Chapter thirty two

56 5 0
                                    

"To our now engaged friends! Cheers!"

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas upang tumayo pa rin ng tuwid at ngumiti sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. I still even had the guts to hold the wine glass and raised it.

"Aveen," Dramos called my name. Kagaya ko ay mukhang hindi rin sila makapaniwala sa nakita. Wala naman sa aming may alam na magpopropose s'ya sa harapan ng lahat... At kay Beatriz pa.

Beatriz, the woman who happened to be my classmate and Fe's best friend. We're not in good terms, Finn knows that. This is the twist I never predicted. Hindi ko lubos maisip kung paano sila nagkasama at kung paanong silang dalawa ngayon ay... Ikakasal na.

"O-okay lang, ano ba?" I forced a smile but they didn't seem convince with it.

"Veen, gusto mo bang umuwi na tayo?" Nag-aalalang tanong ni Dasha. "Uwi na tayo." Umiling ako.

"Ayos lang, Dasha. Ayos lang naman ako. K-kaya ko pa." Sana nga kaya ko pa. Sana kayanin ko.

"Sigurado ka ba?" Ayaw ring maniwala ni Faber. "Pwede naman kitang ihatid."

"Okay lang, Fab. Salamat. I-I think, I just need to excuse myself. Magpapahangin lang ako saglit."

Hindi ko na hinintay na makasagot pa sila at mabilis nang kinuha ang purse ko na nasa table at naglakad palayo. However, before I could successfully exit, Finn blocked my way.

"Where are you going?" Tanong n'ya habang may hawak na wine. Nakapagpalit na rin s'ya. He's already wearing a formal attire. Umangat ang tingin ko sa kanya bago 'yon inilihis sa iba.

"R-restroom."

"Babalik ka pa ba?"

"Wala naman nang babalikan," wala sa sariling sagot ko kaya natahimik s'ya. Huli na nang mapagtanto ko ang sinabi ko ngunit wala na akong pake. "Wala naman na, di ba?"

When I heard no response, I already excused myself. Paglabas ko pa lang ay napahawak na ako sa dibdib ko at nagsimula na namang bumuhos ang emosyon mula sa aking mga mata.

"Ang tanga-tanga mo, Aveen," I whispered. "Ang tanga-tanga mo para umasa. Hinalikan ka lang, akala mo mahal ka na? Ano bang klaseng utak mayroon ka?"

"Aveen!" I flinched when I felt Finn touched my arm. Mabilis akong lumayo sa kanya.

"Don't touch me or else I might get a wrong idea again." Saglit akong tumalikod para punasan ang luha ko sa mga mata bago humarap sa kanya. "Bakit ka nandito? Dapat nasa loob ka di ba? Kasama... K-kasama ang mapapangasawa mo?"

"B-bakit mo pa ako sinundan? Teka, baka nag-aassume na naman ako?" I chuckled bitterly. "Pumasok ka na sa loob. Sige na—"

"Nasasaktan ka ba?" Mahinang tanong n'ya. "Nasasaktan ba kita?"

"No," I lied. Oo, nasasaktan ako, Finn. Sobrang masakit makita kang magmahal ng iba gayong hinintay kita. "Anong karapatan kong masaktan? I'm not hurt. Not at all."

"Good," he said. "There's no reason for you to be hurt."

No reason? Fuck, there is of course! Mahal kita, 'yon ang rason! Tangina, hindi ba halata?!

"I know. Thanks. I'll go now." Pinanood na lang n'ya akong tumalikod at lumakad palayo sa kanya.

"Aveen," he whispered but still reached my ears. Ano na naman ang sasabihin mo, Finn?

"Ingat."

Mapait akong napangiti. Of course he won't ask me to stay. Who am I to stay? Sa buhay n'ya, may iba na s'yang gustong manatili at hindi ako 'yon. Hindi na ako 'yon. Tears never stop from falling even when I reached Keere's car in the parking. Sumakay ako roon na ikinagulat n'ya.

Catmint Series 2: Engr. Finn David VernonNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ