Chapter thirty

34 5 0
                                    

"I will just take a bus."

He halted from walking and turned to me. Napatigil din ako nang tignan n'ya ako.

"I will drive you home," he said seriously before walking again. Sumunod din naman ako nang hindi makapalag. Nanatili ako sa likod n'ya. Hindi ko gustong makipagsabayan sa kanya dahil ang awkward no'n ag paniguradong masisiraan na naman ako ng bait. Hindi na ako sumagot at hinigpitan na lang ang kapit sa pouch ko nang muli na naman s'yang huminto.

"Will you please walk beside me, Aveen?" Naiinis na tanong n'ya. "Mamaya, may kung sinong kumuha sayo riyan. And please..." His voice trailed off as he looked at me from head to toes.

Humugot s'ya ng malalim na hininga at lumakad palapit sa akin. Nang sakto na ang distansya sa pagitan namin ay tinanggal naman n'ya ang blazer na suot. His next move almost made my heart jumped. He encircled the blazer around my back and fixed it. Nanlaki ang mga mata kong nag-angat ng tingin sa kanya.

"Cover your back," he said. "Ang hilig-hilig mo talaga sa kinakapos ang tela na damit. Tapos tuwing gabi mo pa sinusuot. Gusto mo ba talagang mapuno ng lamig 'yang katawan mo?"

Parang malalagutan ako ng hininga nang mapagtantong sobrang lapit ng mukha n'ya sa akin. I want to punch myself for overreacting. Simpleng pagbibigay lang ng jacket na dati naman n'yang ginagawa ay parang tambol na ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog. Hindi ko na alam kung ano nang nangyayari sa akin.

"Maganda ka na, Aveen. Hindi mo na kailangan pang magsuot ng ganyan dahil baka mas lalo lang mabaliw ang makakita sayo."

"b-but there's nothing wrong with my out—" Ginulo n'ya ang buhok n'ya at kaagad na napaatras.

"It's not about the outfit, Aveen!" I was startled when his voice slightly raised. "Tungkol 'yon sa...."

My brows furrowed.

"Sa?"

"Sa..." Napaiwas s'ya ng tingin, mukhang nahihiya. I could also see some tinge of redness on his cheek.

"Finn, ano?" Parang nagkaroon ako ng lakas ng loob at diretsahan s'yang tinanong.

"Sa kagandahan mo!" natahimik na naman ako. Napatingala s'ya at napapikit. He stayed like that for a moment before he opened his eyes again.

"Let's go. It's getting late."

Nauna na naman s'yang maglakad at iniwan ako. Natulala lang ako at sandaling hindi nakasunod, tila pinoproseso pa ng utak ko ang mga sinabi n'ya. When he probably noticed that I wasn't following, he turned to me again.

"Aveen!"

Doon lang ako natauhan at napailing na lang sa sarili ko. Tahimik lang ako habang nasa loob ng sasakyan ni Finn. I let the music addressed the silence.

"Where were you the past few years that I was gone?" Tanong n'ya. I looked at him sideways while he was focusing on the road. "I tried asking your whereabouts to our friends pero wala ni isa sa kanila ang sinagot ako nang maayos. Lahat puro kagaguhan. Lalo na 'yang Dramos na 'yan. Sarap iumpog."

I bit my lower lip.

"Why were you asking about me?" Kaswal na tanong ko kahit marami ng konklusyon ang umiikot sa utak ko.

"I just... Wanna know," he replied. "Gusto kong malaman kung nasaan ka na o kung anong ginagawa mo."

"H-how? I mean, we already ended our relationship. Why are you still concern about me?"

"Relasyon lang natin ang natapos, Aveen," may diing sagot n'ya. "Pero hindi ang pagkakaibigan natin."

"We can't be friends. That's weird," I whispered. "We had a thing back then. It will forever be etched in our minds and it will complicate things if we remain friends after that."

Catmint Series 2: Engr. Finn David VernonWhere stories live. Discover now