Chapter twenty seven

54 6 0
                                    

I have been into the company for two months now. Parang kailan lang noong ipasok ako roon ni Ferial. Gano'n pa rin naman ang trabaho ko at dahil doon, natututo akong makihalubilo. Mayroon na akong mga nakakausap at minsan ay isinasama na nila ako sa mga lunch nila. May mga pagkakataon na kailangan kong humindi dahil magtatampo sa akin sina Ferial, at minsan sinasadya ko talaga dahil ayaw kong makasama si Valerie sa table.

Mahirap dahil hindi lang ako basta taga-photocopy at taga-stapler. Pumupunta rin ako sa ibang mga department para lang humingi ng files na kailangan sa pag-eencode ng mga bagong produkto. Nakakapagod man ngunit lagi kong iniisip si Malia.

Today's different. Sumweldo na ako kaya sobrang saya ko pag-uwi ko ng bahay.

"Mommy!"

Mabilis kong hinapit si Malia at niyakap nang mahigpit na s'yang nagtatatalon sa kama.

"Mommy got her salary again!" I announced happily, making her jump in glee. Pinakita ko sa kanya ang brown envelope. "What are we gonna do?"

"Save money!" she exclaimed. Tumalon s'ya pababa ng kama at may kinuha sa cabinet namin. I laughed, sat on the floor and waited for her. Inilapag naman n'ya sa kama ang tatlong garapon na may iba't ibang pangalan.

"Come here." I tapped my crossed legs for her to sit there. Agad naman n'ya 'yong ginawa at inupuan. "Okay, what's the first one?"

"Malia's schooling!" I chuckled and gave her the money. inilagay n'ya iyon sa unang garapon na may laman na rin.

"Next?"

"Travel!"

"Where do you want to?"

"Korea!"

"Wow, koreana ka na?" I asked, giggling.

"Tita Dasha showed me some Korean places! The jeju island, mommy? That's cool! And I want to try wearing the hanbok!"

I laughed at her reaction while she's innocently looking at me. Sinuklay ko ang buhok n'ya gamit ang daliri ko habang pinapakinggan s'ya.

"Okay, that's why we need to save money so we can go to jeju island. Kaya dapat bawasan na ang pag-kain mo ng matamis para makaipon tayo ng marami."

"But mommy..."

"You choose one, Malia. Korea or sweets?" She frowned.

"Korea," mahinang sagot n'ya dahilan para halikan ko s'ya. Halatang napipilitan pa, eh.

"Last?"

"Emergency savings." Binigyan ko ulit s'ya ng pera para ilagay sa loob ng garapon.

"Where's your piggy back? Lagyan din natin. I have here some coins."

Saglit s'yang umalis para kunin ang pink n'yang piggy bank bago umupo ulit sa hita ko. Inilapag ko sa kama ang forty pesos ko na coins na sukli noong nag-grocery ako.

Malia started counting while shooting the coins inside. Inamoy ko ang buhok n'ya habang ginagawa n'ya 'yon. Kapag sumasahod ako, ganito ang ginagawa namin. Gusto kong matuto s'yang mag-ipon para naman kapag may gusto s'yang mabili ay mabibili n'ya 'yon. Lalo pa't mahilig s'yang kumain ng kung anong makikita n'yang mukhang masarap. Eh minsan, mahal. Nakakakonsensya rin kapag makikita mo ang anak mo na nagtatampo sa 'yo kasi hindi mo mabili ang pagkaing gusto n'ya dahil nga wala pang pera. That's why, we're saving money for that.

"What will you gonna do with your savings?"

"You like photography right, mommy?" Tumango naman ako.

"What about that?" Kunot ang noong tanong.

Catmint Series 2: Engr. Finn David VernonWhere stories live. Discover now