Chapter twenty eight

47 7 0
                                    

"What are you doing, Malia?"

Napaayos kaagad s'ya ng upo habang nanonood ng tv sa sala. Kagaya ng palagi kong nadadatnan tuwing umaga, hawak na naman n'ya ang cellphone ko.

"Mommy, why are your cellphone keeps on beeping? And you are all over facebook too. I could see your face."

"Maybe some notifications, baby," I said, shrugging. Minsan, tunog talaga nang tunog ang cellphone ko dahil sa group chat namin sa Catmint. Nakalimutan ko na naman sigurong imute. 

"Just don't mind them," I said. "It will die down soon. Do you want toasted bread?"

"With scrambled egg and mayonnaise please!"

I went on preparing Malia's breakfast. Pagkatapos ay naghanda na rin ako para pumasok. I just wore a white blouse, the usual slacks and a 2 inch heels. Habang papasok ako sa COC, hindi nakatakas sa akin ang iilang mga pares ng mata na nakatingin sa akin. I could also feel stares behind my back that made me uncomfortable. Grabe silang makatingin sa akin na parang may ginawa akong hindi maganda.

"M-miss Aveen, pwedeng papicture?"

Napatanga ako dahil doon habang nasa loob kami ng elevator. A guy employee stood beside me and whispered that.

"W-why would you like to take a picture with me?" My brows furrowed. "I'm not a celebrity, stop it."

"Crush ka kasi no'ng kuya ko," bulong n'ya pa na mas lalo kong ikinagulo. "Sige na, isang picture lang please?"

Kahit ilang beses akong tumanggi, paulit-ulit n'ya akong kinulit kaya wala tuloy akong nagawa kundi ang pumayag. Isang pilit na ngiti lang ang iginawad ko roon. Even at the office, I couldn't help but to hear some whispers around me. Naiinis na nga ako ngunit hindi ko lang ipinahalata. I have to be professional especially that I'm in my work. Baka mamaya ay matanggalan pa ako ng trabaho, paano na lang ang anak ko di ba?

Sobra na akong nahihiwagaan. Kahit pa noong papunta ako sa photocopy machine at nadatnan ulit doon si Nero.

"Secretary ka, di ba?" Tanong ko habang naghihintay ng mga papel. Nanlaki naman ang mga mata n'ya dahil doon.

"Hala! Ako ba kinakausap mo, Aveen? Hala, ang swerte ko naman, senpai! Napansin ako ni lodi!" my forehead creased while looking at him.

"Anong tinira mo ngayon?" I asked.

"Grabe, iba na talaga kapag celebrity! Alam mo bang pati tatay ko crush ka na?! Nag-aaway na nga sina mama kasi paulit-ulit pinapanood ni tatay 'yong video mo na nagi-skateboard?"

"Anong celebrity ang pinagsasabi mo?" Tugon ko. "Masamang magdrugs, Nero."

"Ayaw mo ba, Aveen? Bakit naman? Cool mo kaya."

"You are talking shits," I tsked. "Wala akong alam sa mga sinasabi mo."

Umalis na rin ako kaagad pagkatapos. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Everything's weird this morning. Kahit pa noong bumibili ako ng coffee, may mga tumitingin talaga sa direksyon ko.

Wala naman akong scandal... Teka, wala nga ba?

Nagpatuloy 'yon hanggang kinabukasan. Papasok pa lang ako nang makasalubong ko si Finn. Napalunok ako nang magkasalubong ang mga mata namin. May hawak-hawak s'yang nakarolyong papel sa kamay at mahina 'yong hinahampas sa palad n'ya nang mapatingin s'ya sa akin.

Nagkunwari akong nagtetext para hindi masyadong awkward sa pagitan namin. Ayaw ko ring makita s'ya dahil bumabalik sa akin 'yong mga huling salita na narinig ko sa kanya sa hospital. Ayaw kong bigyan ang sarili ko ng pagkakataong umasa dahil pagdating sa kanya, itong puso ko ay parang tanga.

Catmint Series 2: Engr. Finn David VernonWhere stories live. Discover now