Chapter forty four

71 5 0
                                    

Listen to the audio above for more feels. XD




"I-I'm sorry," Ferial apologize, gulping.

Naglipat-lipat ang tingin n'ya sa amin ni Finn na parang naguguluhan.

"Fe—"

"I'm going. I'm sorry again."

Tumalikod na s'ya at umalis. Sandali akong napatingin kay Finn na s'yang nakasandal sa pader at nakayuko lang. Hindi rin naman nagtagal ang tingin ko sa kanya at agad na sinundan si Fe na s'yang naghihintay na magbukas ang elevator.

"Fe!" I held her by the arm to stop her. I was nervous. I was scared at her reaction. Natatakot akong magalit s'ya. Natatakot ako na baka hindi na n'ya ako ituring na kaibigan pagkatapos nito. She is one of the people who stayed with me even during the times that I couldn't even recognize myself. Natatakot ako na baka magbago ang tingin n'ya sa akin.

She distanced herself and even raised her hands as if she was surrendering.

"Fe, please. Let me explain," I pleaded. "I-it's not what you think."

"T-that's Finn right?" Naguguluhang tanong n'ya. "Boyfriend ni Beatriz?"

"F-fe," utal na tawag ko. I clasped my sweating and shaking hands. "Fe, m-magpapaliwanag ako."

"No... No, Aveen, no." Umiling-iling s'ya. I was so desperate. Natatakot akong mahusgahan n'ya. Natatakot akong hindi n'ya ako pakinggan. I don't like that.

Sa sobrang pagkadesperada ay lumuhod ako sa harapan n'ya na ikinagulat n'ya.

"Pakiusap, pakinggan mo ako. Nagmamakaawa ako." Lumapit s'ya sa akin at inalalayan akong tumayo.

"Don't, Aveen. Wala kang kailangang ipaliwanag sa akin," sabi n'ya, habang hawak pa rin ako sa braso. "Kay Beatriz, meron. Explain it to her... Explain it with his fiancee."

"M-mahal ko si Finn, Fe."

Natulala s'ya nang sabihin ko 'yon. Her eyes went wide as they gaze at me. I feel like I'm going to burst out any moment especially when she let go of me and took a step backward.

"I'm sorry. I don't know what to say. Kaibigan kita pero... Kaibigan ko rin si Beatriz. And this is... This is crazy as fuck. I'm sorry, I have to go."

Nanginig ang baba ko at napahawak sa pader para sa suporta nang talikuran n'ya ako at pumasok sa elevator. I just found myself crying, sliding my back on the wall until I drop on the floor.

Sobrang mali nitong ginagawa ko. This is wrong in so many ways. But why can't I distance myself? Bakit ba binubugbog ko pa rin ang sarili ko sa sakit? Bakit ba ako nagpapadala sa mga maling akala? Puro na lang bakit. Lahat na lang ay puro tanong pero walang sagot. Nahihirapan na rin ako.

"What is it that you want to talk about?"

Napatayo ako mula sa pagkakaupo nang dumating si Beatriz. The next day, I just found myself texting her and asking her if we could meet at the cafe. Mabuti na lang at pumayag s'yang makita ako.

"T-take a seat," sinisinok pang saad ko sabay turo sa upuan sa harap ko. I can't look at her straight in the eye.

"Wala akong masyadong oras kaya kung ano man 'yang sasabihin mo, make it quick," walang buhay na sabi n'ya sabay tingin sa relo. She's probably setting time. Napayuko ako. I felt so guilty. I felt so terrible. What made me do this? What made me call her to meet me? Is it because I am guilty? O natatakot akong baka sa iba pa n'ya malaman kung sakali?

"I-I'm sorry," panimula ko, nanatiling nakayuko. "I-I'm sorry, I wasn't able to hold myself back..."

"What do you mean?" Umangat ang tingin ko at nakitang nakakunot na s'ya ngayon. I hid my hands under the table.

Catmint Series 2: Engr. Finn David Vernonحيث تعيش القصص. اكتشف الآن