Yong sikat na model?"

"Oo, bakit?" Sagot ko. "Type mo?"

"No," he replied. "You are also checking on her last week."

"Stalker ba kita?" Tinaasan ko s'ya ng kilay. He rolled his eyes.

"Ang tino mo kausap."

"Salamat."

"Nasaan si Dashana?" Nilingon ko s'ya kaagad dahil sa narinig.

"Bakit mo hinahanap?" May pang-iintrigang tanong ko. That made him stop.

"What?" He asked, furrowing his brows. "Bakit? Bawal ba?"

Tinignan ko s'ya nang kakaiba para lalong asarin. He was all serious. 'Di man lang ako ngingitian.

"Bakit parang asar ka?" Tanong ko. "Nagtatanong nang maayos eh."

"You are obviously implying something," he tsked. "Ang issue mo."

"Wow!" napahawak ako sa dibdib ko. "Wala naman akong sinasabi bakit ka assuming?"

"Gusto mo ba nito?" Pinakita n'ya sa akin ang kamao n'ya. I laughed. Pareho na sila ni Dasha na pikon.

I was about to tease him more when my watch rang. Oras na ng klase.

"Una na ko," saad ko sa kanya sabay tayo mula sa damuhan. Pinagpag ko ang damit ko bago s'ya iniwan doon.

Pagpasok na pagpasok ko, si Pear na naman ang bumungad sa akin. Nakataas ang kilay n'ya. Medyo matagal-tagal pa akong mamalas-malasin na makita ang pagmumukha ng babaeng 'to.

"Oh, there she is," bulong n'ya sa katabi n'ya pero rinig na rinig ko. "I never thought she will also make landi to her LegMa friend. Gross."

"Pinagsasabi mo, Pear?" umupo ako sa upuan ko at nilapag ang bag ko. "Wala ka na naman bang magawa?"

"Duh, baka ikaw. Kung sino-sino ang nilalandi mo. Pati kaibigan mo."

"Kapag inggit, pikit." Kinuha ko ang phone ko at nag-scroll. Simula nang maging kaklase ko si Pear, hindi na talaga s'ya naubusan ng sasabihin sa akin maging kay Dasha. Hindi ko alam kung bakit galit na galit s'ya sa amin.

"Kapag nabuntis ka, tatawanan lang kita," dagdag pa n'ya. "Maharot ka kasi."

"E 'di tawa well."

Nagdiscuss ang prof namin pagtapos at nagpa-reportings. Paglipas ng lunch break, dumiretso ako sa likuran ng school para sana doon magpahangin nang may matanaw ako sa 'di kalayuan. Nagtago ako sa likod ng mataas na puno para hindi nila ako makita kung sakali man.

I bit my lower lip when I saw a familiar face of a woman.

"A-ah. B-bilisan mo please."

Gusto kong tumawa sa mga oras na 'yon habang kinukuhaan ko sila ng video. Patirik-tirik pa ang mata n'ya habang enjoy na enjoy. I grinned. Hindi ako pinanganak na santo, Pear. Ngayon, sinong mas malandi sa atin?

Catmint Series 2: Engr. Finn David VernonWhere stories live. Discover now