Chapter one

71 10 0
                                    

"Hoy! Ano ba?! Kanina pa kita tinatawag!"

Napasinghap ako nang may tumamang damit sa mukha ko. I stopped from flipping the magazine I was browsing to look up to that man. Matalim na ang tingin n'ya sa akin at parang handa na akong saktan anumang oras. May hawak-hawak din s'yang stick ng sigarilyo sa pagitan ng daliri n'ya.

"Bingi ka ba?!"

"H-ha?"

"Ang sabi ko nagugutom ako! Hindi ka ba makaintindi?!"

I opened my mouth but no words were coming out.

"Ibili mo ako ng pagkain kako!" nagbato s'ya ng limang daan. "Bilis!"

I sighed before standing up and pocketed the five hundred peso bill. Dumiretso ako sa pinakamalapit na fastfood chain para umorder. While waiting on the corner, tumama ang mata ko sa babaeng nakangiti sa isang poster na nakadikit sa salaming bintana. For a moment, I imagined myself having shots like that while capturing my favorite model.

"Miss." I blinked when someone appeared in front of me, holding a brown paper bag. "Order n'yo po."

"Oh, shoot." I panicked. Kaagad kong kinuha ang paper bag nang maalalang may klase na naman pala ako dahil tumutunog na ang relo ko. Tumakbo ako paalis.

Pawis na pawis ako nang makapasok sa susunod kong klase. Naiinitan ako dahil sobrang tirik na tirik ang araw kanina nang naghatid ako ng pagkain tapos tinakbo ko pa.

"Ano ba 'yan! Ang haggard ha! Kadiri!" napairap ako nang marinig ko ang boses ng kaklase kong si Pear kasama ang mga alipores n'ya na s'yang dumaan sa harapan ko.

"Amoy basura."

Tumaas ang kilay ko.

"Kung amoy basura ako, ano ka pa? Amoy patay na daga?" Sagot ko habang tinatali ang mahaba kong buhok.

"What?!" her eyebrows almost met. Mukha s'yang angry bird.

"Bungol," bulong ko. Kinuha ko ang press powder ko at sandaling nagretouch. Mabuti na lang wala pa ang prof namin ngayon. Hindi ko na pinansin si Pear na nakikipagbulungan sa mga alipores n'ya. After a moment, Dasha came in the class. Katatapos lang din kasi ng lunch break.

"Bakit hindi ka sumabay sa amin kumain?" She asked, putting her bag down.

"Busy ako," I replied shortly. Ni hindi ko man lang s'ya binalingan.

"Busy? 'Yan din palusot mo kahapon at noong isang araw. Saan ka ba nagsusuot?"

"Dashana, pwede ba?" I shot her a stare. Pagod na nga ako, inuulan pa ako ng tanong. Hindi na lang manahimik. "Hindi kita nanay kaya huwag kang matanong."

Umirap lang s'ya at tinalikuran na ako. Nagsimula na s'yang magdoodle habang ako, nagphone lang. After my classes, hindi ulit ako sumabay sa kanila. Medyo tumagal ang discussion kasi araw na naman ng intrams. Hindi naman ako interesado pero required pumunta dahil may grades 'yon. Lalo na't kailangang manood sa mga events na inilunsad nila. May mga fund raising din sila at iilan pang mga ganap.

Ewan ko, hindi naman ako nakikinig.

"Nakauwi ka na pala."

Umangat ang tingin ko kay Pam na s'yang kashare ko sa dorm na nirerentahan ko. 

"Akala ko hindi ka na babalik dito. Kinabahan ako, akala ko mag-isa na lang akong magbabayad ng renta."

I rolled my eyes. Hindi ko s'ya sinagot at diretsong humiga sa ibaba ng double deck at humarap sa may dingding. Hindi ko na naisipan pang magpalit dahil masyado akong napagod.

Catmint Series 2: Engr. Finn David VernonWhere stories live. Discover now